Ilang araw na akong tinuturuan ni Sovann kung pa'no magbasa,natutuwa naman siya dahil madali lang akong nakakabisado ng mga salita.Syempre matanda na ako,talagang madali nalang saakin.Masaya din ako dahil kahit sina Zurie at Frost ay tinutulungan ako,kahit papaano ay may maituturing akong pamilya sa loob ng palasyo.
Kasalukuyan kaming nasa lilim ng puno ngayon,Hindi naman maaaring sa loob kami ng palasyo dahil makikita kami ng Reyna.
Nasa Albion ang Hari,Prinsesa at si Cadfael ngayon.Tanging ang Reyna at si Sovann ang nandito.
Nakatitig lang ako kay Sovann habang nagsusulat siya,ang aliwalas niya tignan ngayon.Ngumingiti pa siya na nakapagpalabas ng biloy niya sa pisnge.Humarap siya saakin na ikinaiwas ko! Gago hindi ko inaasahan iyon.
"Bakit Lucine?"
"W-wala." Nangunot ang noo niya at mas lalong inilapit ang mukha saakin,ang init naman dito sa labas mas mabuting sa loob nalang kami.
Dinampi niya ang likod ng kamay niya sa noo ko na ikinabilis na naman ng tibok ng puso ko.Nitong nakaraang araw ay bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing nandiyan si Sovann.
Natatakot ako sa iniisip ko.
"Wala ka nalang sakit bakit ang init ng mukha mo?"
"Huh?! T-totoo?!" Tumango siya na ikinatalikod ko! Nakakahiya, bakit namumula ako?!
"Mas mabuting bukas nalang natin ipagpatuloy ito, nararamdaman kong masama ang pakiramdam mo."
"Ano? H-hindi naman masama ang pakiramdam ko."
"Binabati kita Lucine,magaling kana sa pagbabasa.Sapat na ang natutunan mo ngayon kaya bukas na tayo magpatuloy."
"Pero-"
"Makinig ka sa pogi." Naubo naman ako sa sinabi niya.
"Teka ayos ka lang?" Sinilip niya ang mukha ko.
"Oo ayos lang ako haha." Nangunot ang noo niya at napanguso.
"Grabe ka naman,talagang naubo ka pa nung sinabi kong pogi ako." Natawa ako sa mukha niya,para siyang Bata haha.
Pinisil ko ang magkabilang pisnge niya na ikinagulat niya, maging ako ay nagulat sa ginawa ko!
Kitang kita ko ang pamumula sa pisnge niya.
"Patawad hindi ko sinasadya." yumuko agad ako.
"Ayos lang,ulitin mo nga." Inirapan ko siya na ikinatawa naman niya.
"Biro lang hahaha."
~~
Nandito kami ngayon sa silid ng prinsesa at kasalukuyan kong sinusuklay ang buhok niya."Lucine." tiningnan ko siya sa salamin.
"Bakit kamahalan?"
"Nais kong samahan mo akong bumili sa bayan ng damit."
"Ho?para saan?"
"Maya-maya'y dadating ang kamag-anak ni Flavio na babae,nais ko siyang regaluhan ng damit."
Hmmm? kahit naman makakalabas ako ng palasyo ay hindi ko pa din makikita ang ina dahil kasama ko ang Prinsesa.
"Sige po."
Kaming dalawa ni Zurie ang isinama niya,nakasuot siya ng pangtakip sa mukha upang hindi siya makita ng mamamayan.
"Ang ganda talaga ng bayan natin." ani Zurie,tumango-tango ako sa kaniya.
"Matagal na din mula ng makalabas tayo." ani ko pa.
"Lucine,Zurie Dumiretso na tayo sa damitan."
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasíaLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...