OREO 21

674 30 5
                                    

Chapter 21

HANGGANG NGAYUN AY UMIINUM PARIN SI RAIKKO sa salas habang nakaupo sa sofa. At iniisip niya ang dalaga, namimiss na niya ang tinig nito. Gusto niya puntahan ang dalaga sa palengke ngunit nahihiya siya dahil sa nangyare kanina. Hindi niya napigilan ang sarili na ikwento ang nakaraan niya. Kung bakit naging ganito ang kalagayan niya. Ayaw na sana niya ibalik ang kahapon. At ikwento sa dalaga ngunit pinilit siya nitong magsabi kaya hindi niya napigilan ikwento.

Nahihiya siyang sabihin yun sa dalaga dahil sa pangit ang nakaraan niya. Ngayun na kwento na niya sa dalaga ang nakaraan. Hindi man kumpleto peru wala na siyang ihaharap sa dalaga kung sakaling magkita sila.

Malalim siyang napabuntong hininga habang nakasandal sa sofa. Lasing na siya ngunit ayaw niya pang matulog dahil hindi siya dalawin ng antok. Naiisip niya kasi si Oreo, gusto niya tawagan ang dalaga. Ngunit hindi niya alam kung paano tatawagan ito dahil bulag nga siya. Hindi niya makita kung saan niya pipindutin. Kahit tinuruan na siya ng dalaga kung paano.

Naiisip niya na sana tawagan siya ng dalaga at kausapin ngunit hindi niya alam kung nasaan ang cellphone niya. Hindi niya pala kayang panindigan ang sinabi niya kaninang madaling araw. Na hindi na kakausapin ang dalaga. Ngayun pa nga lang ay namimiss na niya ito. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? May nararamdaman na siya sa dalaga kahit panandalian lang ang pagkilala nila. Madali lang talaga siya mainlove kahit kakikilala niya pa lang. Kagaya na lang kay Coleen akala niya ang bait ngunit hindi pala. Akala niya mahal siya nito ngunit pinaasa lang siya sa wala at iniwan sa ere. Mahal na mahal niya si Coleen lahat binigay niya. Kung anong hiniling nito ay kaagad niyang ibibigay. Dahil ayaw niyang magalit o magtampo ang mahal niya. Hindi manlang niya naramdaman na niloloko na siya ng ex-girlfriend. Tiwalang tiwala siyang hindi lolokohin ng ex niya. Kaya pala panay paalam sa kanya na mag a-out of town. Iyun pala ay kinakatagpo ang kalaguyo nito.

Minsan tinatanong niya ang sarili kung saan ba siya nagkulang? O nagkulang nga ba siya ng pagmamahal sa ex? Lahat naman binigay niya kahit ang oras niya. Kay Coleen na umiikot ang mundo niya noon kaya minsan hindi na siya nakakapasok sa opisina. Para samahan ang ex kung saan man pumunta. Masyadong maluho ang dalaga peru hindi niya alintana iyon dahil mahal na mahal niya ito.

Huli na ng malaman niya noong hindi na siya sinipot ng ex sa simbahan. Ang sakit noong iniwan siya ni Coleen Gumunaw ang mundo niya ng hindi siya sinipot sa simbahan. Hinabol niya ang Ex dahil subrang mahal na mahal niya ito. Kakahabol niya kay Coleen noon. Napabayaan na niya ang mga naiwan ng mga magulang katulad ng company. Ngunit huli na ng mapagtanto niyang kabaliwan ang mga ginawa niya. Dahil sa kakahabol niya sa Ex nawala ang lahat sa kanya. Nagalit rin ang mga kamag anak niya sa kanya. At itinakwil saka kinahihiya. Nang dahil rin sa Ex niya kung bakit nawala ang paningin niya. Pati na kung bakit siya pilay ngayun. Naaksidente siya sa subrang kalasingan ng malaman niyang ikakasal na ang mahal niya. Nasaktan siya ng subra dahil akala niya ito na ang makakasama niya habang buhay.

Napatiim ang bagang ni Raikko ng maalala ang Ex-girlfriend. Kung hindi siya na baliw sa babaeng yun. Wala sana siya sa ganitong sitwasyon ngayun. Edi sana hindi siya pilay o bulag. Edi sana maganda ang buhay niya ngayun. At hindi niya sana nararanasan ang kutyain siya ng mga tao. Nang dahil sa kalagayan niya ngayun. Mapangmata pa naman ang mga tao sa mundong ibabaw.

Kapagkuwan ay tumayo na siya sa kinauupuan saka naglakad patungo sa taas. Pipilitin na niyang matulog dahil anong oras na. At hanggang ngayun ay gising parin siya.

Sarado na naman ang mga bintana at pinto dahil maghapon siyang hindi lumabas ng bahay.

Nang makapasok ng silid kaagad siyang pumunta sa kama. At nahiga sa malaki niyang kama. Araw araw ganito ang sitwasiyon ni Kit Raikko. Gigising siya ng umaga tapos kakain ng almusal. Kapag hindi niya naisipan lumabas ng bahay ay nagmumukmok na lang siya. Minsan naglilinis siya ng buong bahay kahit hindi niya nakikita. O di kaya'y naglalaba siya ng mga kasuotan niya para malibang. Inaaliw niya ang sarili para hindi maboring.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon