54. Mrs. Griffin

19 1 0
                                    

Chapter 54

Mrs. Griffin

Lux' POV

"Please exchange your papers." Malalim na sabi ng prof.

"Did you also answer the test?" I asked him again, after a long moment of silence.

"Tingnan mo nalang." Sabi niya bago nakipagpalitan ng papel sa akin.

Nang natanggap ko ang papel niya, umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko. It's a sketch of me sitting on this chair. Sa tabi ko naman ay si Cyd na naka cross legs at parang nakikinig sa akin.

It's just a drawing pero feeling ko buhay na buhay.

"Ang ganda.." Tanging sabi ko. Tiningnan ko si Cyd na ngayon ay ngiting-ngiti sa papel ko.

"Thanks." I said aloud, expressing my gratitude, pero parang hindi niya ata ako narinig.

"Thanks.." Mas nilakasan ko pa ngayon. My brows furrowed. Ano bang meron sa papel ko?

"Anong tinatawa-tawa mo?" I said, reaching my paper na pilit niyang nilalayo.

"Ngumiti si sir Cyd!"

"Syet ang gwapo niya, girl!"

"Kunan mo ng picture."

"Sila na ba ni Lux?"

"Cyd deserves more, at ako iyon."

"Luh, feeling mo. Ako ata iyon eh."

"Cyd, I'm not playing here." Hinahampas ko na siya ng kamay ko ngunit sinasalubong niya iyon ng kamay niya, para lang kaming nag-aappear dito. Tutok na tutok parin ang mata niya sa papel ko.

Ano bang meron sa papel ko? I tried to recall what I wrote earlier. Parang wala naman ah, bukod sa mga sagot kong hindi ako sure kung tama. Is he making fun of my answer?

"Give me my paper back! Mage-exchange ako sa iba." I said. He glanced at me and frowned.

"Mas lalong hindi." Sabi niya.

The teacher projected the answers on the screen. I leaned closer to see whether I have mistakes or haven't. Nicheck naman ni Cyd ang aking papel.

"1 to 20, sampu lang iyong nakuha mo? You really think too much of me, huh?" Umiling-iling siya ngunit nakangiti parin.

Weew, alam kong gwapo siya pero ang hangin niya talaga. "That's because you are noisy earlier. Nakakadistorbo ka." I halfly pouted, finding an excuse.

"Sigurado ka? The last time I stopped is when I gave you the answer on the 4th number. At lahat ng mali mo ay mula sa 8 hanggang 20, except sa 1 na hindi mo sinagutan." He smirked. "Does that mean? You're really thinking of me?"

"I said I'm not!" Ganun naba talaga ako ka-bobo? 10 mistakes, really?

"Tsk tsk tsk. It would be better if you put my name there, sa mga numbers na mali mo," pang-aasar niya sa akin.

"I don't think of you! Wag kang feeling diyan. Kapal mo talaga. It's just a bad luck."

"Really? I don't think it's a bad luck."

"Please submit your papers on the table." Sabi ng prof. Tumayo na ang mga estudyante para magpasa ng papel.

"And why?" Tumayo din ako at nagpamewang.

"Well, ngayon ko lang kasi nalaman na Griffin pala ang apelido mo." He leaned on me, whispering on my ear.

Griffin?

"Paanong naging Griffin---" natigilan ako nang pinakita ni Cyd ang aking papel.

Oh shit. Totoo nga.

Anthelion: The Border to Celestial KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon