"𝐇𝐀𝐖𝐋𝐀"

202 3 0
                                    

Ang mundong dati’y puno ng kaligayahan
Ang mundong may natatanging kapayapaan
Ang mundong may noo’y puno ng kaingayan
Ngayon nama’y puno na ng katahimikan

Tahimik ang akala ngunit hindi payapa
Akala nila’y maayos na ngunit hindi pa
Akala nila ang mga tao ay malaya na
Ngunit nananatili paring nakakulong sa hawla

Sa kulungang tila walang katapusan
Di alam kung paano ito lulusutan
At  kung meron pa bang paraan
Wala paring sagot sa katanungan

Dahil sa panahong pagpasok ng pandemya
Lahat ng mga nakagawian ay nagbago na
Lahat ng mga nagagawa ay hindi na maaari pa
Mga bagay na saatin ay nakakapagpasaya

Paano nangyari ang lahat ng mga ito?
Ang mga ito ay dahil sa ating mga tao
Lalo na pag sa kalika’y walang respeto
Mga tao na siya ring may kasalanan nito

Mga kasalanang ngayo’y pinagsisisihan
Mga kasalanang atin nang pinagbabayaran
Na ngayo’y nagdudulot na ng kasawian
Dahil sa naghihiganti na ang inang kalikasan

Mga tao’y tila nasa loob ng kulungan
Nasa labas ngunit walang kalayaan
May nagagawa ngunit ito’y nalilimitahan
Upang makalabas tayo na’t magtulungan

Mga tao ngayon nakakulong na sa hawla
Nagtatanong kung ito’y nararapan ba
Kung bakit ang mga ito ay nangyari pa
Edi sana mga tao ay nagsasaya na

Nagtatanong kung hanggang kailan kaya
Hanggang kailan ang pagkakakulong sa hawla
Isang hawla ngayon dahil sa pandemya
Hindi malaman kung kailan makakalaya

Sana lahat ng tao ay magtulungan
Huwag isipin sa kapwa ang maglaglagan
Dahil sa panahong ito hindi yan maasahan
Wala tayong mapapala magpapatuloy yan

Nagsasama-sama ang mga may kakayahan
Upang pandemyang ito ay atin nang malusutan
Kaya’t lumaban tayo at huwag itong sukuan
Pandemya yan,Pilipino tayo, kaya natin yang labanan

𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon