"Cadfael!" kanina pa ako hindi mapakali sa tinataguan ko ngayon! Eto talaga ang problema sa paglalabas tuwing gabi e!
Nandito ako sa mismong damuhan na tinaguan ko noon,tulad ng nangyari noon ay ganitong ganito ngayon.Sa totoo lang gustong gusto kong umalis dito eh ang kaso ay nahihiya ako lalo na pag-nakita nila ako.
Ang Prinsesa ng Albion na si Callidora ay nandito at kinakausap si Cadfael!
"Cadfael! Napapagod na ako! Bakit ka ba ganiyan? Sana hindi ka nalang naging mabait saakin! Sana hindi mo nalang ako pinagsalitaan ng matatamis! Para hindi ako mabaliw ng ganito! Napapagod naako sa mga pag-iiwas mo saakin!"
Mukhang matindi nga ang pag-ibig nito sa Prinsepe,napatakip ako sa bibig ko nang magsimula siyang umiyak.Ni hindi sumagot ang prinsepe sa sinabi niya.Sinilip ko sila,bigla siyang niyakap ni Prinsepe Cadfael na mas lalong ikinalakas ng iyak niya.
"Shhhh huwag kanang umiyak."
"Pa'nong hindi ako iiyak e sinaktan mo ako??!"
"Callidora,tulungan mo ako." Pinunasan ni Cadfael ang luha sa pisnge niya.
"h-huh?saan naman?"
"Tulungan mo akong mahalin ka,nais kong buksan ang puso ko sa'yo." Kitang kita ko ang saya sa mukha ng prinsesa.
"Talaga bang mahilig kang makinig ng usapan ng iba?" Nanlaki ang mata ko dahil sa pagsulpot ni Sovann! Tulad ng nangyari noon siya ang nandito.
"Mali ang iniisip mo." saka ko siya hinila palapit saakin.
"Teka maayos na ba ang sugat sa braso mo?" kinuha niya ang braso ko at tiningnan ito.
"Oo maayos na." tiningnan niya ako sa mata na ikinaiwas ko, ba't parang ang init ngayon?
"mabuti naman, ba't nandito ka ulit?"
"A-ano kasi, aksidente lang.Ayoko din namang umalis dahil makikita nila ako."
"Sige sabi mo e."
"Isa pa,talaga bang malalim ang pagmamahal ni Prinsesa Callidora kay Prinsepe Cadfael?" pinagdikit niya ang paa niya at hinarap ang langit, tiningnan ko kung nandiyan pa ang Prinsesa at Prinsepe ngunit wala na sila.
"Mula pa nung mga bata kami ay napapansin ko ang mga ngiti at tingin ni Callidora sa kapatid ko,magaling si Callidora sa pag-guhit.Nung minsan ay nahuli ko siyang ginuguhit si Cadfael ay pulang pula ang mukha niya,hindi natapos ang araw na hindi ko siya tinanong kung gusto niya ba ang aking kapatid kaya wala siyang nagawa kundi ang umamin."
"Nitong nakaraang taon ay inamin niya kay Cadfael ang nararamdaman niya, ngunit hindi siya gusto ng aking kapatid bagkos ay ipinatigil niya pa ang nararamdaman nito.Sinabihan ko si Cadfael tungkol dito ngunit matigas ang kaniyang ulo,ngunit nang dahil sa narinig ko ngayon ay makakampante na ako." nakangiting ngumiti saakin si Sovann.
"Sana nga'y maturuan niya itong mahalin siya." ani ko.
"Lucine."
"Bakit?"
"Alagaan mo ang sarili mo."
"Inaalagaan ko naman ang sarili ko."
"Isa pa,iwas iwasan mo din ang pagpasok sa mga gulo.Kumain ka ng sapat,huwag na huwag ka agad magtiwala sa mga tao-"
"Bakit mo sinasabi iyan?" Nagulat siya sa sinabi ko.
"A-ah ano ginagawa ko i-ito bilang.... Kaibigan! O-oo kaibigan mo." kinunotan ko siya ng noo.
"Kaibigan?hindi naman kita kaibigan." Natawa siya sa sinabi ko at napakamot sa batok niya.
"Kaibigan na kita mula sa araw na ito." Hinawakan niya ang kamay ko na ikinapula naman ng mukha ko,shet hindi ako makahinga.
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasyLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...