PROLOGUE

518 11 0
                                    

"Lucine!! Iiwan ko muna kayo,pupunta kami ngayon sa gubat ni Elle." Tumigil ako sa pagkukulay ng sapatos at sinilip si Inay.

"Sige nay! Ingat ho kayo." Ngumiti siya saakin bago umalis.

Tiningnan ko ang sapatos na gawa ko,maganda ito.Napapalibutan ng matingkad na kulay at mabulaklak,bagay na bagay sa mga prinsesa.

Kilala sa kaharian ng Astrid ang pag-gawa namin ng sapatos,ni minsan ay gumagawa kami ng sapatos ng hari,reyna at prinsepe.Mula pa sa ninuno namin ito,pinasa-pasa lang.

Ang kaharian ng Astrid ang pinakamaganda sa lahat,iyon ang sabi nila.Hindi pa ako nakakapunta sa ibang bansa(kaharian) kaya hindi ako sumasang-ayon sa kanila.Wala din naman akong balak lumabas dito, dahil lahat ng gusto at kailangan namin ay nandito na.

Ang ama namin ay nagtatrabaho, talagang maaga siyang umaalis.Hindi ko nga alam kung anong klaseng trabaho iyon,hindi din naman sinasabi ni Inay.

Apat kaming magkakapatid,ako ang panganay.Si Elle ang pangalawa,pangtatlo si Chen,lalaki,pang-apat si June,lalaki din.

Nasa kusina sila habang nasa likod naman ako ng bahay,kasalukuyan akong nag-dedesinyo ng sapatos.Maya-maya'y magbubukas nadin kami.

"Ate! May bisita ka!" rinig kong sigaw ni June.

Nangunot naman ang noo ko,wala naman akong sinabi kina Sedna at Lorcan na pupunta sila ngayon ah?

"Bisita?!" umalis agad ako sa likod ng bahay at pumunta sa kusina.Nakita ko namang kumakain padin sina June,hindi man lang nila pinagbuksan tss.

"Lorcan,Sedna may sinabi ba akong pupun-" gulat akong napatingin sa kanila,Hindi sila sina Lorcan!

Mga kawal ng palasyo! Jusko.

"Magandang umaga Lucine,ikaw ay napili bilang bagong tagapagsilbi sa palasyo.Bukas ng umaga'y babalik kami dito." saka sila umalis.

Naiwan naman akong tulala doon,anak ng!!! TAGA-SUNOD?!! AT SA PALASYO PA NGA! AYOKOOOOOO!

KINGDOM OF ASTRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon