Maaga kaming ginising ni Amy dahil may pagpupulong daw mamaya.Nandito kaming lahat sa harap ng trono ng Hari,Reyna,Prinsepe at Prinsesa.Anong dahilan nito?
"Makinig kayong lahat saakin." ani ng Hari.
"Alam kong magugulat kayo sa ibabalita ko."
Kinabahan naman ako doon,sana hindi masama.
"Kumalat sa buong bayan ang sakit na hindi pa namin natutukoy,kaya sana ay hinikayat ko kayong maglinis ngayong araw.Ayon sa kanila ay 50 na ang taong nagkakasakit ngayon sa bayan,hanggang ngayon ay gumagawa padin ng lunas ang ating herbalist upang masugpo ito."
Si Ina! Kamusta sila?! Diyos ko,sana naman walang nangyaring masama sa kanila! Kailangan kong makausap ang Hari mamaya! Manghihingi ako ng permiso niya upang makapunta sa bayan.
"Sige na,maglinis kayo.Hindi din namin alam kung saan ito nagmumula."
"Natatakot ako." ani ni Zurie, hinawakan ko agad ang kamay niya.
"Shhh magiging ayos din 'to."
Matapos iyon ay nagsimula na kaming maglinis,lahat ng sulok ay nilinis namin.
"Ang sakit ng ulo ko." ani ni Amy,bigla siyang bumagsak na ikinagulat namin.
"Madam!" sigaw nina Zurie ngunit pinalayo sila ni Frost.
"Lumayo kayo,maaaring nakakahawa ito.Lahat kayo ay manatili na sa silid ninyo." Dali-dali silang umalis.
"Nakakapagtaka,paanong nagkaroon ng sakit si Amy?" tanong ko kay Zurie.
"Hindi ko alam natatakot ako." niyakap ko nalang ang braso niya.
"Zurie,pumunta na kayo sa silid ninyo.Magiging maayos din 'to." saka ngumiti si Frost tumango lang ako sa kaniya bago kami pumunta sa silid namin.
Hindi naman ako mapakali dito sa silid namin, kailangan ko talagang puntahan ang hari!
"Teka saan ka?!" sigaw ni Zurie saakin napatingin tuloy saamin iyong ilang tagapagsilbi.
"Basta,diyan ka lang." Tumakbo agad ako papalayo doon, pumunta ako sa trono ng hari.
Mabuti nalang nandoon siya.
"Bakit Lucine?" sambit niya nang makita ako.
"A-ah ano ho kasi nais ko sanang pumunta ng b-bayan,nag-aalala ako sa pamilya ko."
"Huwag kang mag-alala,titiyakin naming magiging maayos ang pamilya mo."
"P-pero kasi-"
"Ngayon ay pupunta na kami,Sovann!" Biglang sumulpot si Sovann,pinamulahan ako nang makita siya.
"Bakit Ama?"
"Tayo'y pupunta ng bayan,halika na." Umalis ang Hari, tiningnan ako ni Sovann at lumapit saakin.
Eto na naman ang pintig ng puso ko.
"Huwag kang mag-alala,titiyakin kong maayos ang pamilya mo." ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
"Salamat." Tumango siya,naiwan naman akong tulala.
Sana walang masamang mangyari.
Nandito ako ngayon sa silid, tiningnan ko iyong isang tagapagsilbi.Uminom siya ng tubig,nagulat nalang kami nang bumagsak siya.
Lumayo agad ang ilang tagapagsilbi sa kaniya.
"Tulong!" sigaw nila,dumating iyong herbalist ng palasyo at dinala siya.
Sa'n ba nagmumula ang sakit na iyan?!Ilang oras din kaming naghintay dito para sa pagbabalik ng Hari, tiningnan ko si Zurie na nakaupo lang.Kitang kita ang takot sa mga mata niya,lumapit agad ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
KINGDOM OF ASTRID
FantasyLucine is an ordinary girl in there village,ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang makapasok sa kingdom. She really hates it dahil daw magulo sa loob ng kaharian,hindi literal.Ngunit mukhang mabait nga ang diyos sa kaniya,siya ay napili bilang tagasuno...