"Lucine halikana!" Hindi ko pinansin si Sedna at nagpatuloy nalang sa pagkukulay ng sapatos ko.
"Sedna naman,sabing ayaw ngang sumama ni Lucine." Nginitian ko si Lorcan,Inis naman kaming tiningnan ni Sedna.
"Nakakainis naman! Hindi niyo ba ako kaibigan ha?! iiyak talaga ako dito sige kayo!" Umiling ako sa kaniya.
"Ede umiyak ka." Nagulat kami nang bigla siyang umiyak.
Tatlong taon na din mula nung mangyari ang insidenteng iyon,hindi ko din sinabi sa kanila ang totoong dahilan kung ba't nakauwi ako.
Umiyak lang ako ng umiyak,hindi ko na din nakita sina Sovann.Siguro hanggang doon nalang talaga kami.Pinagpatuloy ko na din ang pag-gawa ng sapatos.
Etong si Sedna ay nagbabalak na pumunta sa palasyo dahil ngayon ang araw na bubuksan ito sa publiko.Ayokong pumunta dahil baka makita ako ng mga tagapagsilbi doon.
"Sige na naman oh! Hindi niyo talaga ako pinagbibigyan tsk." Napatampal sa noo niya si Lorcan.
"Oo na pupunta kami ni Lucine." Pinandilatan ko si Lorcan,anong karapatan niya para isali ako?!
"Hoy! May sinabi ba akong sasama ako?"
"Sige na Lucine!" ngumuso siya saakin,inirapan ko lang sila.
Wala naman siguro masama kung pupunta ako diba? Tatakpan ko nalang ang mukha ko mamaya.
"Sige."
"Yay! Yeheyyyy! Hindi na ako makapag-hintay! Makikita ko na ang prinsepe."
Iniisip niya din kaya ako?
"Ba't naman ako matatawa kung alam kong may dahilan sa likod niyan?"
Napapikit ako sa inis dahil sa boses niyang paulit-ulit sa tenga ko.Hinding hindi talaga ako pinatulog nung boses niya! Lahat nung mga nangyari sa palasyo ay bumabalik sa isip ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lorcan,tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango.
"Sige na,alis na kami ha.Magbibihis muna kami ni Lorcan,maaga kanang magsara Lucine dahil walang bibili ngayon.Abala ata lahat sa pagbukas ng palasyo sa publiko no,tulad ng dati ay masisilayan na natin ang mga prinsepe!"
Kung si Sedna ay tuwang tuwa ay ganun din ako,gustong gusto ko na ding makita siya kahit sa malayuan na.
"Sige na! Puntahan ka namin mamaya ha!" Tumango lang ako at kumaway sa kanilang dalawa ni Lorcan.
Pinagmasdan ko ang pagawaan ng sapatos, katulad pa din ito ng dati.Nakakapanibago lang ngayong araw dahil halos walang tao ang bumili ngayon.Mukhang tama nga si Sedna, abala ang lahat para mamaya.
Si tatay ay ganun padin,tulad ng dati ay nagtatrabaho sa hindi ko malamang lugar o uri.
Pagkauwi sa bahay ay naabutan ko si Nanay na nagluluto.
"Oh ba't ang aga mong umuwi ngayon?"
"Ate." niyakap agad ako nina Chen,ginulo ko lang ang buhok nila.
"Ah wala ho kasing bumili ngayon,abala sila para mamaya."
"Oo nga naman,pupunta ka ba mamaya?magbihis kana."
"Mamaya na po,tulungan muna kita diyan."
"Huwag na,pakibuhusan nalang iyong mga tanim natin sa bakod."
"Opo." inilagay ko muna sa kuwarto ko ang supot ko at dumiretso sa bakod.Diniligan ko ang mga tanim ni mama,hindi ako mahilig magtanim kaya minsan lang ako dumilig tanging si Elle ang nakakasundo ni mama dito.
Bigla ko tuloy naalala iyong mga tanim sa palasyo.Doon nga pala sa Lugar na iyon unang tumibok ang puso ko kay Sovann.Saksi ang mga bulaklak sa lakas ng pintig ng puso ko nun.
Nung gabing iyon ay simpleng bestida lang Ang sinuot ko,sinuot ko din iyong pantakip sa mukha.
"Tao po!" Nandiyan na sila, dali-dali akong lumabas.
"Ang aga niyo naman."
"Etong si Sedna napakaaga akong kinatok sa bahay." inis na sambit ni Lorcan,ngitian lang siya ng matamis ni Sedna.
"Gusto ko kasi sa unahan tayo no! Para malapitan nating makita ang prinsepe hihi."
"Ewan ko sa'yo." Nagsimula na kaming lumakad papunta sa palasyo.Bumili din kami ng makakain,madami kasing nagtitinda ngayon sa tabi tabi.
"Malapit ng magsimula! Para akong maiihi hihi." tiningnan ko si Sedna.
Ganun din ako Sedna.
"Nakakainip naman dito." ani ni Lorcan.
"Huwag ka ngang reklamador diyan." sagot naman ni Sedna.
"Tsk."
ilang minuto din kaming naghintay hanggang sa magsimula na ang tugtog ng trumpeta,ang lakas ng pintig ng puso ko.
"NGAYON AY SALUBUNGIN NATIN NG MASIGABONG PALAKPAKAN ANG HARI AT REYNA NG ASTRID!!!!" nagsimula na silang pumalakpak, kitang kita ko naman ang saya at paghanga nina Sedna at Lorcan sa Hari at Reyna.
"Magandang umaga sa inyong lahat,opisyal naming binubuksan ang palasyo ngayong araw.Kung nais niyong sumilip sa palasyo ay walang problema, ngayon ay magpakasaya kayo."Ani ng hari naghiyawan naman ang mga tao.
"MARAMING SALAMAT MAHAL NA HARI, NGAYON AY SALUBUNGIN NATIN NG MASIGABONG PALAKPAKAN ANG PRINSEPE AT PRINSESA NG ASTRID!" parang sasabog ang puso ko habang nakatingin kay Sovann na dahang dahang pumunta sa itaas.
Naghiyawan ang halos lahat ng babae dito,nakatitig lang ako sa mukha niya.Nakangiti siya tulad ng dati,iyong ngiting kinaiinisan ko noon.M-mukha siyang masaya..
"Sana ay maging masaya kayo." saka siya kumaway.
Tanaw na tanaw ko siya dito sa ibaba.
Ngayon ko nalang narinig ang boses niya,kung dati ay ang lapit ko sa kaniya ngayon ay sobrang layo na.Naiiyak akong napatingin sa kaniya.
Napahawak ako sa puso ko dahil kumikirot ito.
"Lucine,ayos ka lang?" tanong ni Lorcan.
"O-oo ayos lang ako."
"Iuuwi na kita,mukhang masama ang pakiramdam mo." Inalalayan niya ako dahil muntik na akong matumba.
"Teka saan kayo?" ani ni Sedna.
"Iuuwi ko muna si Lucine,huwag kang mag-aalala babalikan kita."
"sige,mag-iingat kayo."
"Pasensiya na Sedna." sambit ko.
"Ayos lang sige na,mag-iingat kayo." Tumango kami bago umalis.
Inalalayan lang ako ni Lorcan hanggang sa makauwi kami,masasaktan lang ako pag nanatili pa ako dun.
"Sige,alis na ako." ngumiti ako sa kaniya.
"Mag-iingat ka din ha." ginulo niya ang buhok ko bago umalis.
Sinilip ko ang kuwarto nila nanay,ngunit wala siya doon tanging si Tatay lang ang nandun.Sinilip ko ang kuwarto nina Elle at natutulog na sila.
Saan naman kaya nagpunta si nanay?
Pumasok ako sa kuwarto nila ni tatay at tiningnan iyong talahanayan nila.Baka kasi naglagay siya ng sulat ngunit wala naman akong nakita.
Umupo ako upuan, hihintayin ko nalang si nanay.Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa,may nabili akong libro ni Janna.
Kilala sa bayan si Janna bilang manunulat.Sa totoo lang ay maganda ang mga kuwento niya ngunit hindi naman makatotohanan.Tulad nalang ng binabasa ko ngayon,isang sirenang umibig sa isang tagalupa.
Sa totoong buhay ay pinapatay ng lalaki ang sirena ngunit sa kwento niya ay nag-ibigan sila,kinalimutan ng sirena ang karagatan at sumama sa lalaki.Namuhay sila ng matiwasay.
Oh diba sinong maniniwala niyan?
Napatayo agad ako nang makita si Nanay,nagulat siya nang makita ako pero mas nagulat ako nang makita ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantastikLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...