"ba't gising ka pa?" Tanong niya,Wala namang dahilan para umalis ako kaya umakyat ako at umupo malapit sa kaniya.
"Gusto ko lang pagmasdan ang buwan." buti nalang matibay 'tong puno.Hindi ko na magawang tingnan ang prinsepe dahil sa ganda ng buwan.
Ang ganda talaga ng buwan,hinding hindi ako magsasawang panuorin 'to.
"Ang ganda." manghang sambit ko.
"maganda nga, sobrang ganda." ani niya sa mahina na boses,ngumiti ako.
Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya,tila nagulat siya sa pagharap ko.
"Prinsepe Sovann."
"Bakit?"
"May nais akong malaman,binabagabag kasi ako nito kanina pa." Nangunot ang noo niya.Baka kasi kasali iyong pagawaan namin ng sapatos sa mga nasunog,huwag naman sana.
"Ano ba iyon?"
"Iyong nangyaring sunod sa bayan, kasali ba ang pagawaan ng sapatos sa nasunog?" Kinakabahang tanong ko.
"Oo." para akong binagsakan ng lupa dahil sa sinabi niya.
P-pa'nong?! Kailangan kong makauwi ng b-bahay! Kamusta sina nanay?! Ayos lang ba sila?! Iyong pagawaan?! Hindi ko maisip kung ano ang itsura ng pagawaan namin,mula pa nung labing dalawa ako ay nandun na ako sa pagawaang iyon hindi ko akalaing mangyayari ang pinakaiiwasan ko. Naiiyak na ako.
"Biro lang." Tulala ko siyang tiningnan.
"Ano?!biro lang?!"
"Oo haha,nakakatawa iyong mukha mo haha." Inis ko siyang tiningnan.
"Puwes ako hindi natutuwa! Alam mo bang muntik na akong umiyak ha!"
"Pasensiya na,ayon sa kanila ay ang bahay nung nagngangalang Cynthia ang nasunog."Si Cynthia?! Tsk. Tumahimik nalang ako kaysa bungangaan pa siya,baka may makarinig pa saamin.
"Lucine." pagbasag niya sa katahimikan.
"Bakit?"
"Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko pag-tayong dalawa lang." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit?"
"Gusto ko lang maging kumportable ka saakin." Natawa ako sa sinabi niya.
"Kamahalan, kumportable naman ako sa'yo.Hindi ako naiilang hahaha."
"Kahit na,nais ko ding marinig ang pagbanggit mo sa pangalan ko ng walang Prinsepe." Napahinto ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.
"Ano?"
"Ayoko ng ulitin tsk." Asar na sambit niya.
"Anong ibig sabihin nun? Bakit nais mong marinig ang pagbanggit ko sa ngalan mo?ibig bang sabihin niy-- ah!" Biglang bumakli ang puno na ikinahulog ko! Pero ang bilis ni Sovann! Mas nauna pa kaming nakalapag sa baba kaysa sa sanga ng puno!
Humiwalay agad ako sa kaniya.
"Naku! Patawad!" Yumuko ako sa prinsepe,umupo siya sa damuhan at tumawa na ikinalabas na naman ng biloy sa pisnge niya.
~~
"TRISTRAM! MAKINIG KA SAAKIN! HUWAG NA HUWAG KANG MANINIWALA SA APOLLYON NA IYAN!" umalingawlingaw sa kusina ang boses ng reyna, kasalukuyan silang kumakain ngayon.Hindi ko napigilan ang paghikab dahil sa antok na nararamdaman ko, inaantok talaga ako.Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi,hindi ko naman akalaing napalakas pala ang paghikab ko na ikinatingin ng lahat saakin.
Tinakpan ko agad ang bibig ko, kitang kita ko ang inis sa mukha ng Reyna.
"WALA KANA BA TALAGANG RESPETO HA?!"
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasíaLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...