59. Beautiful Scars

43 2 0
                                    

Chapter 59

Beautiful Scars

Lux' POV

First time kong pumasok sa Estate ng Venduluns. It's a wide space with several barn houses. Medyo nalito na ako sa kakatakbo dahil hindi ko na ma-monitor kung saan nanggaling iyong boses. Plus, I'm somewhat disturbed by the strange atmosphere. The sun is shining brightly, the birds are chirping everywhere, the wind is gently moving, but there something that gives me goose bumps.

Ba't ang tahimik? Nasaan ang mga tao? Pakiramdam ko may nakatingin sa amin... o baka guni-guni lang iyon..

Pinauna ko si Kyle sa daan dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. Cyd is on my back. Sa wakas, huminto kami sa isang brown na barn house. The barn house is not that big. It seems nice from the outside. Hindi halatang pwedeng pagdispatyahan ng tao.

Kyle forcefully opened the door. Tumunog iyon ng tunog na parang nasa horror. Napakagat ako ng labi. Pwede bang umuwi nalang? Sininangutan ko si Cyd nang bigla niya akong tinulak papasok. I thought he was playing with me pero seryoso din pala siya, or maybe, masyado rin akong takot?..

Masyadong madilim sa loob. Wala akong makitang kahit ano. Tanging pag-inhale exhale lang namin ang maririnig ko.

Suddenly, I heard a sound of a switch and a light spotted three women standing not far from us. Ang lupa ay napupuno ng lantang dahon. The three women were in their AU uniforms but their noses and mouths were covered with a mask.

"You have to surpass us before you enter." Matigas ng sabi ng nasa gitna.

"Who are you to command us?" Kyle responded in horror.

"Tch. We have no time for bitches." Bored at supladong dagdag ni Cyd.

"Oh yeah? How about we—"

Napanganga ako nang nakahandusay na silang tatlo sa lupa. Hindi pa nga natapos sa pagsasalita yung nasa gitna, puno na ng dugo ang kanyang katawan.

"O m g." Napatakip ako ng bibig.

"Tch, daming patalastas." Kyle gritted his teeth before rotating his shoulders. Kalahati na ng katawan niya ay naging gray dahil sa metal. Kyle is an Ellimah. Namangha ako sa bilis ng paghagis niya ng mga bakal sa katawan ng mga babae. Ni hindi ko nga napansin na inaatake na pala sila ni Kyle.

Damn. Kyle's fast! Ngayon ko lang nakita ang kakaibang awra ni Kyle. He's like another version of Cyd. His kind face and gentle gestures were gone.

Cyd smirked from behind. Nagpipigil siya ng tawa. Ito namang si Cyd, parang sinapian. Siya naman itong hindi seryoso. Baka nagkapalitan sila ng kaluluwa ni Kyle? Mabatukan nga.

"Aw! What is wrong with you woman?" Inis niyang sabi habang gwapong napalingon sa akin.

"You're not helping." I whispered.

"Of course I am! Have you forgot that I'm protecting you? You're my responsibility." Parang bata siya na nagrerecite.

Siguro kung nasa ibang lugar kami ngayon, kanina pa ako kinikilig. But right now, I feel nothing but horror... sige na nga, kinilig ako. Konti lang. Konti lang talaga.

In-on ni Cyd ang iba pang switch sa gilid. Umilaw ang buong silid. There was nothing here except for wooden boxes and haystacks. May isang pinto na may kadena sa salungat na bahagi ng barn house.

"Let me take care of it." Naglabas si Cyd ng kanyang pistol at walang pag-alinlangang binaril ang kadena. Agad na kumalas iyon sa pinto.

Huh? Ganun lang? Akala ko mahirap ang pagpunta namin dito. Siguro dahil magagaling ang kasama ko... or nag-ooverestimate lang ako?

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon