𝑻𝒖𝒍𝒂 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝒂𝒎𝒂ꨄ︎
Mula pagkasilang iyong nasilayan
Paglabas ko ka’y inang sinapupunan
Unang palahaw na iyak iyong nasaksihan
Sa iyong mukha makikita ang kasiyahanSa aking paglaki iyong sinubaybayan
Pati mga bagy na aking natuklasan
Mga bagong bagay na aking natutunan
At sa mga bagay na ako’y iyong tinuruanKahit minsan ay may di pagkakaintindihan
Kaya’t di maiwasang ako’y mapagalitan
Maging ang damdamin ko ay nasasaktan
Mgumit walang magagawa kong iyong kagustuhanAma na sa kabuhayan ay maaasahan
Sa mga sakuna ay hindi kami pinapabayaan
Ang magustom ay hindi pinapahintulutan
Kapag may sakit kami’y inaalagaanAmang tila isang kalasag na walang sawa nagproprotekta
Amang kasa-kasama at sa kalungkutan ay kasangga
Amang kapakanan ng anak ang laging inuuna
Amang napakaresponsable sa kanyang pamilyaNabibigay lahat ng aming pangangailangan
Maging sa pagmamahal ay hindi nakulangan
Kaya’t hindi makakaya kapag kayo’y lumisan
Sana ay tumagal pa an gating samahanHiling ko lang sana ang bisyo ay iwasan
Upang hindi humina ang iyong kalusugan
Hindi dahil sa ika’y aming pinagbabawalan
Bagkus ay para lamang sayong kabutihanKaya’t alagaan ang sarili wag pababayaan
Lalong-lalo na ang iyong pangangatawan
Isali mo narin pati ang iyong isipan
Kasabay nito ika’y aming aalagaanSalamat sa iyong walang sawang aruga
Kahit makulit kami, hindi parin nagsasawa
Pinapakitang kami ay mayroong halaga
Kahit na alam kong kayo’y pagod naKaya’t sana sa pamilya ay walang sukuan
Kahit mahirap sama-sama paring lalaban
Dahil pagdating sa pamilya walang iwanan
At ang mga ito ay dahil sayong katataganAmang kahit mahirap kami ay maiintindihan
Amang kahit anong mangyari kami’y pro-protektahan
Amang kahit nahihirapan ay lagi paring lalaban
At kahit na anong mangyari kami ay laging aalagaan
BINABASA MO ANG
𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚
PoesieIba't ibang mga tula na maaaring inyo na ring narasan. Mga tula na patungkol sa pamilya,kaibigan,pag-ibig at iba.