32. Woman in the Hospital

35 2 0
                                    

Chapter 32

Woman in the Hospital

Lux' POV

Nasa Honey's kami ni Bill at James. Buti nalang wala kaming prof sa oras na ito kaya naisip kong makipagkita sa kanila. Malalim akong huminga bago uminom ng shake na nakalapag sa mesa.

"Miss Lux, ilang beses mo na iyang ginawa." Sabi ni James na naka-cross arms. Nasa harapan ko silang dalawa. James is wearing his usual glasses while Bill is still obsessed with chocolates, dahil ngayon, kumakain parin siya ng baon niyang tsokolate kahit na nag-order naman kami ng pizza.

"Ikain mo nalang kasi iyan."- Bill.

Inayos ko buhok ko at nilagay sa aking tenga. "Sana nga ganito lang kadali."

"Tungkol parin ba sa bespren mo?" Tanong ni James.

"Correction, ex. Ex bestfriend." Singit ni Bill.

Hindi ako nagsalita. Parang ganun na nga. Three days have passed pero hindi parin ako makaget-over sa malamig na pakikitungo sa akin ni Michri. She'll always push me away until I'm exhausted.

"Alam niyo ba, usap-usapan sa buong eskwelahan na ipagpatuloy nila ang annual Festival dito sa AU." Ani James.

"Pero hindi ba't delikado iyon para sa atin? Maraming outsiders ang pupunta dito, hindi natin alam kung sino ang kalaban."- Bill

"Marami pang proseso iyan para maapprove ang lahat. I'm sure pinag-uusapan ito ng Board kung ano ang maaaring mangyari."

Nang nilapag na ang aming inorder, nag-umpisa na akong kumain. Nakita ko sa aking peripheral vision na lumilinga si Bill at James sa entrance ng Honey's. I glanced also at what they're looking.

It's a group of people running together in the same direction. They don't look relax or happy. Instead, they're panicking. Nagkagulo narin ang mga tao dito sa loob nang may pumasok na isang estudyante para maki-chismis sa isang mesa, pero rinig naman ng lahat.

"Pre! May limang estudyanteng binitay sa gymnasium. Ang kalaban ang may kagagawan!"

Most of them run towards the door. Iilan nalang ang natitira dito. They're talking at each other nervously.

"Sino-sino kaya iyon?" Kinakabahang tanong ni James.

"Only one way to find out." I whispered.

"Let's go!" Aya ni Bill. Mabilis kaming tumayo at tumakbo papunta sa gym. Habang papalapit kami sa mga estudyanteng nagkukumpulan, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oh shit!"

"Oh my gosh."

Pare-pareho kaming reaksyon nang makita namin ang limang estudyanteng binitay sa gitna ng Gym. Puno ng dugo ang kanilang katawan. Sa mismong stage nito ay may malalaking letra na ni-guhitan gamit ang spray paint.

'Valkyries'

Iyan ang nakalagay.

"Infairness ang ganda ng pagkasulat. Ganda ng penmanship---aray! Keaga-aga James nambabatok ka!" Reklamo ni Bill.

"Seryoso kasi! Tingin ko sila ang matagal na nating kalaban. Ngayon lang sila naglakas loob na magpakilala sa buong AU."

"The question is, who would have killed them?" I asked. Even in my own question, kinikilabutan ako. Pinikit ko ang aking mata at muling inalala ang mga pagsubok na naranasan ko.

Monsters... Assassins... Killers... Kidnappers...

Napahawak ako sa balikat ni Bill dahil nanghihina ako.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon