"𝐁𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖"

192 2 3
                                    

Ngayon ay hinahanap hanap pa kita
Ngayon ay hindi pa din nagsasawa
Ngayon ay ikaw pa at walang iba
Ngayon ako ay nakakapagtiis pa

Ikaw naman 'tong g*go sinusulit pa
Malambot ako pero natututo na
Sa dami ba naman ng sakit na 'yong dala
Sino ba namang tanga ang mananatili pa

Noong mga panahong ako'y nasayo pa
Ang saktan ako ang tangi mong ginawa
Hanggang ngayon hindi parin maalala
Hindi alam kung may mali bang nagawa

Laging gumugulo sa isipan ko
Ang mga katagang binitawan mo
Hindi malaman kung magrereklamo
Sapagkat iyon naman ang ninanais mo

Kailangan ko nalang tumanggap
Sapagkat hindi alam kung anong ganap
Biglang nanlamig sa isang iglap
At nawala ka na sa isang kisap

Paano ang mga pangako natin sa isa't isa
Mapapako nalang ba ng  basta basta
Ang mga pinagsamahan nating dalawa
Mawawala nalang bang parang bula

Kung inaakala mong wala ng iba
Pwes pinapaalala ko hindi ka nag-iisa
Sa tingin mo hahabol-habulin pa kita
Akala mo ba ay kakapitan pa kita

Sinasabi ko sayo nagkakamali ka
Dahil mulat na ang aking mga mata
Na nabulag sa pagmamahal na inakala
Ngayon kita ko na ang aking halaga

Kung noon ay hindi mo pa nalalaman
Ang halaga ng mga pinagsamahan
Kung noon ay hindi mo inaalagaan
Ang babaeng ikaw lang ang maiibigan

Balang araw mapagtatanto mo
Ang halaga ng sinayang mo
Balang araw ay mamahalin nila ako
Pagmamahal na dapat maramdaman ko

Balang araw makakatagpo ako ng isang tao
Taong tatanggapin ako ng buong buo
Taong pupunan ang mga pagkukulang ko
Taong handang intindihin pag tinotopak ako

Taong pupunas sa mga tutulong luha ko
Taong tutulungan akong muling tumayo
Dahil sa pagkalugmok sa sakit sa hatid mo
Balang araw may magmamahal sakin ng buo

𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon