KABANATA 6

124 6 0
                                    


Ilang buwan na din ang nagdaan at nandito padin ako sa loob ng kaharian,ni hindi nga ako nakalabas dito.Nalulungkot ako kasi namimiss ko na sina Nanay.

Lalo na sina Lorcan at Sedna,kamusta na kaya iyon?Sana naman ay inaalagaan nila iyong tambayan namin.

"Lucine,sumama ka saakin mamaya." Inangat ko agad ang ulo ko dahil sa nagsalita.

"Ho?"

"Samahan mo ako mamaya,magpapatulong sana ako sa pag-gawa ng sapatos." sambit ni Prince Sovann na ikinatango ko.

"Sige po kamahalan." Ngumiti siya saakin,tinapakan naman ni Zurie ang paa ko na ikinairap ko sa kaniya.

Iyong isip talaga ni Zurie napakamalisyosa.

Nandito kaming lahat sa kusina,kumakain sila ngayon kasama si Lord Serafino at iyong kaibigan ni Sovann na si Frost.Napansin ko naman ang inis na tingin ng mga tagapagsilbi saakin,inirapan ko lang sila.

Isang buwan na din matapos iyong digmaan sa pagitan ng bansang Robin at Astrid,nalaman kong natalo ni Sovann ang prinsepe at hari ng Robin.Doon daw nila natanggap na talo talaga sila sa Astrid,naging kapanalig nila ito.Tutulungan daw nila ang Astrid kapag nagkaroon ng problema dito.

Si Frost ang matagal ng kaibigan ni Prinsepe Sovann,sinabi niya ding siya ang natamaan nung batong itinapon ko noon sa puno,akala ko multo siya lang pala.

"Mahal na hari,may sunog ho na naganap sa bayan." sambit ng kadadating lang na kawal,kinabahan naman ako doon.

Sana walang masamang nangyari sa kanila.

"Pakisabi pupunta na kami,Cadfael samahan mo ako."

"Masusunod ama." Napangiti ako sa tinugon ni Prinsepe Cadfael,napakaseryoso niya talaga.

Nakita ko ang inis na tingin saakin ng reyna,umiwas nalang ako ng tingin kaysa irapan ko pa siya.Nitong nakaraang buwan  ay sa tuwing nagkrukrus ang landas namin ay pinag-iinitan niya ako,hindi naman ako natatakot sa kaniya kahit siya pa ang Reyna ng bansang ito.

Sana naman ay hindi kasali ang bahay at pagawaan namin ng sapatos sa nasunog.Nang matapos sila sa pagkain ay sumunod agad ako sa Prinsepe.

Pumasok kami sa isang silid doon,sa pagpasok palang namin ay naamoy ko na agad ang pintura.

"Ito ang gawa kong sapatos,gusto ko sanang malaman kung ano pa'ng kulang dito?" Kinuha ko iyong sapatos na gawa niya,tinitigan at sinuri ng mabuti.

"Teka,para sa babae ba 'to?" Napakamot siya sa batok niya at tumango.

"sus kung babae naman pala,ang kulang sa  sapatos na iyan ay matingkad na kulay at disenyo!"

"Ano'ng disenyo ang ilalagay ko?"

"Dito sa harap ng sapatos,maari mong ilagay ang paborito niyang uri ng bulaklak o 'di kaya'y mga bagay na paborito niya."

"Mahilig si Muriel ng kabibe,iyon ang nais kong ilagay."

"Si Prinsesa Muriel lang pala,akala ko kasintahan mo ang pagbibigyan mo nito." natatawang saad ko.

Umiling siya.

"Wala pa akong kasintahan." Tiningnan ko siya ng nakakaloko.

"Pero may napupusuan? Naku,torpe naman pala ang prinsepe namin haha." Kahit papaano ay nabawasan iyong inis ko sa kaniya,konti lang naman.

"Hindi ako torpe ah!"

"Sige sabi mo e." Kumuha ako ng pandikit at kabibe,nilagyan ko ng pandikit ang kabibe at idinikit sa sapatos.

"Hindi nga ako torpe." seryosong sambit niya.

"Alam mo mas maganda pag-seryoso ka,kaya dapat huwag kanang ngumiti." Bigla siyang ngumiti na ikinainis ko.

"Sige sabi mo e." Umirap nalang ako sa kaniya,kasasabi ko nga lang na huwag siyang ngumiti tsk.

Tumalikod ako sa kaniya at sinimulang kulayan iyong sapatos.Natapon ko sa kaniya iyong pintura dahil sa gulat! Eh kasi bigla ba naman niyang iharap iyong mukha niya saakin ng nakangiti! Sinong hindi magugulat nun?!

"Shet patawad!" Iyong balabal niya! Nababalutan na ng pintura! Hinawakan ko iyon at mas lalong kumalat iyong pintura.

Nakangiti pa din siya,bigla niyang ipinahid saakin iyong pintura na ikinatigil ko.

"Ops hindi ko din sinasadya." natatawang ani niya sabay tayo.

"Anak ng!"

"WAHAHAHA." tumakbo siya,habang nakasunod naman ako sa kaniya! Hindi ko alam pero nahawa na din ako sa tawa niya,tumatakbo kami sa loob ng kuwartong iyon na tumatawa.

"Mahal na P-prinsepe?" Napatigil kami sa pagtakbo dahil sa pagsulpot ni Frost.

Nagkatinginan kami ng Prinsepe.

~~
Nakanguso akong naglalaba ngayon ng balabal ng prinsepe,ang tagal matanggal nitong pintura sa balabal ng Prinsepe.Pinagalitan din ako ni Amy dahil sa ginawa kong ito,nagpaliwanag naman ako sa kaniya na hindi ko sinasadya.

Pero kahit anong gawin kong pagpapaliwanag,galit padin siya.Kung ano-ano nang nilagay ko sa balabal niya para matanggal 'to.

"Lucine." Napaangat ang tingin ko,si Prinsepe Cadfael lang pala.

Ay teka,anong ginagawa niya dito?! Natataranta akong tumayo upang yumuko.

"A-ah bakit ho kamahalan?"

"Gamitin mo ito upang mawala ang pintura na iyan." Tinanggap ko agad ang inabot niya, pa'no niya nalaman iyon?

"Salamat p-po dito." saka ako ngumiti sa kaniya.

Tumango siya bago umalis,napangiti naman ako doon.Sus mabait din naman pala haha.

"TALAga ba wala lang iyon?" tanong ni Zurie,nandito kami ngayon sa kuwadra ng mga kabayo,kasama din namin si Frost na nililinisan ang kabayo niya.

"Oo nga,paulit-ulit ka Zurie.Itapon ko sa'yo 'to e." Natawa si Frost saakin na umiiling habang naglilinis pa din,si Zurie kasi binibigyan ng kung anong kahulugan iyong nangyari saamin ng Prinsepe kanina.

"Talaga bang wala lang iyon Frost?" Pagtatanong ni Zurie kay Frost,nagkibit-balikat lang siya.Pinanlakihan ko siya ng mata,anak ng?

"Hoy!" sigaw ko sa kaniya.

"Oh bakit?"

"Magkaliwanagan nga tayo." Tinuro ko silang dalawa.

"Wala lang iyon,hindi ako gusto ng prinsepe at hinding hindi din ako magkakagusto sa kaniya! Sabihin na nating pogi siya pero hindi talaga ako magkakagusto sa kaniya,kung gusto niya man ako hinding hindi ko siya magagawang mahalin pabalik.Ayos ba?"

"Teka,wala naman kaming sinasabi na gusto ka ng prinsepe ah." ani ni Zurie na ikinagulat ko.

"Ano??!"

"Hahaha amp." Tumalikod agad ako dahil sa tawa nila,nahihiya ako huhu.

"Frost." nagulat ako dahil nasa likod ko pala ang prinsepe.

"Bakit kamahalan?" Hindi ko alam kung saan ako pupunta,siguro naman hindi niya ako narinig no?!

Yumuko ako at tumakbo palayo sa kaniya,jusme.

Matapos ang hapunan ay nagsitulog na agad sila sa mga silid nila,habang ako ay hindi pa inaantok at Isa pa ang ganda ng buwan ngayon napakalaki.Nakita ko kasi sa bintana kanina.

Iniwasan ko iyong mga kawal na nagroronda para makalabas ako ng hindi nila nalalaman.Umakyat ako sa puno,pero sana hindi ko nalang ginawa! kasi nakaupo doon si Prinsepe Sovann.

"Ba't gising kapa?" tanong niya na ikinagulat ko.

KINGDOM OF ASTRIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon