OREO 35

179 9 4
                                    

Chapter 35

AFTER KUNG MAGLUTO SA BAHAY AY bumalik agad ako sa tindahan dahil may nagaantay sakin. Hindi na rin ako kumain at nagsandok na lang ng ulam saka sumibat. Nag-alibay na lang ako kay mama para hindi na sila magtaka.

Pagdating sa tindahan ay kumatok ako sa may pintuan dahil nakalock sa loob. Nilock marahil ng binata kaya hindi agad ako nakapasok.

Mabilis rin naman bumukas ang pinto habang pupungas-pungas ng binata. Mukhang natutulog ito kanina bago ako dumating.

" Baby?"

" Hello. Mukhang nagising kita." Anang ko saka pumasok na sa loob. Kaagad kung sinara ang pintuan ng tindahan.

" Nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan." Ani ng binata habang nagtatanggal ng muta sa mga mata. Wala naman.

Inayus rin nito ang magulong buhok na medyo mahaba na.

" Kain na tayo at baka gutom kana." Ani ko saka hinanda ang mesa at naghain na ng pagkain.

" Hmmm.. ang bango naman niyan baby. Anong niluto mo?" Komento ng binata habang sinisinghot ang amoy ng ulam.

" Ginisa lang 'yan baby sa gulay." Tugon ko habang may ngiti sa labi pero napawi rin agad ng marinig ang sinabi ni Raikko.

" Ang swerte ko talaga. Bukod sa maganda na ang mahal ko ay marunong pa magluto. Hindi na kami kakain sa labas at ipagluluto mo pa ako."

" Paano ka nakakasiguro na maganda ako?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya na kinatigil ni Raikko saka napatitig siya sakin. I mean hindi pala sakin dahil bulag siya.

Kapagkuwan ay ngumiti ito saka sumeryuso. Tipong seryuso na nakakatunaw. Mabuti na lang talaga ay bulag ang binata kundi ay nalaglag na ako sa kinauupuan ko. " Ramdam ko, baby na maganda ka. Pero kung hindi ka naman maganda ay ayus lang." Muling itong ngumiti. " It's a tie. Pangit 'din naman ako ey."

Napatitig ako sa mukha ng binata ng sabihin niyang pangit siya. Nasisiguro kung hindi pangit ang binata dahil kapag nagpagupit ito at mag-ahit ay mas lilitaw ang totoong anyo niya. Nasisiguro ko 'din na gwapo siya dahil maganda ang mga mata nito pati na na ang mga pilik mata niya. Matangos rin ang ilong nito at hindi lang basta matangos lang kasi subrang tangos talaga. Parang may lahi ang binata base sa kanyang itsura. Makinis rin ang mukha niya at maputi rin siya. Kaya paano niya na sabi na pangit siya diba?

" Are you okey, baby?"

Napakurap-kurap ako ng mga mata saka natigilan ng marinig ang boses ng binata.

" Huh? Oo." Aniya na binigyan ng pagkain si Raikko.

" May mali ba sa mukha ko?" Tanong niya parin sakin.

" Bakit hindi ka magpagupit at mag-ahit, baby?" Sa halip ay tanong ko sa kanya.

" Ayaw ko. Wala naman bago kung magpapagupit ako dahil pangit parin naman ako." Nakangiti niyang wika. Parang hindi seneseryuso ang sinasabi ko.

" Seryuso ako." Kapagkuwan ay sabi ko.

" Seryuso rin ako baby. Ayaw ko magpagupit dahil okey na ganito ang itsura ko. Hindi naman basehan ang itsura diba? May issue kaba sa mukha ko?"

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot ng binata. " Wala. Minahal nga kita ng ganyan ang kalagayan mo ey. Tapos sasabihin mo na may issue ako. Sige wag kana magpagupit baka maging issue na naman 'to." Anito na nagsimula ng kumain.

Narinig kung huminga ng malalim si Raikko saka nagsalita. " Im sorry kung ma-issue ako, baby. Pwede bang wag na ako magpagupit? Wag kana magalit please?"

Bumaling ako sa kanya. " Hindi ako galit. Kumain kana at lalamig ang pagkain mo."

Hindi sumunod ang binata at sa halip ay hinanap ang kamay ko saka dinala sa mga labi niya. " Sorry, someday ay magpapagupit rin ako. Sa ngayun ay ayaw ko muna huh? I love you, baby." Malungkot siyang ngumiti sakin.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon