Chapter 8 :
*Aian's POV*
Isang linggo na rin ang nakalipas ng utusan ako ni papa na hanapin ang babaeng yun at isang linggo ko na din siyang hinahanap , hanggang ngayon di ko pa rin siya nakikita. Lahat ng club napuntahan at napagtanungan ko na pero di ni kilala ang babaeng yun. Sabagay pano ba nila mikalala , kahit ako nga ni pangalan di ko alam. San ba kasi ang lungga ng babaeng yun? Aish !
Nagpaikot-ikot pa ako, hanggang sa mapadpad ako sa isang exclusive subdivision , dahil may kakilala ako sa subdivision na to agad naman akong pinapasok ng gwardiya na nakabantay doon.
Nilibot ko muna ang subdivision at nagmamasid baka sakaling makita ko siya dito. Ewan ko ba kung bakit dito ako dinala ng kotse ko at ito na lang ata ang di ko napupuntahan.
San ba kasi ang babaeng yun? Dapat nasa club na ako ngayon at nakikiparty. Aish ! perwesiyo talaga ang dala nun sa akin. >.< Baka naman multo yun. Napailing naman ako dahil sa naisip ko.Ano ba yang naiisip ko. Mabuti pa hanapin ko na ang babaeng yun kailangan ko ng matapos agad to para wala na akong problema.
Tuloy pa din ako sa paglilibot sa subdivision ng may nakita akong naglalakad papunta sa direksyon ko kaya naman naisipan kong lapitan para masigurado.
Nang medyo malapit na ako sakanya pinark ko ang kotse ko at pinatay ang engine nito para di niya mahalata.Tinitigan ko naman siya ng mabuti, sigurado nga ako siya ito. Siya ang babaeng hinahanap ko.Pero teka, bakit siya nandito? Ano naman ang ginagawa niya dito?
"Bakit ko ba iniisip yan? Ang importante nakita ko na siya. Kung siniswertw ka nga naman." - nakatawang sabi ko.
------
*Cynch's POV*
Naglalakad ako palabas ng subdivision dahil pupunta akong mall para makapaglibot at para mabawasan ang inis ko. Nang mapadaan ako sa nakaparadang sasakyan may biglag tumawag sa akin, kaya naman napatingin ako sa nagsalita, at nagmumula yun sa kotse.
Nakita ko naman ang driver nito ngunit di ko siya mamukhaan dahil nakashades ito. Napansin niya naman siguro na nagtaka ako kung sino siya kaya tinanggal niya nag shades niya.
But how I wish di na lang sana niya tinanggal kasi ang lalaki lang naman yun ang tumawag sa akin, ang lalaking nambintang sa akin na mistress ako ng tatay niya . Arrgghh ! >.<
"Ano ang ginagawa mo dito? Ano ang kailangan mo? Sinusundan mo ba ako ha? Nandito ka na naman ba para pahiyain ako? " - galit kong sabi sakanya.
Napakawalang hiya niya talaga.
He smirked. "Ang init naman ng ulo mo." - sabi niya habang pababa siya ng kotse.
Hindi ko siya pinansin , tinuloy ko naman ang paglalakad.
"Kaya pala hindi kita makita sa kahit anong club, naghohome service ka pala. Ayos ka rin ano? Sa pagkakaalam ko dito nakatira yung Steve Salvador , siya yung sumundo sayo nung isang linggo sa ospital diba? Isa din ba siya sa costumer mo?" - siya
Dahil sa sinabi niya bigla akong napahinto. Nakakainis na talaga ang lalaking to ! Easy lang Cycnh nasa subdivision ka kung magsaskandalo ka dito mabubuking ka talaga ng lalaking yan. Napaharap naman ako sakanya habaang naka taas ang isang kilay.
"Ano ang sabi mo? Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin?" - naiirita kong tanong
"Di ka naman siguro bingi para hindi mo marinig ang sinabi ko diba? Well , nandito ako kasi gusto kang makita ng ama ko. At ako ang inutusan niya na dalhin ka sakanya." - siya
Ok din tong lalaki na to, makapag-insulto akala mo walang kailangan. Psh. >.<
"Pano kung di ako sasama?" - ako
"Di ko na kailangang magmakawa sayo kasi alam ko namang sasama ka, for sure dad will give you incentives. Malaki-laking pera din siguro yun." - siya
I smirked. "Alam mo ba------"
/Lakad papalapit sakanya/
"Na ang sobrang bilib sa sarili-------"
/Tinignan siya straight to the eyes/
"minsan nagiging dahilan upang masaktan ka?" - sabi ko. At tinadyakan siya ng malakas sa tuhod kaya naman napaluhod siya.
"Tama lang yan sa mga lalaking mahahangin at sobra ang bilib sa sarili. Bleeeh :p" - pahabol ko pang sabi.
Sa wakas napaluhid ko din siya. hahaha :D Nakaganti din. Napaluhod ko na siya, napahiya pa siya. :D
Nakita ko namang tumayo siya mula sa pagkakaluhod, kaya binilisan ko na ang paglalakad,"Sandali lang." - rinig kong tawag niya sa akin.
Sa pagkakataong yun , tumakbo na ako para di niya ako mahabol.
---
Author's Note :
Sorry po if lame masyado ng update , sleepy na kasi si author masyado siyang napagod sa pagspaspazz kanina about sa EXO'luXion. Kaway sa lahat ng EXO-L dyan. :)
Try ko pong mag update bukas kung wala akong gagawin. :) Good night :)
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND WRITE A COMMENT. :) Capslock para dama. :D

BINABASA MO ANG
My Handsome Chattel
RomanceCynch Marie Valdez a woman that any guy could be dreaming off. Babaeng kakainggitan ng maraming babae. A topnotcher, beautiful, rich and famous. Pero iisa lang ang gusto niya, ANG MABUHAY NG SIMPLE at MASAYA ..... She wants to stand on her own. Hind...