38. The Visit of Jacinto

31 1 0
                                    

Chapter 38

The Visit of Jacinto

Sevie's POV

Hindi parin humihinto ang ulan, kaya nagpasya kaming sumilong muna sa isang cafe. Tiningnan ko si Jack na pinapasadahan ng kaniyang kamay ang kaniyang basang busong. Tumutulo din ang tubig na mula sa buhok niya papunta sa matigas niyang braso at dibdib. I gulped. Ni isa hindi niya ako sinumbatan dahil nagpaulan ako. Sa halip ay sumama pa siya sa akin.

Halos lahat ng nasa loob ng cafe ay nakatingin sa amin. Kita ko ang pagk-kwestyon sa mata nila, iyong iba ay nagbubulungan. Yeah, I know it's weird. Kaming customers lang ang pumasok na basa. Kahit sabihin kong may payong kami, hindi naman iyon sapat sa aming dalawa. At si Jack ang mas nabasa dahil sa akin niya pinapasilong ang payong.

Diretso ang lakad niya papunta sa counter, halos lumuwa ang eyeballs ng cashier dahil sa naka-sleeveless na anghel sa harapan niya. Umirap ako. Landi mo teh.

"One VIP room, please." Kasing yelo ang lamig ng boses niya.

"O-O-Opo, sir." Mabilis pa sa kidlat na gumalaw ang babae. "This way, sir"

"Ahem.." I faked a cough. Hello, kasama niya ako.

"Oh," she sounds disappointed. "....and m-ma'am."

Matalim kong tiningnan ang babae pero inirapan niya ako. Hey! May gana pa siyang gumanyan sa akin ah. Pumasok na kami sa isang silid kung saan may mesa sa gitna. Hindi naman siya gaano kalaki tulad ng sa mga hotels. Of course, this is just a cafe.

Nakasimangot akong umupo habang siya naman ay sa harap ko.

"Any problem?" His look makes me shiver.

"None."

Umorder siya ng snacks at inumin. Hindi parin matanggal ang titig ko sa babaeng ngiting ngiti sa gilid ng mesa habang nagt-take ng orders ni Jack. Buti nalang umalis nadin siya, kung hindi kanina ko pa siya sinakal.

"Hindi obvious.." Nag-angat ako ng tingin sa sinabi niya.

"...Hindi obvious na nagseselos ka." He raised his brows and his lips in a smirk.

Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo? Ako, magseselos? Dream on."

Mahina siyang tumawa. "Hindi ka parin nagbabago."

"Ikaw. Ang. Nagbago sa atin." Diniin ko ang bawat salita. Biglang nagbago ang mood niya, bumalik sa pagiging seryoso.

Yumuko siya at nagkamot ng batok, para bang nauubusan ng pasensya.

"If you only knew.."

Naningkit ang mata ko sa pabulong niyang sabi. Ano daw? Di ko narinig iyon ah.

Magtatanong sana ako nang malakas na nilapag ng cashier ang order namin sa mesa. Nagulat ako pero agad ring nakabawi at napalitan ng inis nang makita ang matamis na ngiti niya kay Jack. Argh. That annoying smile. Kung sabagay, kahit sino ba naman ang makakita ng gwapong nabasa galing sa ulan, mapapatitig talaga sa kanya ng bongga.

"Here's your order, sir."

Aba, nakuha pang kumindat sa kaniya. Si Jack naman, tinaasan siya ng kilay. Haaist. Matagal pa silang nag-eye to eye na dalawa. Ano ako dito? Audience?

"Kimi no toriko ni natte shimaeba kitto
Kono natsu wa juujitsu suru no motto
Mou modorenakutatte wasurenaide"

Napatingin sila sa akin dahil sa biglaan kong pagkanta. Umubo si Jack at napainom ng kape na kaka-serve lang sa mesa. I wonder if it's hot, because it looks like dire-diretso ang pag-inom niya. Ang babae naman, tinakpan niya ang kaniyang bibig, kunwari nahihiya. Feel mo yung kanta teh? Kala mo naman bagay kayo.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon