Sa aking pagpunta, ikaw ang nakita
Sayo lamang nakatuon ang mga mata
Nabihag sa rikit na mayroon ka
At tila nabuhay ang aking pandamaSa unang sayaw na ikaw ang kasama
Hindi maitago ang nadaramang saya
Sa tuwing ako'y tititig sa'yong mga mata
Ay alam kong ganon rin ang iyong nadaramaMadarama ang saya sa aking pagtawa
Sa tuwing ikaw ay aking nakakasama
At makikita ang kinang sa aking mga mata
Na tiyak kong ikaw lamang ang nakakagawaNgunit kay bilis ng mga araw
At ngayon ay hindi kana matanaw
Tila kailan lang ng ikaw ay isayaw
Bakit ngayon ay tila uhaw na uhaw?Sa distansyang sa atin ay namamagitan
Sa telepono na lamang ang ating usapan
Ngunit hindi ito hadlang sa ating pag-iibigan
At walang dahilan upang ikaw ay aking bitawanAng malayong pag-ibig na kinahuhumalingan
Sana'y muling magtagpo ang ating mga daan
Pahiwatig na tayo nga ang tanging nakalaan
Hanggang ang ating buhay ay matuldukan
BINABASA MO ANG
𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚
PoetryIba't ibang mga tula na maaaring inyo na ring narasan. Mga tula na patungkol sa pamilya,kaibigan,pag-ibig at iba.