OREO 28

517 25 5
                                    

Chapter 28

Hi mga bebe 🙂


***
NANG MATAPOS NAMIN MAGHAPUNAN. Nag presenta si Oreo na ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin ngayung gabi. Hindi kasi, ako na kasama kanina na magtinda sa palengke. At para makabawe ako sa kanila maghuhugas ako ng plato. Ganito naman kami, kapag hindi ka tumulong sa tindahan o sa bahay. Kailangan mong akuin ang gawain bahay para makabawe sa kanila. Iyon ang turo samin ng namayapa kong ama.

Ikinatuwa naman iyon ni Waffer dahil 'di siya maghuhugas ngayun gabi.

" Hay.. salamat naman ate. Makaka-pagpahinga na rin ako ng maaga." Nakangiti nitong wika na tuwang-tuwa.

" Oo, nakakahiya naman kasi sayo eh." Panunudyo ko kay Waffer habang may ngiti sa mga labi.

" Wow huh? sakin kapa talaga nahiya?" Pagtataray ng kapatid sa kanya. " Alam ko naman kung bakit ka ngayun maghuhugas dahil hindi ka nagtinda kanina." Dagdag pa nito habang nakataas ang mga kilay.

" Alam ko po, kaya nga po ako na ang maghuhugas diba? baka kasi mag reklamo ka na naman. Nakakahiya naman sayo." Aniya na patuloy lang sa pang-aasar kay Waffer.

" Edi wow!" Pagtataray pa nito na may kasamang irap. Hindi manlang nito naisip na mas matanda ako sa kanya kung makairap. At hindi rin inalintana na nandiyan lang ang kanilang ina. Mabuti na lang ay 'di ako patolang tao kaya hinahayaan kona lang siya. Pinalaki naman kami ng maayus ng mga magulang namin. Ewan ko ba, kung bakit ganito ang ugali ni Waffer, masyadong maldita. Kami naman ni Hansel hindi ganitong ugali.

" Tama na yan." Kapagkuwan ay saway ni Mama samin ni Waffer. " At baka kayo naman ang mag away na dalawa."

" Si ate kasi Ma eh, epal-"

" Waffer!" Galit na bulyaw ni Mama kay Waffer at pinukol pa ito ng masamang tingin.

" Sorry po." Nakasimangot na hingi naman nito ng tawad kay Mama. Nawala ang katarayan sa mukha nito, at napalitan na iyon ng sama ng mukha.

" Hindi porket hinahayaan ka ng ate mo na ginaganyan mo siya. Aabusuhin mo naman." Kay Waffer nakatuon ang atensyon ni Mama. " Baka nakakalimutan mo Waffer, mas matanda siya sayo." Galit na wika ni Mama kay Waffer habang seryuso ang mukha nito.

Pangiti-ngiti naman ako ng biglang lumingon si Mama sakin. Akala ko ay hindi ako kasali sa pagagalitan pero nagkamali ako.

" At ikaw naman Oreo." Baling ni Mama sakin. " Kaya ka hindi ginagalang ng kapatid mo, dahil sa inaasal mo."

Nawala bigla ang mga ngiti ko sa mga labi at napanguso na lang dahil sa labis na hiya. Akala ko, hindi ako damay sa galit ni Mama. Hindi pa pala, kaya naman ay nanahimik na lang ako. At makalipas ng ilang sandali ay inutusan na kami ni Mama.

" Magligpit na kayo." At tumayo na ito sa kinauupuan nito, saka lumabas ng kusina kasama si Waffer na masama parin ang mukha. Hindi kasi sanay na pinapagalitan si Waffer kaya ganun ang ugali.

Si Hansel naman ay nanatiling nakaupo sa hapagkainan habang kumakain ito. Parang walang pakialam sa paligid at patuloy lang sa pagkain.

Kapagkuwan ay tahimik itong tumayo sa kinauupuan. At ang buong akala ko ay aalis na ito, nang kusina. Peru nagulat na lang ako ng magligpit ito ng pinagkainan at nilagay sa lababo. May nagtataka-man ay mabilis ko parin tinulungan si Hansel. Nilagay namin lahat ng hugasan sa lababo at pinunasan ni Hansel ang mesa. Ako naman ay nilagay ang tirang pagkain sa ref para hindi mapanis.

Nang matapos na si Hansel sa ginagawa. Inumpisahan naman nitong hugasan ang mga pinggan sa lababo na labis kong kinabigla.

Diba galit siya sakin? Bakit niya ako tinutulungan? Siguro ate niya parin ako kaya ganun. Kapagkuwan ay napangiti na lang ako dahil hindi naman nagbago ang kapatid. Marahil kaya ito nagmura kanina ay dahil sa subrang inis na nararamdaman, kahit ako ay maiinis din.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon