39. Impostor

34 1 0
                                    

Chapter 39

Impostor

Lux' POV

I cleared my throat. "Jack, I want to tell you something."

"Halata nga." Bored na sabi niya.

I bit my tongue before speaking again. "Tungkol ito sa pagpasok ko dito--" naputol ang pagsasalita ko nang mapansin ang pag-upo ng isang babae sa table ni Cyd.

"Hi." Bati ng babae. Pinagmasdan ko ang kanyang katawan. Makurba ito, parang modelo. Nakasuot siya ng pink na spaghetti dress. Mapula din ang kaniyang labi, at nakaguhit ng maayos ang kilay niya.

"Hey." My pupils directed at Cyd. Ito ata iyong first time na pumatol siya sa pag entertain sa babae.

"You were saying..?" Bumaling ulit ang atensyon ko nang nagsalita si Jack.

"Uh.." Ano nga ulit iyon? "Uh, yung tungkol sa pagpasok ko dito sa AU."

"Ba't mag-isa ka lang? Do you need an accompany? I'm available." Malambing na sabi ng babae.

"Sure." Sagot ni Cyd kaya mahinhing napatili ang babae. Mangin ang mga tao sa loob ng Honey's ay nakaabang sa kanila.

"So.." The girl leaned her chest on the table para mas mapalapit kay Cyd. At si Cyd naman ay nakatingin lang sa kaniya na parang hinuhubaran siya.

This is disgusting! Bakit walang may ginagawa ang mokong na ito?

"Anong meron dun?" Tanong ni Jack kaya mabilis na lumipat ang atensyon ko sa kaniya.

"A-About sa Jacinto Program..." Teka, ano nga ba ulit ang sasabihin ko? Parang nahihirapan ako sa pagtagpi ng salita.

"You know what? You're hot. I like your hair, I like your eyes.." nang-aakit ang bawat bigkas ng babae. Uminit ang aking tenga. I glanced at Cyd na nakahawak sa labi niya at parang nae-enjoy sa sinasabi ng haliparot sa kaniyang harap. Haliparot? Did I describe her properly, didn't I?

"I like your dress either." sa boses palang ni Cyd ay nakakalasing na.

Nakakainis talaga. Ang dami niyang babae. Hindi pa nga siya tapos kay Andrea, tapos nanlalandi na naman.

"What about that? Go straight to the point, Lux." Sabi ni Jack.

"I entered here in AU with a pass na sponsored ako ng Jacinto Program but--"

"I made this dress." Napataas ako ng kilay sa sinabi ng babae. So? May nagtatanong? "Unfortunately, hindi ko ito natapos sa pagtahi sa chest part ko. Kinabitan ko lang ng pin para maayos siyang tingnan."

Kumamot sa batok si Cyd dahilan sa pagkislap lalo ng mga mata ng babae. Darn him, sinasadya niya ata eh.

"Wanna see?" Nakita kong napakagat ng labi iyong babae.

Kinuyom ko ang aking kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. They are obviously flirting. Can they get a room? Nakalimutan ata nilang nasa public place sila eh.

"Sigurado kabang may sasabihin ka, Lux? Mukha kang problemado." Nilingon ko pabalik si Jack na nagc-cross arms. I know he must have hate me right now. Ayon nga kay Cyd hindi sana pupunta si Jack dito kung hindi niya pinilit.

Tsaka kanina pa kaya ako problemado. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa mame-meet mo mamaya?

"...pero hindi alam ni Jacinto mismo na nabibilang ako sa programa niya. Now, he's calling all of his students na pupunta mamaya sa gym for assembly..." I tried to focus my sight on Jack pero hindi ko parin mapigilang lumingon sa kabilang mesa.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon