Chapter 22
MATAPOS ANG AMINAN PORTION SA PAGITAN ni Oreo at Raikko. Palagi na silang nagkikita ng binata peru patago lang dahil wala pang alam ang Ina. Ayaw naman niyang malaman nito sa ibang tao kaya sa bahay ni Raikko sila nagkikita. At naiintidihan naman siya ng binata dahil mga tsismosa din kasi ang mga tao sa palengke eh. Kagaya na lamang ngayun nasa bahay siya ni Raikko at nagluluto ng tanghalian.
Ang niluluto niya ngayun na ulam ay ang paborito ni Raikko na tinolang manok. Marami pang gusto na ulam ang binata peru tinolang manok talaga ang gusto nito. Dinamihan na niya para may pang ulam ito hanggang mamaya.
Natigilan si Oreo ng may yumakap sa beywang niya mula sa likod habang nakatapat siya sa gas stove. Alam na niya kung sino yun dahil naaamoy niya ito. Mabango si Raikko kahit mukha siyang matanda dahil sa itsura nito. At palagi yun ginagawa ng binata sa tuwing nandito siya sa bahay nito. Malambing at sweet si Raikko, ibang iba noong una niyang nakilala niya ito. Palaging nakayakap sa kanya at sinusubuan siya nito kapag kumakain sila. At hindi na rin siya nagpapaligaw sa iba, binasted na niya sina Edgar saka si Aaron. Nagtataka naman ang dalawa peru sinabi na lang niya na hindi pa siya handa. Yun nga lang ay hindi na siya kinikibo ng dalawa at mas okey na rin kesa pag awayan pa nila ni Raikko. Pansin niya kasi na medyo seloso si Raikko.
" I love you By." Malambing na sambit ng binata sakanya habang nakayapos parin.
Napangiti si Oreo kahit kumakabog ang dibdib niya. Bumibilis parin ang tibok ng puso niya sa tuwing niyayakap siya ni Raikko. Hindi pa kasi siya sanay dahil 1st time niya pa lang magka-boyfriend.
" I love you too by." Tugon niya rito sa malambing na boses habang hinahalo ang tinola. At hinaplos niya ang mukha nito gamit ng isang kamay. " Upo kana dun at kakain na." Utos niya sa binata para bitawan na siya nito dahil nagwawala na naman ang puso niya.
Niyapos muna siya nito ng mahigpit bago siya binitawan saka naupo na sa hapagkainan. Tinapos naman niya ang pagluluto ng tinola saka sinalin sa malaking bowl.
Nang masalin na ang tinolang manok sa bowl na malaki kumuha naman siya ng kanin sa rice cooker saka nilagay sa malaking pinggan. At nilagay sa hapagkainan na malapit sa binata para madali nito makuha. Nakahanda na lahat peru tubig na lang ang kulang. Kumuha siya ng isang pitchel na tubig sa ref saka naupo na din sa tabi nito at sabay silang kumain.
Masaya silang kumakain ng sabay at masaya rin sila nagkukwentuhan. Ang palagi lang nila pinag uusapan ni Raikko about sa ginagawa nila sa araw araw. Hindi pa nagkukwento ang binata about sa buhay nito, pamilya at kung anong nangyare rito. Ayaw naman niya ito tanungin dahil masyadong personal. Gusto niya ay si Raikko ang mag kwento ng kusa at makakapag antay naman siya. Wag nga lang sila mag break dahil baka hindi niya malaman ang totoo.
" By subuan moko please." Naglalambing na sabi ni Raikko habang nakabuka ang bunganga.
Napangiti at napailing naman siya saka sinubuan ang binata. " Oh ito na.. ahhh."
" Hmmm.. sarap mo talaga magluto By." Puri ng binata sa kanya habang ngumunguya.
Napangiti naman si Oreo sa papuri ng binata at tumataba ang puso niya dahil palagi nito iyon sinasabi sa tuwing nagluluto siya.
Bumuka muli ang bunganga ni Raikko at gusto pang magpasubo sa kanya. At sinubuan naman niya kaagad ang binata. Ito ang kanilang ginagawa kapag sabay silang kumakain. Kung hindi siya nito sinusubuan, ito naman ang magpapasubo. Lambing ni Raikko iyon sa kanya at sa kanilang dalawa, si Raikko ang pinakamalambing.
Nang matapos kumain ng tanghalian. Tinulungan siya ng binata magligpit ng pinagkainan. Kahit bulag si Raikko masipag ito, at alam ang pasikot-sikot sa kusina. Hindi manlang nadadapa at nababangga. Marahil nag iisa lang sa buhay at mag isa lang sa loob ng bahay ay kelangan nitong matutunan ang bawat daanan. Iniisip niya kung ano kaya ang naging buhay noon ng binata sa loob ng maraming taon sa malaking bahay. Paano nito na kayang mabuhay mag isa? Paano nito nakayanan ang lungkot? Paano nito nakayanan ang lahat sa kabila ng kapansanan nito? Marami siyang tanong peru ayaw niyang pangunahan ang binata kaya mag aantay na lang siya ng tamang panahon.
BINABASA MO ANG
MR.SUNGIT
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan ni OREO na si Amber ay makilala niya ang isang bulag na lalake. Na tinawag niyang TATALINO. Paano ba naman ay ang haba ng buhok nito, saka ang haba din ng mga balbas. So kaya natawag ko siyang TATALINO. At diko rin mah...