OREO 31

174 14 6
                                    

Chapter 31


ILANG MINUTONG TINITITIGAN ni Oreo si Raikko at hindi ako nagsalita. Nagtataka ako kung bakit nandito siya ngayun. Samantalang sabi niya kagabi ay ayaw niya akong makita. Bakit dito pa siya bumibili sakin diba? Diba ayaw na niya sakin. Bakit napunta pa siya dito? Para ano? Saktan lang ako? Buset siya kamo. Nakakaramdam na naman ako ng inis sa binata sa tuwing naiisip ko ang nangyare kagabi. Umiinit ang ulo kapag naaalala iyon.

" Anong sayo?" Walang emosyong na tanong ko rito.

" Pang nilaga sana. Merun kaba?" Tugon nito.

Hindi ko naiwasang mapairap sa hangin. " Mukha ba kaming nagtitinda ng baka? Gulay lang po kami kuya." Wika ko sa sarkatiko.

" Gulay na lang." Aniya sa mahinang boses at parang napahiya ito sa pananaray ko. At makikita rin sa mukha nito ang pagkapahiya.

Nakaramdam naman ako ng guilty sa dibdib dahil sa pananaray ko sa kanya at parang gusto kung kutusan ang sarili. Dahil sa galit ako sa kanya ay hindi ko naiwasan magtaray. Kailangan ko lang kasi gawin iyon dahil kundi ay baka sinugod kona na siya ng yakap.

Kapagkuwan ay binigay ko sa kanya ang mga gulay naihahalo niya sa nilaga. At sinabi ko rin ang price na pinamili nito.

Inabutan niya ako ng 1k at hindi inaasahan ay nagdikit ang aming mga kamay. At hindi lang dikit kundi ay hinawakan niya talaga ang kamay ko.

Napatingin tuloy ako sa kanya saka napatitig sa mga mata nito. Hindi ko agad kinuha ang kamay dahil nakatitig lang ako sa kanya. At nakita ko sa mga mata nito ang lungkot. Bakit naman ito malulungkot? Diba gusto niya 'to? Ang lumayo ako sa kanya?

Mabilis kung kinuha ang kamay ng matauhan saka kumuha ng sukli saka inabot sa binata.

" Ito na sukli. Kumpleto 'yan." Sabi ko at ingat na ingat na hindi magdikit ang aming mga kamay. Kasabay no'n ay ang pagtalikod dahil ayaw ko siyang makitang umalis. Pero muli rin akong bumaling dito dahil sa sinabi nito.

" Im sorry."

" Why?"

" Sinaktan kita."

Mapakla naman akong tumawa dahil parang gusto kung umiyak dahil sa sinabi niya. Masakit parin kahit humihingi siya ngayun ng tawad.

" Im okey." Sabi ko habang nakatitig dito. Mabuti na lang ay wala ng masyadong bumibili sakin. At hindi maririnig ang mga sinasabi namin. Sa paligid naman ay abala ang mga tao sa kanya-kanyang ginagawa. " Yung sinabi ko sayo kagabi? Hibang lang ako no'n." Napalunok ako ng laway para hindi pumiyok dahil nagsisimula na naman akong umiyak. " Tama ka! Mali ang mahalin ka. At narealize ko kagabi na nagsayang lang ako ng oras at pagmamahal sayo. Actually nakamove na nga ako ey." Aniya na parang sinasakal ang puso ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Gusto ko lang ilabas dahil masakit na sa damdamin. Na kahit ako ay nasasaktan dahil kasinungalingan lang ang sinasabi ko. " Kaya makakamove on kana rin. At sana ito na ang huli nating pagkikita. Wag kana bibili sa mga paninda ko. Salamat." Pagkasabi no'n ay tumalikod ako agad dahil biglang bumagsak ang mga luha ko sa mga mata.

" Im sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Pero mahal na mahal 'din kita, kahit sa huling hininga ko. Sana mapatawad mo ako. Nagsisisi ako na pinapalayo kita sakin. Pero ang totoo niyan ay natatakot akong mawala ka. At ito na iyon, lumayo kana. Hindi ko matanggap, kaya pumupunta parin ako. Sana hayaan mo parin akong pumunta dito kahit ayaw muna sakin. Gusto lang kita makita. I mean maramdaman."

" Bahala ka." Iyon na lang ang nasabi ko saka piahid ang luha sa mga mata at pumasok sa loob.

Napabuntong hininga ako ng malalim ng makapasok sa loob. Naiiyak ako kasi mahal na mahal ko parin siya. At naiiyak ako dahil sa mga inamin nito. Mahal naman pala niya ako, bakit pinapalayo niya ako diba? Tapos gusto niya parin pumunta dito para makita ako. Ano 'yun? Gusto niya lang saktan namin ang isa't isa?

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon