20. In a Cold Spring

47 4 0
                                    

Chapter 20

In a Cold Spring

Hanna's POV

Gabi na pero hindi parin ako makatulog. I don't know why. Maybe I'm not comfortable with the bed. Ang hirap matulog sa hindi mo comfort zone. Tiningnan ko si Evita na mahimbing na natutulog. Sana all.

Sa inis ko, bumangon ako para bumaba sa kusina. I wear the soft slippers that Margot Li gave us. Siguro magj-juice nalang ako o iinom ng kung ano mang nasa ref mamaya. Baka makatulong iyon sa pagtulog ko.

Dahan-dahan kong sinarado ang pinto ng kwarto nang ako'y makalabas. Madilim na ang buong bahay. Sinulyapan ko ang pinto ng kwarto ni Margot Li. Surely she's also asleep. Maingat akong bumaba sa hagdan, dapat hindi ako makagawa ng ingay. Nang succesful akong makababa, binuksan ko ang ref sa dining room.

"What? Bakit wala?" wala namang kahit anong drinks doon. Her ref is empty, bukod sa mga karton ng gatas na wala namang laman. Sunod kong binuksan ang freezer.

"Hay, buti nalang may ice." I said to myself. Kumuha ako ng baso at nilagay ang ilang piraso ng ice cube doon. Pumunta ako sa water jug para kumuha ng tubig.

"What? Ba't wala ring tubig?" Then I remembered Evita and me kanina, halos inubos pala namin ang tubig sa pagkukwentuhan. Haaays, wala nang natira. Hmm, baka sa kitchen meron.

Pumunta ako sa kitchen. Hinawi ko ang kurtina na siyang pumapagitna sa dining room at kitchen. In-on ko ang lights syempre. I looked for another container of water jug.

"Gotcha!" I said when I saw a group of water jugs under the sink. Ayun naman pala. May naka reserba naman pala dito. Nang kunin ko iyon, wala namang laman.

"Huh? Eh ano lang pala ang silbi nitong containers? Display?" ayos din itong si Margot Li ah. Nagtatambak ng mga empty containers sa bahay niya. Naiinis na ako ha. Isa isa kong hinawakan ang water jug para icheck kung may laman ba.

"Abah. Mabuti at may natira pa." I sighed in relief nang nahawakan ko ang water jug na mabigat pa. Nang binuhat ko ito, nagulat ako nang biglang gumalaw ang semento...creating a little stairs pababa.

"What the hell.." sinundan ko ng tingin ang maliit na hagdan. Sa dulo nito ay may malaking pintong kulay Brown. Luma na ang mukha nito, at natatabunan siya ng dalawang kahoy na pinage-ekis. Ano'ng ibig sabihin nito?

Is Margot Li hiding something? Tahimik akong bumaba doon sa hagdan. Habang papalapit ako sa pinto, mas lalong sumama ang kutob ko. Iba ang pakiramdam ko dito. Nang nakatapat ko na ang pinto, dahan-dahan kong nilapit ang tenga ko.

"Hello?... May tao ba dito?" para akong sira. Bakit ko ba tinanong kung may tao? Baka gamit lang pala ang nandito.

Pero laking gulat ko nang may sumagot.

"Tulong!"

"Aaahh!" sumigaw ako sa bigla at takot. Napaatras ako at napaupo sa hagdan.

"Tulungan mo kami!"

"S-Sino k-kayo?" I asked sa gitna ng kaba ko.

"Kinulong kami dito ni Margot Li!" boses babae ang nasa likod nito.

"Ilan kayo ang nandiyan?" bumangon ako at umayos ng pagkatayo.

"Tatlo."

Nanlaki ang mata ko. How long did she kept them? Kawawa naman sila! Sabi ko na nga, hindi maganda ang kutob ko dito eh.

"Sige! Tutulungan ko kayo! Babalik ako!" I assured them. I turned my back and ready to find a hammer. Pero nang malapit na akong makatungtong sa semento ng kusina, may nakita akong pares ng paa na sumalubong sa akin.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon