Kasalukuyan akong nagluluto ngayon, tumutulong na din sina Elle sa pagbebenta at paggawa namin ng sapatos,iyon na lamang ang bumubuhay saamin,tuwing gabi naman ay nagtatrabaho ako bilang serbidora sa isang kainan.
Inihain ko agad ang niluto ko.
"Ate,nasaan na kaya si tatay?" tanong ni Chen,ngumiti lang ako ng pilit.
Sa totoo lang ay galit ako sa kaniya dahil sa pagpatay niya kay mama at pag-abandona saamin.
"Hindi ko alam Chen,bilisan niyo ng kumain diyan dahil magbubukas na tayo."
"Sige po." ani nila, ngumiti lang ako bago kumain din.
Ilang araw na din mula nung mangyari iyong pagtatalik namin ni Sovann,hindi lang isang beses ngunit naulit pa ito dahil na din sa init na nararamdaman namin at pananabik sa isa't-isa lalo na't madalang kami kung magkita.
Nalaman ko ding magkasintahan na sina Sedna at Lorcan, syempre masaya ako doon.
Nandito kami ngayon sa pagawaan ng sapatos at kasalukuyang inaayos ang ilang sapatos.
"Oh ilagay niyo lang diyan." sambit ko kina June,nilagay naman agad nila ito.
Naging masaya ako dahil dinumog ulit ang aming pagawaan,namana ko kay nanay ang galing sa paggawa nito,tutupadin ko ang pangako niya,aalagaan ko ng mabuti sina June,Elle at Chen.
"Sedna,ikaw muna bahala sa pagawaan ah.Bibili lang ako ng makakain natin." ngumiti naman saakin si Sedna.
"Oh sige,mag-iingat ka." Tumango ako bago umalis.
Tanghali na kaya ang sakit ng araw sa balat,kaya mas gusto ko ang gabi e.Napatingin ako sa mga babaeng masama ang tingin saakin, nangunot ang noo ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang usapan nila,hindi ko alam kung sadyang malakas lang ba talaga ang boses nila o pinaparinig nila ito saakin.
"Hoy! kalat na sa bayan ang tungkol sa kanila ng prinsepe,jusko baka naman ginayuma niya ang prinsepe kaya ganun."
P-pa'nong nalaman nila ang tungkol saamin?
"ay baka nga! sus ang babaeng iyan,walang wala kay Prinsesa Lina! Tsk tsk."
"Ay tama! Botong boto pa naman ako kay Prinsesa Lina."
Napakuyom ako sa kamay ko at dahang-dahang umalis palayo sa kanila.Tama ba namang ipagkumpara ako sa kay Prinsesa Lina?!
Kailangan kong makausap si Sovann, pa'no nila nalaman?
Pagpatingin ko sa pagawaan namin ay dinudumog ito, mukhang alam ko na ang pakay nila.Dumaan ako sa likod,pagpasok sa pagawaan ay pilit na pinapaalis nina Sedna iyong mga tao.
"Lucine!! Umuwi kana muna saamin,isama mo sina June,ramdam kong inaabangan ka nila sa bahay mo kaya saamin ka muna."
"Salamat Sedna." ngumiti siya bago ko sinama sina Elle sa bahay nila.
Pagdating sa bahay nina Sedna ay nagulat ako nang makita si Sovann.
"Bakit ka nandito?" napatingin sina June sa prinsepe at yumuko bilang tanda ng pag-galang,napatingin din ako sa nanay ni Sedna na kalalabas lang ng kusina.
"Huwag kang mag-alala,alam ko na ang tungkol sa inyo at tsaka tulad ng sinabi ng Prinsepe ay naibalot ko na ang mga damit mo." ani niya,nalilito akong napatingin kay Sovann.
"Sumama ka saakin,ipaliliwanag ko sa'yo lahat." Napatingin ako kina June,nag-alala ako sa kanila.
"Huwag kang mag-alala Lucine,ako na ang bahala sa mga kapatid mo." naiiyak kong hinalikan silang tatlo.
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantezieLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...