Nagising ako dahil sa ingay sa labas, tiningnan ko ang kisame.Bigla kong naalala iyong nangyari kagabi.
Nagulat ako nang makita si nanay,namumula iyong mata niya.parang kagagaling niya lang sa iyak.Iniwas Niya iyong tingin niya saakin.
"A-ah ba't nandito k-ka anak?"
"Bigla ho kasing sumama ang pakiramdam ko kanina eh kayo ho nay,saan kayo nagpunta?" Nagulat siya sa tanong ko na ipinagtaka ko,nagpalit-lipat ang tingin niya saakin at sa librong hawak ko.
"D-diyan lang s-sa labas,s-sige matutulog na ako." Dali-daling pumasok si nanay sa kuwarto nila,nagtataka ko lang siyang sinundan ng tingin.
Lumabas agad ako ng kuwarto.Naabutan kong nagluluto si nanay.
"Nay posible bang magkatuluyan ang isang hamak na mahirap at isang Prinsesa?" tanong ni June na ikinahinto ko, tiningnan ko si Nanay at maging siya ay napahinto din.
"Hindi." nangunot ang noo ni June.
"Bakit ho?"
"kasi ang Prinsesa ay para lamang sa Prinsepe at ang mahirap ay para lamang sa mahirap." ani niya.
Parang natamaan ako sa sinabi ni nanay, mukhang hindi talaga puwedeng maging kami.Sa estado palang namin sa buhay,ang layo na.
"Hayst nakakalungkot naman."
"Bakit mo natanong June?" pagsasali ko sa usapan nila.
"Napanaginipan ko po kasi kagabi na ang asawa ko ay isang Prinsesa hehe." ginulo ko nalang ang buhok niya at umiling.
"Tamang tama Lucine,nauubusan na kasi tayo ng panggatong.Maaari kabang kumuha mamaya?" ani ni Nanay.
"Sige po,pagkasara ko ng pagawaan ay dederitso ako sa gubat."
"sige salamat anak." Tumango lang ako bago kumain, ba't parang wala lang nangyari kagabi para kay nanay?
Matapos akong kumain ay binuksan ko na ang pagawaan,dumami ang bumili ngayon.Mukhang hindi na sila abala,iyong ilang sapatos na hindi ko natapos ay dinesenyuhan ko.
Sa totoo lang ay gumawa ako ng sapatos para kay Sovann, gusto ko kasing magpasalamat sa lahat ng ginawa niya saakin,sa pamamagitan nga lang ng sapatos.
Hindi ko pa natatapos ito.Disenyo nalang ang kulang para dito, nangangailangan kasi ako ng disenyong dyamante.Dyamante dahil siya ay Prinsepe.
"Magandang Umaga Lucine,eto nga pala iyong dyamanteng pinabili mo." biglang sulpot ni Lorcan.
Oo nga pala,si Lorcan ang pinabili ko ng dyamante.Kahit kailan talaga masunurin siya haha.Natutuwa kong tiningnan ang dyamante.
"Shemayyy! Maraming salamat dito Lorcan!" Niyakap ko siya dahil sa tuwa.
Sa wakas matatapos ko na din iyong sapatos,sa susunod na magkikita kami ni Sovann talagang ibibigay ko 'to.
Bumitiw agad ako mula sa pagkakayakap nang mapansing hindi gumagalaw si Lorcan,pinitik ko ang noo niya.
"Aray naman Lucine."
"sus akala ko patay ka na."
"hehe nagulat lang ako,minsan mo lang kaya ako yakapin kaya nakakagulat hehe." Inilingan ko siyang ngumingiti.
"Hoy! Ano iyang ngiti ngiti niyo?" biglang sulpot naman ni Sedna.
"himala maaga kang gumising,nakakapanibago ha." ani ni Lorcan.
Tinaasan siya ng kilay ni Sedna at nakapamewang.
"Nagbabago na ako no,huwag ka ng kumontra!"
"Oo na." bumalik ako sa puwesto ko kanina at inilagay ang dyamante sa supot ko.
"Oh ba't nandito pa kayo?Hindi 'to tambayan." pagpapaalis ko sa kanila.
"Grabe ka Lucine,Hindi mo ba kami Mahal?" napanguso si Lorcan saakin,itinapon ko naman sa kaniya iyong isang sapatos.
"Pangit mo hahaha." tumigil agad siya sa pagnguso dahil doon at tumingin kay Sedna.
"Talaga bang pangit ako?" Tumango-tango si Sedna,agad namang inakbayan ni Lorcan si Sedna at ginulo ang buhok nito.
"Arghh tumigil ka nga Lorcan! Nasisira iyong buhok ko argh!" ginulo din ni Sedna ang buhok ni Lorcan.
Natatawa ko lang silang tiningnan,para tuloy silang mga bata.
Madaming bumili ngayong araw ng sapatos kaya nagpatulong na ako kina Sedna,mamaya ko nalang siguro tatapusin iyong sapatos ni Sovann.Nilibre ko din sina Lorcan ng pagkain,saaming tatlo si Sedna ang matakaw kaya dinamihan ko.
"Gusto mo pa Lorcan?" alok ko sa kaniya.
"Huwag na,ayos na ako dito."
"sus kahit ang totoo ay gustong gusto mo pa,natatakot kalang talagang tumaba." ani ni Sedna, pinanlakihan naman siya ng mata ni Lorcan.
"Ang ingay talaga ng bibig mo no?kainin mo iyan." Nilagyan ni Lorcan ng kanin ang bibig ni Sedna.
"Lorcan kumain ka,sasamahan ka nalang namin mag-ensayo ni Sedna." Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya.
"salamat!" kumain pa siya ng kumain,natutuwa ko lang silang tiningnan.Hinding Hindi ko kakayanin pag-nawala ang isa sa kanila kaya hanggat maaari ay iniingatan ko sila.
Nung hapong din iyon ay sinara ko na ang pagawaan,dumiretso nalang ako sa gubat.Dun kasi sa gubat ay may pagawaan ng panggatong,dun ako bibili.
Pagdating ko sa gubat ay tanaw na tanaw ko ang bayan,dumiretso ako sa pagawaan ng panggatong upang bumili matapos iyon ay hindi ko alam kung sino ang nagtulak saakin para pumunta sa lawa na katabi ng puno na Aspen.
Nilagay ko ang panggatong sa gilid ng puno.Tumakbo ako malapit sa lawa at tinitigan iyon,katulad ng dati ay umupo ako sa damuhan.
Bigla kong naalala iyong pinapunta ako ng herbalist dito upang kumuha ng balat ng Aspen.Dito ko din nagawang saktan ang kamahalan,hindi ko naman sinasadya iyon.
"Kasi alam kong mag-isa kalang dito,"
Napayuko ako nang maalala iyon,ilang minuto akong nandito sa lawa.Tiningnan ko ang kalangitan at dumidilim na ito.Hindi ko pinansin ang unti-unting pagpatak ng ulan sa balat ko.
Hinayaan ko lang ang ulan,Mula pa nung bata ako ay ayaw na ayaw ko ng ulan dahil maingay ito.Natatakot din ako sa kulog pero ngayon na matanda na ako ay parang naging aliw pa ito saakin.
Unti-unti kong niyakap ang sarili ko.
"Lucine!" Umiling ako nang marinig ang boses niya, imposibleng nandito siya.
"Lucine!" Tumayo ako at tumingin sa likod ko,ganun nalang ang pagbuhos ng luha ko nang makita ang lalaking pinakamamahal ko.
Ngumiti siya saakin,Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit.Umiiyak ko siyang tiningnan.
"L-lucine patawad." Hindi ko siya sinagot,maging siya ay basang basa na din.
"Patawad kung hindi kita magawang paniwalaan noon.Patawad kung naging matagal ako Lucine." may inabot siya saakin na isang larawan,nagulat ako kung sino ang mukhang iyon.
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasyLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...