Diba naging masaya naman tayo?
Diba binigay ko naman lahat sayo?
Diba naging masaya ka naman sa piling ko?
At siguro naman naging dapat na akoPero bakit? Baking iniwan mo parin ako?
Baking pinagpalit mo parin ako?
Bakit kung kailan naging masaya na ako,
Saka mo ako iiwan ng ganitoBakit kung kailan umaasa na 'ko sayo,
Doon ka pa sa oras na 'yoni umalis sa piling ko?
Bakit kung kailan mas tumatatag na tayo,
Sana ka pa pumayag na pumasok siya sa puso mo?Hindi pa ba dapat ang sinabi King ikaw yung gusto ko?
At naghanap ka pa ng iba para maging kapalit ko
Hindi pa ba saat ang mga nagawa ko para sayo?
At tila napakadali para sayo ang iwanan akoBilang ang mga araw bago tayo nagkalabuan,
Nahuli King may kausap ka na ng magdamagan,
Di niyo manlang alintana kahit magkapuyatan,
Hanggang dumating ang araw na aking kinatatakutanAlam mo ba yung naramdaman ko nung nakita kita?
Nakita kita na masaya habang kasama mo siya
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala pero di magawa
Dahil ayokong mapahiya ka at makita 'yon ng IbaDiba? Ganon ka kahalaga na ayaw King napapahiya ka,
Kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong sumbatan ka,
Maraming mga tanong sa isip ko at gusto King tanungun ka,
Pero pano pa? Kung alam ko namang may pinag-kakaabalahan kana?Siguro kung hanggang ngayon ako parin yung gusto mo,
Baka sakaling tayo paring ang magkasama gangbang dulo,
Siguro kung yung pinagsamahan natin ang pinahalagahan mo,
Baka sakalingadagdagan pa natin ang mga alaalang tayo ang bumuoSiguro kung natutunan mo lang na makuntento,
Baka sakaling ikaw parin yung taong mahal ko,
Siguro kung sinabi mo lang yung pagkukulang ko,
Baka sakaling naayos pa natin lahat ng 'toPero siguro nga hindi talaga tayo para sa isa't isa,
At sigurado along nahanap mo na ang kaligayahan sakanya,
Nahanap ko narin ang kaligayahan ko noon pa,
Ngunit napapangunahan ng kaba at torpe lang talagaWag mag-alala, dahil minahal naman talaga kita,
At alam ko sa sarili kong wala ng pagsisisihan pa,
Dahil binigay ko lahat ng kaya ko noong tayo pa,
Period sadyng di ka lang nakuntento sa isaAt alam ko namang wala akong magagawa,
Desisyon mo naman na iyon ng mag-isa,
Hiling ko lang ay lumigaya ka na,
At salamat narin dahil dumating kaNgunit salamat parin kahit na pansamantala,
Alam naman naging sumaya tayong dalawa,
At maluwag narin sa loob ko ang bitawan ka,
Baka sakaling mas lumigaya ka pa sa piling niya
BINABASA MO ANG
𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚
PoetryIba't ibang mga tula na maaaring inyo na ring narasan. Mga tula na patungkol sa pamilya,kaibigan,pag-ibig at iba.