The Savior Wanna Be

14 1 0
                                    

Chapter 9:

*Cynch's POV*

"Salamat naman at nakalayo na ako sa lalaking yun. For sure, namimilipit pa din yun sa sakit dahil sa pagkatadyak ko sakanya. hahaha . Buti nga sakanya. Pasalamat siya at yun lang nagawa ko sakanya at nasa subdivision kami. Kundi naku, basag na talaga ang bungo ng lalaking yun." - sabi ko sa sarili habang hinihingal.

Sa sobrang pagtakbo di ko namalayan na nakalabas na pala ako sa subdivision at napadpad ako sa medyo may kadilimang eskinita. Oo medyo lang kasi nasisinagan pa naman ng araw. hehehe :) Lalabas na sana ako ng may nagsalita buhat sa likod ko.

"Miss san ka pupunta? Dito kana muna , gusto mo bang sumali sa laro namin?" - tinig ng isang lalaki.

Napalingon naman ako sa nagsalita, at may nakita akong tatlong lalaki na tumatawa. Bigla akong napalunok at kinabahan. Ba yan? Ano ba tong pinasok ko? T^T Nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Kung ano man ang larong yan , wala akong oras para dyan. So, if you don't mind aalis na ako." - pagtataray kong sabi.

"Aba pare, palaban, Yan ang gusto ko sa mga babae." - sabi ng isang lalaki na maitim.

Humakbang naman sila palapit sa akin agad naman akong napaatras at aakma na sanang tatakbo ngunit na hawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.

"Bitiwan niyo ko." - sigaw ko habang nagpupumiglas

"Madali lang naman to miss,e." - nakangising sabi ng lalaki na nasa harapan ko.

"Bitiwan niyo ko. TULONG ! TULONGAN NIYO KO!" - sigaw ko.

Napatawa naman silang tatlo. "Miss kahit ano pa ang sigaw na gawin mo dyan ,walang makakarinig sayo." - sabi ng lalaking nakahawak sa kaliwa kong braso.

Hinawakan naman ng lalaking nasa harapan ko ang mukha ko at papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin na waring hahalikan niya ako ng biglang may sumigaw.

"Bitiwan niyo siya!" - anang lalaki kaya naman napatingin kami sa direksyon niya, ngunit di ko siya maaaninagan dahil maliwanag sa kinatatayuan niya.

"Sino ka namang pakialamero ka ha?" - tanong ng lalaking nakahawak sa kanang braso ko.

"AKO ?" - sabi ng lalaki habang papalapit sa amin

"Ako lang naman ang greatest nightmare niyo." - natatawang sabi ng lalaki.

My eues widen when I saw his face. "I-ikaw?" - nagtataka kong tanong

"Yes! honey, it's me. I will save you from them."-sabi niya sabay kindat. I just rolled my eyes. Psh. Arogante na nga , mayabang pa. Tignan natin kong maililigtas  niya talaga ako. 

"Tama  na ang daldal, simulan na natin ang laro." - anang lalaki na nasa harapan ko.

Binitiwan naman ng dalawang lalaki ang braso ko at sinimulan na nilang sugurin ang lalaking yun.

----

*Aian's POV*

Sa sobrang paghahabol sa babaeng yun, napadpad ako dito sa isang eskinita, nagbabakasakaling dito nagtago ng may narinig akong sumigaw at humihingi ng tulong. Agad naman akong napasugod kung san nanggaling ang tinig na yun, may nakita akong tatlong lalaki na hawak-hawak-hawak ang isang babae , ng makita ko kung sino ang biktima nila agad naman akong napalapit sakanila.

"I-ikaw?"- gulat na sabi niya

"Yes! honey, it's me. I will save you from them."- sabi ko sabay kindat.

Sinimulan naman akong sugurin ng mga hukluban, isa-isa nila akong inatake.

Susuntukin na sana ako ng unang sumugod sa akin ngunit nakailag ako, sinuntok ko din siya kaya napatumba siya. Wala palang binatbat. Psh. Sinugod na naman ako ng isa, di naman ako nahirapang patumbahin siya, ngunit huli ko na napansin ang isa pang lalaki na nasa likod ko, kaya bago pa ako nakailag napalo na niya ako ng kahoy sa ulo kaya naman natumba ako.

Nakita ko namang nagsitayuan na yung dalawang lalaki na napatumba ko kanina. Nakita ko ding papalapit sila sa akin, may bigla namang may mga paa na humarang sa harapan ko, pagtingala ko nakita ko ang babae na waring pinoprotektahan ako. Pagkatapos nun nawalan na ako ng malay.

-----

*Cynch's POV*

"Kainis naman ang lalaking to may pa "I will save you from them" pang nalalaman ang ending ako pa din pala ang magliligtas na sakanya." - napapailing kong sabi

Nakita kong papalapit na ang mga hukluban dun sa nakahilatang lalaking yun. Naisipan ko namang tumakbo na lang at hayaan siya tutal bagay naman sakanya yan ang yabang e. Pero di naman maatim ng konsensiya ko na iwanan siya after all he tried to save me.

"Bahala na nga si Batman!"- ako

Malapit na yung mga hukluban sakanya kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa harapan ng lalaki para protektahan siya, sinugod naman nila ako kaya di na ako nagdalawang isip na labanan sila. If you don't know I'm a black belter in taekwondo. Ang yabang ba? hehehe :) nagsasabi lang ng totoo. ^^ Matagal-tagal ko na ding di nagagamit ang skill kong to. I kicked there ass hanggang sa natumba na sila at nawalan ng malay. Tss. Wala naman pa lang binatbat.

Agad ko namang pinuntahan ang lalaki at pintayo. Ikinawit ko naman ang isa niyang kamay sa batok ko at inalalayan ng dalawa kong kamay ang katawan niya.

"Ang bigat-bigat naman ng lalaking to. Aish !" - reklamo kong sabi

Nangmakalabas kami ng eskinita nakita ko naman ang kotse niya. Hinanap ko naman ang susi niya sa bulsa at binuksan ang kotse niya. Sa backseat ko siya pinahiga then pumunta na ako sa driver's seat.

"Teka, san ba nakatira ang lalaking to?" - ako

Bigla ko namang naisipan ang pitaka niya baka sakaling ma I.D siya and luckily , may nahanap ako kaya pinaandar ko na ang engine ng kotse para maihatid ko na ang lalaking to.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE :

Hanggang dito na lang muna ang update. Baka next week na po ang next update ko magiging busy po si author ,e. 

PLEASE KEEP ON READING . :) Kamsa :)

My  Handsome ChattelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon