48. Dine with the Dead

22 1 0
                                    

Chapter 48

Dine with the Dead

Lux' POV

Dumaan kami sa kabilang pinto, kung saan walang tao at estudyante. Dito pinahinto ni Cyd sa driver ang sasakyan.

"This is a victory party for the both us. I hope you will not forget this night." Mahinanong sabi niya.

"Uh.." Ano ba iyan, bakit parang kinakabahan ako? Wala naman siyang may sinasabing masama. Mahina siyang tumawa.

"And please, if ever you're hungry, sabihin mo lang sa akin. I have prepared a special dinner for the both of us."

"Ayaw mo bang makisalo ako sa pagkain ng ibang estudyante?" I wonder what kind of dishes will be placed on the table?

"Hindi naman tayo dito magtatagal. We're going in a different place."

What?

"Paano iyong party?"

Malalim siyang huminga at inayos ang neck tie niya. "Ang dami mong tanong..."

Imbes na mainis ako ay tumawa ako. Mukha siyang nai-istress na ewan. He's still handsome though.

"Why are you laughing?" Inosente niyang tanong.

"Hahahahaha." Bakit nga ba ako tumatawa? Basta masaya lang ako. "Bumaba na nga tayo." Pag-iba ko ng usapan. Agad naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

When we entered inside, isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa amin. At sa malayo ay nakatayo doon ang mga Twilight Slayers suot ang mamahaling damit nila. Una kaming napansin ni Hanna.

Si Hanna pala nandito din. I can't believe it! Sino iyong partner niya? Si Jack ba? Or si Conor? Pero nagulat ako nang bigla siyang hinawakan sa bewang ni Kyle. Bumagal ang lakad ko dahil sa pagkbigla. Witwew, may hindi siya sinasabi sa akin ah.

"Hey Cyd.." Malawak ang ngiti ni Conor sa kaniya. Tumango lang si Cyd. Conor turned to me. "You look beautiful tonight."

"She's my date." Mariing sabi ni Cyd.

"Hahaha, I know. I also have mine." Pinakita ni Conor ang babaeng nakahawak sa braso niya.

Charles is also holding his date. Declan is busy talking with Andrea habang si Andrea naman ay tahimik lang na nakatingin sa kawalan.

"When our names are called, we must mingle with the crowd." Conor told us. Tumango lang din si Cyd, kaya ako na ang sumagot. "Thank you, Conor."

"Hoy babae." Mahinang sabi ko. Nakapila kasi kami mula sa pinto. Si Hanna at Kyle ay nasa unahan namin.

"H-Ha?" Parang ayaw niya pang tumingin sa akin.

"Ikaw ha." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"A-ano b-ba!" Mahinang sabi niya ngunit alam kong namumula na iyan.

"Anong ano ka diyan? Kinikilig ka lang eh. Ikaw ba naman makapartner ang isang Kyle na sobrang gwapo!" I laughed.

Nakita kong bahagyang napatingin si Kyle sa amin at napangiti.

"What did you say, Lux?" Biglang singit ni Cyd sa gilid ko. This time, si Hanna naman ang tumawa.

"May nagseselos!" Sabi niya. Ako naman ang natahimik.

Pinagsasabi ni Hanna? Si Cyd naman, mas lalo nagdilim ang tingin niya sa harap, kaya siniko ko siya. Suplado niya akong tiningnan. I gave him an anong-nangyayari-sayo look. Imbes na magsagot, mas lalo niyang inipit ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon