KABANATA 24

101 6 0
                                    


Ngayon ang araw kung saan ay magdidigma sila,kanina ay nag-anunsyo sila ni Cadfael na wala munang aalis ng bayan dahil sa nagagaganap na digmaan.

Kinakabahan ako para kay Sovann,sana ay magtagumpay siya sa digmaang ito.

"Ramdam kong matatalo nina Sovann ang mga taga Alankar." sambit ni Lorcan,tumango naman ako.

"Sana nga."

"Hoy Lucine,huwag ka ngang nega." ani naman ni Sedna.

"Gaga,Hindi naman ako nag-iisip ng masama." tinitigan niya ako ng mabuti.

"Teka,mauna na pala ako.Walang tao dun sa pagawaan,baka may mamimili na doon."

"Oh siya,mag-iingat ka." Tumango ako bago umalis, nangunot ang noo ko nang makita ang rebulto ng isang babae sa labas ng pagawaan.

Lumapit ako sa kaniya.

"May hinahanap ka po?" nagulat ako nang lumingon siya saakin! Si Zurieeee pala ito!!!

"Zurieeee!!"

"Lucineee!!!"

Para kaming batang nagyakapan habang tumalon talon.

"Kamusta ka sa palasyo?" masayang ani ko nang makapasok kami sa pagawaan.

"Ayun,maayos lang naman.Nakakalungkot nga lang dahil wala na ang hari,lahat ng nasa palasyo ay galit sa reyna dahil sa ginawa niya sa Hari Lalo na kay Lord Serafino, sana'y magtagumpay sina Prinsepe Sovann ngayon." tumango tango naman ako.

"huwag lang tayong tumigil sa pagdarasal."

"Isa nga pala,matagal na kaming magkabiyak ni Frost yiiiiiii." Nanlaki naman ang mata ko.

"Seryoso ka diyan?!woahhhh,nakakakilig naman."

"Oo nga hehe pero mas nakakakilig kayo ng prinsepe no hihi." natawa naman ako doon.

"Oo nga Naman,hindi kami magpapatalo haha."

Ilang minuto din kaming nagtatanawanan ni Zurie,ang dami niyang ikwenento saakin.Maging kung pa'no daw ngumiti si Sovann sa tuwing nababanggit ang aking pangalan.

Sa tuwing naiisip ko kung pa'no siya ngumiti ay tila may paru-paro sa aking tiyan.Mahal na Mahal niya talaga ako at ganun din naman ako sa kaniya.

Hindi din naman nagtagal si Zurie dahil naghihintay sa kaniya si Prinsesa Muriel,sinabi din ni Zurie na miss na daw ako ng prinsesa,syempre natuwa naman ako,hindi ko akalaing iniisip din ako ng Prinsesa.

Nung gabing iyon ay nagluto na ako ng makakain namin, bigla kong nabitawan ang plato na ikinahiyaw ko.

Anak ng?

"Ate,okay ka lang?" tanong ni June.

"Oo,maayos lang ako." Sinimulan ko ng pulutin iyong mga piraso ng Plato.

"Ate,tulungan na kita?" tanong naman ni Elle,umiling lang ako.

"Hindi na,ako na ang bahala dito."

"Sige po."

Habang pinupulot ko iyon ay hindi ko mawari kung bakit tila kinakabahan ako,Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nilalamig din ako sa kaba.

                                   ***

Dalawang araw iyong digmaan nila at ngayon ang araw kung saan ay babalik na sila,Sana naman ay natalo nila ang Alankar.

Nandito kaming lahat sa harap ng kaharian,bubuksan ngayon ang kaharian sa publiko.I-aanunsiyo nila ang naging resulta ng naganap na digmaan.

Biglang lumabas si Cadfael na ikinahiyaw nila,sumunod sina Frost at Felix.Nangunot ang noo ko nang hindi Makita si Sovann.

"NAIS NAMING IPAALAM NA NANALO TAYO LABAN SA KAHARIAN NG ALANKAR,NGAYON AY HINDING HINDI NA SILA MAKAKAGAMBALA SA ATING KAHARIAN,LUBOS DIN AKONG NAGPAPASALAMAT SA KAHARIAN NG ALBION SA GINAWA NILANG PAG-TULONG SAATIN."

Naghiyawan naman kami.

"Sabi sa'yo matatalo natin sila e." ani ni Sedna, ngumiti naman ako ng malawak.

"NAKAKALUNGKOT LAMANG NGUNIT ANG AKING KAPATID AT PINAKAMAMAHAL NATIN NA PRINSEPE SOVANN AY NASAWI SA DIGMAAN,SIYA AY NAKIPAGLABAN SA HARI NG ALANKAR,NAPATAY NIYA ANG HARI NGUNIT PINANA NAMAN SIYA NG ANAK NITO KAYA MAGKASABAY SILANG BUMAGSAK NG HARI,PATAWAD." Nabalot ng katahimikan ang paligid.

Tila nabingi ako sa narinig ko,hindi....

Paulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ni Cadfael, biglang bumalik sa aking isipan ang una naming pag-uusap ni Sovann,maging ang rason kung bakit ayaw kong pumasok ng palasyo nang dahil sa kaniya.

Umiling-iling ako ng maraming beses,hindiiii 'to totoo! ayoko!!

"HINDDIIIII!! HINDI PA SIYA P-PATAY!!!" Hinawakan ako ni Sedna,maging siya ay umiiyak na din.

"SOVANN M-MAHAL KO!!" Pumunta saakin si Cadfael at niyakap ako,umiling iling ako habang yakap yakap niya,pinaghahampas ko siya dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"H-hindi 'to totoo! M-mamumuhay p-pa kami ng masaya,m-magkakasama p-pa kami s-sa p-pagtanda...." humagulgol ako sa sakit.

T-tangina ang sakit.

"P-patawad Lucine." maging si Cadfael ay umiiyak na din.

Napuno ng hagulgulan sa labas ng palasyo.

Pagpasok sa bahay ay tuluyan na namang tumulo ang aking luha.

"A-ang daya mo n-naman S-sovann." Yinakap ko iyong unan.

Mas lalo akong napaiyak nung maalala ang mga tawanan namin at nung panahong pinagtatanggol niya ako,a-ang swerte ko sa kaniya.

"S-sovann,magparamdam k-ka." Ngunit wala man lang bagay na gumalaw.

"Diyos k-ko,gisingin niyo na a-ako.Ayoko na ng panaginip na ito."

Nakatulog ako dahil sa pagod sa pag-iyak.

"Mahal." napangiti ako nang may humalik sa aking leeg lalo na nang marinig ang boses ni Sovann.

"Nakikiliti ako mahal." Minulat ko ang mga mata ko ngunit wala akong nakitang Sovann.

Nangunot ang noo ko at hinanap siya sa bawat sulok ng bahay.

"S-sovann mahal?" sambit ko habang hinahanap siya.

Ilang beses akong naghanap sa kaniya hanggang sa may pumasok sa bahay, tiningnan ko iyon at si Zurie at Frost lang pala.

Unti-unting tumulo ang luha ko nang makita ang lungkot sa mga mata nila.

"W-wala na ang k-kaibigan ko." ani ni Frost bago humikbi.

Tulala lang akong nakatingin sa kanila habang tumutulo ang luha.Sobrang sakit,a-ang buong akala ko'y panaginip l-lang lahat.

Pota a-ang sakit.

KINGDOM OF ASTRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon