Unang Pagkikita

4 1 0
                                    

Chapter 4:

*Cynch's POV*

Tahimik akong nakaupo dito sa tapat ng operating room, ilang oras na akong naghihintay dito pero di pa rin lumalabas ang doktor na sumuri sa matandang nabaril kanina. Napabuntong hininga naman ako at sinubukang pakalmahin ang sarili, napagpasyahan kong matulog muna saglit, iniyuko ko na ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ng biglang may narinig akong nagsalita kaya napatingin ako sa kanila. "Excuse me. San dito ang operating room?"-tanong ng isang lalaking oh soooooooo yummy sa nurse. "A-ahm. Diretsuhin niyo lang po to sir."-pacute na sabi ng nurse sa lalaki habang tinuturo ang direksyon.

Nakita ko naman silang papalpit sa kinaruruonan ko. Kasama ng lalaki ang isang babae na mga nasa 50's ang edad. "Siya siguro ang asawa ng matandang nabaril. Ang ganda naman niya. At siguro anak niya ang lalaking to. Di na nakapagtataka. ANG GWAPO,e. Mukhang masungit. Hmp. Sayang !" - napapailing naman ako dahil sa sinabi ko. Bigla naman itong napatingin sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Letse ! feeling ko namula yung mukha ko. Aish ! Bakit kasi ang gwapo. "Psh, Ang harot lang? Di kana teenager Cynch."-saway ng utak ko.

Bigla naman bumukas ang pinto ng OR at lumabas ang doktor, kaya naman napatayo ako agad at nagtanong sa doktor. "KAMUSTA NA PO SIYA DOC?" "HOW IS HE?". Nagkatinginan naman kami, halata sa mukha niya ang pagkagulat at tinitigan naman niya ako ng mabuti, binigyan niya ako ng "WHO-YOU?" look. Kaya napaiwas na naman ako ng tingin sakanya. Nakakatakot naman ang lalaking to. Tssk ! >.<

"Eheem ! Sino ba ang kamag-anak ng pasyente?"-tanong ng doktor. Kaya naman nabaling ang atensyon namin sa doktor. "I'm his son and this is my mom doc."- sabi nung lalaki. "Tama nga talaga ang hinala ko."-sabi ng isip ko.

Nagsimula namang magpaliwanag ang diktor about sa kondisyon ng matanda kaya naman nagpasya akong umupo na lang muna. Its a family matter anyways. Tapos nakita ko din kasing nakatitig na naman yung lalaki sa akin.

*Aian's POV*

Di talaga mawala ang tingin ko sa babaeng nakasabayan kong magsalita kanina. Kaano-ano ba siya ng papa? Bakit siya nandito? yan ang tanong na kanina pa nabuo sa isip ko. Sinundan ko naman siya ng tingin habang paupo siya sa upuan.

Napabaling naman ang atensiyon ko ng magpalaiwanag na ang doktor about sa kondesiyon ng ni papa. Pagkatapos naman ng doktor magpaliwanag, inanyayahan niya si mama sa kanyang opisina kasi may sasabihin daw siya in private kaya naman di na ako sumama, nagpaiwan ako sa OR upang kausapin ang babaeng yun kaya naman nilapitan ko siya.

My  Handsome ChattelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon