"Seryoso?!" sigaw ni Lorcan sa mukha ko,nandito kami ngayon sa pagawaan ng sapatos.Sinabi ko din kina Sedna at Lorcan ang tungkol doon.
"Oo nga,sasabihin ko ba kung hindi?Tsk." Naiwan naman sina June sa bahay kasama si Inay,sinabi ko na din sa kaniya iyong tungkol sa pagiging tagapagsilbi sa kaharian,ang kaso gusto niyang pumasok ako sa kaharian eh ayaw ko naman.
"Ede pumasok ka! At Isa pa,makikita mo na si Cadfael! Diba gusto mo iyon?" ani ni Sedna,inirapan ko siya.
"Ano?!gusto mo iyon?!" sigaw naman ni Lorcan.
"Gago hindi ah,ganun lang iyong tipo ko sa lalaki! Pero hindi ko siya gusto."
"Ahh."-lorcan
"Kahit na! Ganun pa din iyon no,sana ako nalang iyong napili para araw-araw makikita ko iyong mga prinsepe yiiii." Binatukan siya ni Lorcan.
"Aray."
"Oh ang kaso hindi naman ikaw ang napili,puro ka prinsepe nandito naman ako oh.Pogi pa."
"Iww." Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.
Si Prince Cadfael ang bunsong anak ng Hari at Reyna ng Astrid.Isang beses ko lang siyang nakita dahil minsan lang binubuksan ang kaharian sa publiko.
Kasama naman niya doon ang nakakatanda niyang kapatid na si Sovann,sa pagkakaalam ko isang taon lang ang tanda nito kay Cadfael.
Isa lang ang masasabi ko kay Sovann,ayoko sa kaniya.Ayoko sa ngiti niya,hindi ko alam kung bakit pero naiirita ako sa ngiti niya.Mas gusto ko iyong tipo ni Cadfael na seryoso lang,iyong parang hindi iniisip ang sitwasyon na biro lang.
Hindi tulad sa Sovann na iyon,akala mo naman napakapogi.Ang lawak pa ng ngiti kung makakaway,anong akala niya? anghel?tsk.
"Oh ba't nakabusangot na naman ang mukha mo?" Inakbayan ako ni Lorcan,inalis ko agad ito at nangalumbaba.
"Ayokong pumasok sa kaharian huhu."
"Bakit kasi ayaw mo?eh halos lahat sa bayan iyan ang pangarap."
"Ayoko nga sa kaharian dahil magulo,ayokong masangkot sa mga digmaan at Isa pa.Nabalitaan mo iyong may mga pumapana daw diyan? pa'no pag-timaan ako?"
Pinitik niya ang noo ko.
"Tanga,matagal na iyon tsaka nahuli na ni Prinsepe Sovann iyon no."
"Kahit na! Malay mo nandiyan lang sila,nakamasid, naghihintay ng magiging biktima diba?"
"Kahit kailan talaga iyang isip mo napakalalim,kahit naman umayaw ka wala ka nang magagawa.Mismong ang Hari at Reyna na ang pumili sa'yo." ani naman ni Sedna,ngumuso ako sa kaniya.
"Lucine,kukunin ko 'to." sambit ni Cynthia.
"Ah sige,salamat." Inabot ko iyong binigay niyang pera.
"Mabuti naman maganda 'to,himala umasenso na kayo.Eh dati naman halos gumapang kayo sa hirap." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Cynthia,ang tawag sa ginawa namin ay pagsisikap.eh ikaw ba naman walang ginawa kundi ang kumalap ng balita at makipagchismisan pa'no kayo aahon?Cynthia hindi nakakayaman ang chismis ha."
"Tsk!" saka siya padabog na umalis,binelatan ko tuloy siya.
Si Cynthia naman ay kilala sa bayan ng Astrid na chismosa, walang araw na hindi nakikipag-usap iyan.Hindi ko nga din alam kung bakit napakainit ng dugo niyan saamin.Kung sina mama ay hindi pumapatol,pwes ako hindi! Ayoko sa lahat iyong pinagsasalitaan kami ng hindi maganda.
Magkaedad iyang si Mama at si Cynthia, wala din naman akong balak alamin kung ba't galit siya saamin dahil sasayangin ko lang ang oras ko sa pakikinig sa mga walang kwentang ginawa ni Cynthia noon,sus baka kahit noong bata pa siya puro chismis na ang ginagawa niya.
"Naks Ayos iyon ah,kaya bilib na bilib ako sa'yo!" Ngumiti ako kay Lorcan at tumango.
"Hoy Sedna! Naubos mo na iyong mansanas ni Lucine!"
"Sorry na,nagutom ako e.Libre mo na 'to saakin Lucine,tutal aalis kana bukas hehe." Inirapan ko siya.
"Sabing hindi ako aalis!"
"Mamimiss ka namin." saka ako niyakap ni Lorcan,tinapakan ko agad ang paa niya.
"Aray naman Lucine."
~~
KASalukuyan kaming kumakain ngayon, tiningnan ko si Nanay dahil alam kong sasabihin niya kay tatay iyon."Tay,Alam mo ba?may pumuntang mga kawal dito." Inis akong napapikit dahil sa sinabi ni Chen,anak ng.
Hindi ko akalaing siya pala ang magsasabi,akala ko si nanay.
"Ano?!anong ginawa sa inyo?! Nasaktan ba kayo!?!"
Ang oa naman ni tatay.
"Hindi ho,napili po kasing tagapagsilbi si Ate sa Palasyo." dagdag ni June.
"At ayokong pumasok." Tiningnan ako ni Nanay.
"Lucine naman,wala tayong karapatang tumanggi sa Hari at Reyna.Kung wala sila siguro patay na tayo ngayon."
Ilang beses ba iyang sasabihin ni Nanay?huhu.
"Ayoko pa din Nay,payag naman ho kayo sa desisyon ko tay diba?"
"Pumunta ka."
"Ano?!" Akala ko hindi siya papayag tsk.
"Oo pumunta ka,Tama ang iyong ina.Wala tayong karapatang tumanggi.Napakataas nila Lucine,pag-hindi ka pumayag baka kung ano pang mangyari sa pamilya natin."
Umiling ako sinabi ni Ama.
"Hindi."
"Oo,kaya sa ayaw at sa gusto mo pumasok ka.At sa pagpasok mo dun, huwag ka sanang gumawa ng ikakapahamak mo."
Umiling ako kay Ama,matapos ang hapunan namin ay pumunta ako sa tambayan namin nina Sedna.Tree house iyon,tanaw na tanaw namin ang buwan dito.
"Huwag kanang malungkot Lucine,tanggapin mo nalang." ani ni Sedna,sinandal ko ang ulo ko sa kaniya.
"Kaya nga,huwag kanang malungkot diyan." Isinandal din ni Lorcan ang ulo niya saakin,kaagad ko namang itinulak iyon.
"Aalis ka na nga lang,ayaw mo pading pasandalin iyang ulo ko sa balikat mo." Ngumuso pa siya saakin,inirapan ko lang siya.
"Mukha mo Lorcan."
~~~
End of chapter 1! Taglish siya,pero more on Tagalog talaga hoho. (naintindihan niyo?)
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasyLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...