The Savior in disguise

4 1 0
                                    

Chapter 2:

*Cynch's POV*

Pagkababa ko sa jeep may nakita akong isang matandang lalaki at isang tuko, este, babae na nakakapit sa braso ng matanda.

"Mistress niya siguro to." Sabi ng utak ko.Inalog-alog ko naman ang ulo ko.

"Ba yan Cynch, pumunta ka dito para mag sa job interview mo, di para mang-intriga sa buhay ng ibang tao.''-bulong ko sa sarili. Naipukpok ko naman ang ulo ko at napangisi kaya napatingin ang babae sa akin at tinayaran niya pa ako, nahalata niya sigurong siya ang topic ng utak ko. Hihihi. Pasensiya naman chismosa din ako minsan ,e. v^____^

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at nilagpasan sila ngunit di pa ako nakakalayo sa kanila narinig kong tumili yung babaeng tuko kaya naman napalingon ako sa kanila, pagkakita ko may nakatutok na baril sa matanda.

"Holdap 'to."- rinig kong sigaw ng holdaper. Dali-dali naman akong nagtago sa kotse na naka park dun na malapit sa akin, nakita ko naming nagtatakbo ang babae sa sobrang takot kaya naiwan ang matanda na nakatulala, di alam ang gagawin. Nag tago naman ako ng mabuti para di ako madamay at para di rin ako matamaan ng baril kung saka-sakaling magpaputok ang holdaper, pero naaawa ako sa matanda. Nakita ko naman ang mga gwardiya na papalapit sa holdaper at sa matanda,tinutukan din nila ang Bigla namang hinigit ng lalaki an gang matanda at ginawa ng hostage, tinutukan niya ito san g baril sa ulo. "Ibaba niyo yang mga baril niyo, kung hindi sabog ang bungo ng matandang to."-sigaw ng holdaper. Wala namang magawa ang mga gwardiya kundi sundin ang holdaper.

Nagpalinga-linga naman ako sa paligid marami akong nakikitang mga tao na nakatingin lang. "Wala ba silang pakialam? Kalalaking tao mga duwag. Wala man lang awa sa matanda."-bulong ko sa sarili. Psh. Mga tao talaga, sabagay kung di lang ako naawa sa matanda di ko rin siya tutulongan pero sympre anghel ako,i.sisave ko pa rin siya. =) Hwag niyo na po akong pansinin ang gulo lang talaga ng utak ko sa ngayon.

May napansin naman akong mga bato sa di kalayuan sa akin kaya naman nagkaroon ako ng isang great idea. Pinulot ko ang mga iyon at lumipat sa kabilang kotse na mas malapit sa hostage taker/holadaper at sa matanda.

Napatingin naman ako sa mga gwardiya, naibaba na nila ang kanilang mga baril, kaya naman nagkaroon na ang holdaper na gawin ang pakay niya. Pinilit agawin ng holdaper ang bag ng matanda at tinulak ito kaya naman medyo napalayo ang matanda, ngunit di niya ito makuha kaya naman itinutok niya ulit ang baril dito. Naalarma naman akokaya naman bago niya pa iputok ang baril tinaponan ko na ang kamay , luckily na tamaan ko naman ang kamay niya but its too late naiputok na ito at natamaan ang matanda.

Tinangka naman ng holdaper na tumakas. Mabilis itong sumakay sa motor niya, bigla ko naman siyang hinabol at pinagbabato. Natamaan ko naman ang ulo at wheel ng motor niya kaya naman natumba ang motor nito. Wala na siyang nagawang paraan para tumakas, kinuyog na siya ng mga taong nakatambay dun. "Thanks God, tumulong din sila."- sabi ko sabay buntong hininga.

May dumating na ambulansya kaya naman bigla kong naalala ko ang matanda kaya naman napatingin ako sa kinaruruonan niya, pinagtulongan naman siyang buhatin ng mga gwardiya papasok ng ambulansya. Napadasal naman ako habang sinusundan siya ng tingin. "God sana po walang mangyari sakanyang masama, sana maging ok siya."

My  Handsome ChattelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon