"𝐀𝐋𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘"

39 0 0
                                    

Minsan malakas, minsan mahina
Nakadipende ito sa desisyon ng tadhana
Ngunit sa kabila ng mga problema
Nasasayo kung magpapatuloy ka pa ba

Kadalasan sa atin ay ayaw sumuong sa sakuna
Dahil daw baka mapahamak sila
Ito na lamang ba ang inyong inaalala?
Di niyo ba naisip ang kabutihan nitong dala?

Na sa pamamagitan nito mas lumalakas ka pa
At mas namumulat ang iyong mga mata
Sa mga pagsubok at problema
Magkakaroon ng maraming ideya

Paano nga ba magagawa
Kung naluklok na sa negatibong enerhiya
Patuloy ka nalang bang magpapadala?
Hindi ba pwedeng lumaban ka pa?

Walang madaling pagdadaanan
Kung ang hangad ay kasiyahan
Dapat lamang na lumaban
Kung ninanais mo itong makamtan

Wag magpapadala sa mga utak talangka
Na walang ibang ginawa kundi paninira
At hihilain ka pababa upang makaangat sila
Hayaan, at magpatuloy sa mabuting gawa

Kung kaya’t kayo ay aking inaanyayahan
Magpatuloy sa pakikipagsapalaran
Mga pagsubok ay huwag sukuan
Magtiwala at ito ay iyong malalagpasan

Anong mapapala ng iyong pagtunganga?
Papanoorin na lang ba ang buhay ng iba?
At titinglain ang mga tagumpay nila
Habang ikaw ay nakalugmok sa ibaba?

Mag-isip ng maaaring paraan
Upang ito ay iyong malagpasan
Tadhana ay huwag hayaan
Na kumontrol sa iyong kinabukasan

Dahil sa bawat alon ng buhay
May liwanag na naghihintay
Ang kalangitan ay magkakakulay
Bubungad ang bukang liwayway

Isang pahayag na dapat mong tandaan
Na sa bawat alon ay may kapayapaan
Sa bawat ulan ay may bahagharing masisilayan
Na ang bawat pagsubok ay may katapusan

𝑺𝒑𝒐𝒌𝒆𝒏 𝑾𝒐𝒓𝒅 𝑷𝒐𝒆𝒕𝒓𝒚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon