Pagpasensiyahan niyo na po ang mga mispelled words, cellphone po kasi ang gamit ko ngayon. but I WILL try my best na i.correct ang spelling para mas maintindihan niyo.
--
Chapter 5:
.*Cynch's POV*
Nang makaupo ako pinilit kong hwag na lang pansinin ang prisensiya ng lalaking yun, kaya naman ipinikit ko na lang ang nga mata ko para makapagpahinga at makapag-isip ng kung ano ang dapat kung gawin sa naudlot kong job interview. I sighed. "PAno na ngayon to?" Tanong ko sa sarili. "Ipapaalam ko na lang kung ano ang nangyari at hihingi na lang ako ng 2nd chance. Tama yun na nga gagawin ko." Bigla naman akong napahinto sa pag-iisip ng maramdaman kong may lumapit sa akin.
"SIno na naman kaya to?" - tanong ko ulit sa sarili. Kaya naman napamulat ako at tinignan kung sino man yun. Kinabahan naman ako ng makita kung sino ang taong yun. Nakakunot ang kanyang noo, nagkasalubong ang dalawa niyang kilay at tinitigan niya ako na wari'y kakainin niya ako. Pigil hininga ko naman siya tinignan.
"Who are you? Ikaw ba ang sinasabi nilang mistress ng papa ko? How dare you to come here? May lakas loob ka pang magpakita sa amin!" - kalmado ngunit may halong galit na sabi niya.
Pinagbibintangan niya ako bilang... bilang mistress? Wow lang ha! Kaya naman napatayo ako at sinigawan siya."Ikaw anong karapatan mong --- " di ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang umurong ang dila ko ng makita ang reaksiyon niya. Damn! Nakakatakot. Letse! "Mama help me!" sigaw ng utak ko. "A-ah. E-eh.hehehe. " yan na lang ang tanging nasabi ko.
Napansin ko namang papalapit na siya sa akin kaya naman awtomatikong napaatras ako. Nakalimutan ko namang upuan pala ang nasa likuran ko kaya muntikan na akong natumba buti na lang nahawakan niya ako sa kamay at hinatak ako papalapit sakanya dahil sa pagkabigla nakakapit na naman ako sa braso niya. Agad naman akong napatingala. Oops! Wrong move. Di ko alam nakatitig pala siya sa akin. Kaya naman nagkalapit ang mga mukha namin.Napayuko naman ako.Mas gwapo siya sa malapitan. Uwaah! Pwede bang dito na lang ako poreber? Hahaha Ambango niya. Shems! Nakakahimatay.
Naputol naman ang aking imahenasyon ng bigla niya akong hinapit sa beywang kaya naman mas lalo kaming nagkalapit , napatingala naman ako ulit nakita kong sa labi ko na pala siya nakatitig kaya napalunok ako at mas lalo akong kinabahan. Ano ang gagawin niya? Don't tell me. Hwag naman san----
Napahinto naman akon sa pag-iisip ng halikan niya ako. A kiss full of anger. He kissed me torridly but I did not kiss him back. Di dahil sa hindi ako marunong humalik, actually this is not my first kiss , pero kasi di ako makagalaw at ayaw mag function ng utak ko.
I was froze for a second. Napahinto naman siya sa paghalik sa akin, dun na bumalik ang katinuan ko kaya naitulak ko siya. He smirked.
"Just serving you right. Yan naman ang gusto mo diba? Ako na muna ang papalit sa papa ko. Isa pa ----" . Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo. "Maganda ka naman. Pwede na. Magkano ba ang serbisyo mo ha? At babayaran kita. But for now - here. Take this." - sabay abot niya sa akin ng pera. Napatingin naman ako sa kamay niya. Ano ang tingin niya sa akin bayarang babae? Aba nakakarami na tong lalaking to ah. Nagtaka naman siya dahil di ko kinukuha ang pera sakanya. "Here." - sabi niya sabay kuha ng kamay ko at inilagay dito ang pera. "Yan naman talaga ang habo mo diba? Pera! Bayad ko yan sa paghalik ko sayo. Ano ba ang nakita ng papa ko sayo? You're a lousy kisser." - dagdag niya pang sabi.
Nakaka --- Aish! "Cynch easy lang. Inhale. Exhale." Pagpapakalma ko sa sarili. Isa ka na lang talaga lalaki ka !
"Ano pa ang hinihintay mo? Umalis kana dito. Aah! Baka naman nakukulangan ka pa sa perang binigay ko. Here's my calling card tawagan mo ko kung kulang pa -------" Di ko na pinatapos ang sinasabi niya dahil kusa na lang gumalaw ang aking kamay at nasampal siya.
BINABASA MO ANG
My Handsome Chattel
RomanceCynch Marie Valdez a woman that any guy could be dreaming off. Babaeng kakainggitan ng maraming babae. A topnotcher, beautiful, rich and famous. Pero iisa lang ang gusto niya, ANG MABUHAY NG SIMPLE at MASAYA ..... She wants to stand on her own. Hind...