"Ma bilhan mo ako nyan oh." Bunso
"Ma ako din, ito oh." ate
"Ma ito na lang ang akin." Sabi ko.
"Nak si bunso at si ate mo muna ah kasi kulang ang pera ko." mama
" Sige po ma. " sagot ko
...
"Ma ito po yung sahod ko." ate.
" Sige anak sayo na ang kalahati. Nak, maghain ka na tapos hugasan mo na din ang kaldero." utos sa akin ni mama.
"Sige po ma." sagot ko
"Bilisan mo ah pagong ka pa naman kumilos." Sabi ni mama.
...
"Nak pasyal tayo. " mama
"Sama po ako ma." Sabi ko
"Dito ka lang si ate at si bunso lang ang isasama ko walang magbabantay dito sa bahay bibilhan na lang kita ng pasalubong."
"Sige po ma." sagot ko.
...
"Ma top 5 po ako aattend po kayo?." tanong ko.
"Hindi nak yung teacher mo na lang ang magkakabit sayo. Pupunta ako kasi ako sa ate mo at kay bunso pareho kasi silang achievers." mama
"Ahm sige po ma." sagot ko.
...
" Dahil sayo pinagalitan ako ni mama." ate
"Bat ako?."
"Pa bida bida ka kasi." ate
" Hindi naman ako ganon."
...
"Ma masakit ang ulo ko." ako.
" Mamaya na nak dadalhin ko si bunso sa hospital inaapoy sya ng lagnat si ate mo masakit ang puson." mama
"Isabay nyo na lang po ako. "
"Iinom mo na lang ng gamot yan, wala akong ipangbabayad sa hospital kong isasama pa kita."
"Pero ma lagi na lang kasi sumasakit ang ulo ko."
" Sa pagsecellphone mo yan. " mama.
Napayuko naman ako. "Bakit lagi na lang sila?." mahinang sabi ko.
"Anong sabi mo?." tanong ni mama, napaangat ako ng ulo.
"Bakit lagi na lang sila ma? Anak nyo naman din ako pero di nyo ako binibigyan ng attention."
"A-anak."
"Lagi na lang si ate at si bunso ang pinapahalagahan nyo pano naman ako. Kung ituring nyo ako parang hangin lang." pinigilan kong umiyak.
"Ano ba anak di ko na gusto ang asal mo ah?!."
"Kung pagod at stress kayo ako ang lagi nyong pinapagalitan doon nyo lang naman ako napapasin eh."
"Lagi nyo na lang binibilhan sila ate at bunso habang ako hinihintay ko kung meron kayong ibibigay sa akin. Lagi kayong naggagala habang ako nandito sa bahay mag isa. Kahit sa pagsabit ng medal ko wala kayo. Kay bunso lagi kayong nag aalala kay ate lagi nyo syang pinabibigyan."
" Ma may isa pa kayong anak at ako yun!."
"A-anak."
"Kahit kinamusta lang ang araw ko di nyo manlang magawa. Sa school lagi akong binubully pero sinikap kong mag aral para makasama sa top." mahinang sabi ko.
"Sige po dalhin nyo na po sila sa hospital, okey na po ako." ngumite ako ng mapait sa kanila.
Biglang kumirot ang ulo ko. Wag muna ngayon.
" Okey ka lang?." tanong ni ate.
Napatingin ako sa kanya pero biglang nanlabo ang mata ko.
"A-anak." ito na siguro ang huling araw ko.
"M-ma sorry di ko sinabi na may taning ang buhay ko may cancer akong brain tumor ma." ngumite ako ng mapait kay mama.
"Dadalhin na kita sa hospital anak."
"Wag na ma. Gusto ko na pong magpahinga mas aalagaan pa ako sa langit at di ako nag iisa doon." ngumite ako kay mama habang tumutulo ang luha ko.
"Paalam ma." Huling sabi ko at pumikit.
