The Kiss

13 1 0
                                    

Hi po sa mga readers :) As a promise mag susulat ako this week, kaya ito na.

ENJOY READING :) DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. jjebal :) KAMSA :)

Chapter 10:

*Aian's POV*

Pagkagising ko ang sakit ng ulo ko. "Hinayupak na bakulaw yun napalakas ang hampas sa ulo ko". - sabi ko sa sarili habang hinihimas ang parte ng ulo ko na napalo kanina.

Inilibot ko naman ang ulo ko para malaman kung nasan na ako. Napakapamilyar ng lugar parang..

parang....

parang....

"Kwarto ko to ah! Pano ako napunta ditio?" - takang tanong ko sa sarili.

Ang natatandaan ko lang ay yung nakahiga ako sa sahig at ang babaeng yun na nakaharang sa akin.

Bahala na nga ! Ang importante nakauwi na ko. Makaligo na nga lang.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Cynch's POV*

Ilang ulit na akong pabaling-baling sa kama ko pero di ko pa rin magawang makatulog.

"Uwaaaah T^T ! Nakakainis kang lalaki ka , dahil sayo di ako makatulog." - pasigaw kong sabi habang sinasabunutan ang sarili ko ng bigla akong natigilan at maalala ang nangyari kanina.

-FLASHBACK-

Nakarating na kami sa condo ng lalaking to. Tinignan ko ulit ang I.D niya para malaman kung ano ang pangalan niya. "Hmma.. AIAN VILLANUEVA. "- pabulong ko sa sarili habang tinitignan siya.

Tulog pa rin siya hanggang ngayon, ang lakas siguro ng pagkakahampas sakanya, kawawa naman siya.

Bigla namang napakunot ang noo ko.

Hindi! hindi siya kawawa. Bagay yan sa mga mayabang na katulad niya! bulong ko sa sarili.

Napagpasyahan ko na lang na ibaba siya para matapos na to at para naman wala na akong utang na loob sakanya. Kaya sinimulan ko na siyang buhatin.

"Parang kailanagan ko atang magpamassage mamaya, tiyak bali-bali na ako pagdating sa bahay namin, ang bigat naman kasi ng Aian na to." - pagrereklamo habang buhat-buhat siya.

Pumunta ako sa receptionist para magtanong kung anong floor ang condo ng lalaking to, nagpatulong naman ako sa isang guard dun para buhatin siya.

Pagdating sa condo niya agad naman akong nagpasalamat ng matapos namin siyang ihiga. Sinirado ko na ang pinto, napatingin naman ako sakanya. Ang himbing-himbing ng tulog niya. Gwapo naman pala siya kapag di nakasalubong ang kilay niya, ang tangos ng ilong niya tapos ang bango-bango pa niya. Napadako naman ang mga mata ko sa labi niya, ang pula-pula ang sarap halikan.

"Eeh? >.> Ano ba yang iniisip mo Cynch? Ang dumi ng utak mo." - pabulong kong saway sa sarili ko.

Inaayos ko ang kumot ng magsalita siya, napatingin naman ako sakanya. Tuloy-tuloy pa din siya sa pagsasalita, di ko naman siya maintindihan kasi medyo mahina ang pagkakasabi niya.kaya lumapit ako. 

"Mahal kita. Mahal kita."- paulit-ulit na sambit niya.

"Sino naman kaya si Mahal kita?" - napakunot noong taning ko.

Lalayo na sana ako ng hawakan ng isa niyang kamay ang wrist ko at hinila niya ako bigla kaya napalit ang mukha ko sa mukha niya, nagkadikit naman ang mga labi namin, dahil sa pagkabigla ko agad akong napaurong at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero ang higpit ng hawak niya kaya di ako makaalis.

"Hwag mo kong iiwan. Please. Mahal na mahal kita." - muli niyang sabi.

Pilit pa rin akong nagpupumiglas ngunit ang lakas niya, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya. Di ko namalayan nahawakan na niya pala ako sa batok at unti-unti niyang nilapit ang mukha ko sa mukha niya, di ako makagalaw parang may umuudyok sa akin na halikan siya. Diyos ko po ! Ilayo niyo po ako sa temptasyon. T^T. Napapikit na lang ako, 

then...

then..

then..

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aming mga labi,  this time it was passionate, na parang nadadala ako sa halik niya. Hindi ko alam ngunit kusang bumuka lang ang aking mga labi at tinutugon ang kanyang halik, parang nawawala ako sa sarili ko , nakakaadik.

Bigla naman siyang napahinto sa pag halik kaya naman nagtatakang napahinto din ako, napatingin ako sakanya yun pala nakatulog siya ulit. Salamat naman . Pero bakit parang gusto ko pa din siyang halikan? Bakit parang naiinis ako kasi napahinto siya? >.Napailing naman ako.

"Aish ! Hindi ko yun gusto at hindi ako naiinis, hindi ako nanghihinayang, Argghh ! Pasalamat kang Aian ka may utang na loo ako sayo at tulog ka dahil sa akin kung hindi pinatay na kit-------------

Natigilan ako ng muli na naman siyang magsalita.

"I love you. Pleas hwag mo kong iwan, nagmamakaawa ako. I love you...........Alice"

Napakunot naman ako ng noo. Sino na naman si Alice? Kanina si Mahal Kita ngayon naman si Alice? Pero bakit ko nga ba yan pinuproblema? Wala na akong pakialam dun.

Nang makita ko ang mukha niya para siyang isang batang nagmamakaawang bilhan ng laruan, na para bang iniwan siya ng isang tao na mahalaga sakanya. May kirot naman akong naramdaman, bigla akong naawa'

Inalog ko naman ang ulo ko para mawala ang iniisip. At tuluyan na akong umalis sa condo niya.

-END OF FLASHBACK-

Kainis talaga.. Arghhh >.Yung too, San ka ba naiinis? Sa pang-iinsulto niya sayo o dahil sa naudlot na halik? 

Pakiramdam ko bigla akong namula dahil sa naisip ko. "Letse! Ayoko na siyang maalala pa."- sigaw ko. Tinakpan ko naman ng unan ang mukha ko. "Pipilitin ko na nga lang matulog. Bahala na!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat naman at naitawid ko din ang chapter na ito ^^ Sorry sa matagalan na pag update. Try ko ulit mag update mamaya or next week na din ulit . hehehe :) Masayado lang pong busy si author. v^___^

May 76 readers na ako, sana dumami pa to. :)

Maraming salamat sa pagbabasa. :)

_author_

My  Handsome ChattelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon