OREO 41

169 10 5
                                    

Chapter 41

AFTER KUNG MAIHATID SA MANSION SI Raikko ay umuwe naman ako ng bahay. Maaga akong nagsara ngayun dahil kunti lang ang bumibili sa tindahan ko. Actually ay maraming tao sa palengke pero kunti lang ang bumibili samin kaya naman naisipan kung maaga akong magsaranpara makakain pa kami ng binata sa karinderia bago siya umuwe ng bahay at para hindi na siya magluto. Nagluluto pa kasi ito pag-uwe ng bahay kaya naman inaya kona lang siyang kumain sa labas. Nakakaawa naman kasi, paano siya lang ang kakain mag-isa sa mansion. Kaya naman inaya kona lang siya. Mabuti at pumayag naman ang binata.

" Hi, ate." Nagulat ako ng salubungin ako ng yakap ni Hansel tapos ay bumulong sa tenga ko kaya kinabahan ako at natigilan.

" Ang ingay mo." Mariin ko namang sambit after ko siyang yakapin kasi nasa sala lang si Waffer habang nanunod ng TV pero ang tenga niyan ay parang may pakpak. Kaya naman kailangan kung mag-ingat ngayun.

" Sorry. Kumusta benta?" Pag-iiba niya ng usapan. Mabilis rin maka-gets si Hansel kasi matalino ang batang ito.

" Ayun matumal." Pagod na sabi ko saka naglakad patungo sa kusina para ilagay sa ref ang dinala kung gulay. " Hi, ma. Manong po." Inabot ko ang kanyang kamay para makapagmanong.

" Kaawaan ka ng diyos. Kamusta ang benta?" Anang ni mama sakin.

" Medyo matumal po ngayun ey." Tugon ko sa ina.

" Gano'n ba? Ganyan talaga ang buhay. Hindi palaging pasko." Aniya habang hinahalo ang niluluto nitong ulam. Ang ulam namin ngayun ay walang kamatayan na gulay. Palaging gulay ang ulam namin para daw humaba ang buhay. At dahil may kasama kaming maarte sa bahay ay nagluluto parin kami ng baboy o kaya manok saka isda. Hindi kasi nakain ng gulay ang bunso naming kapatid. Tanging kaming tatlo lang ang nakain. " Hayaan muna at kumain na lang tayo." Dagdag pa ni mama.

Ganito ang pananaw ni mama hindi siya nagagalit kapag matumal o kunti ang benta ko kasi naranasan 'din naman niya kung gaano minsan ang tumal sa palengke. Tama naman siya, hindi palaging pasko.

Kaya naman hindi ako natatakot umuwing kunti lang ang benta. Pero syempre kailangan kung makabenta ng marami para may pambayad kami sa bayaran at may panggastos sa araw araw kasi kung palaging ganito ay malulugi ang negosyo at wala kaming makukuhanan. Marami pa naman kaming utang ngayun na hindi pa nababayaran dahil sa pagkamatay ni papa. Ang dami kasing gastos no'n buhat ng ma-hospital si papa at mamatay. Kaya naman iniingatan namin ni mama hindi malugi ang tindahan kasi mamatay kami sa gutom. At baka hindi na makapag-aral ang kambal. Iyon pa naman ang iniiwasan ni mama dahil nangako siya kay papa na pagtatapusin niya ang kambal. Hindi na nga ako nakatapos tapos hindi matatapos ang kambal.

" Bawe na lang po ako bukas." Kapagkuwan ay sabi ko sa ina.

" Mabuti pa nga. Sige na at kakain na tayo." Maya-maya'y utos ni mama samin. Hindi sana ako kakain dahil busog na ako pero baka magtaka naman si mama kapag hindi ako kumain ngayun. Palatanong pa naman si mama, parang marites.

" Wow! Adobo." Masayang bigkas ni Hansel kasabay ng pagpapalakpak. Parang batang umasta, sabagay ay bata pa naman si Hansel. Batang isip.

" OA naman nito." Natatawa kung aniya.

" It's my favorite, ate. Not OA." Masungit naman na ani Hansel sakin.

" Wow! English."

" Tawagin na si Waffer." Utos ni Mama.

" Coming." Napalingon ako sa kapatid kung babae habang nagdudotdot sa cellphone.

" Madapa ka niyan." Sita ko sa nakakabatang kapatid.

" Im okey ate, thanks." Maarteng sabi ni Waffer saka naupo sa may hapagkainan.

Napailing naman ako saka naupo na rin sa tabi ni Hansel. Nakahanda na ang mga pagkain kaya naman naupo na kaming lahat. At bago kumain ay nagdasal muna si mama.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon