Oreo 17

527 17 11
                                    

🌼💮🌼

SIMULA NG AKSIDENTENG yun. Na hindi sinasadyang maglapat ang kanilang mga labi. Iniwasan ni Oreo si Kit Raikko. Hindi niya kasi alam kung paano pakiki-tunguhan ang lalake. Sa tuwing nakikita niya ito, hindi niya maiwasan maalala ang nangyaring halik sa loob ng taxi. At kapag naalala niya iyon. Awtomatikong namumula ang mga pisngi niya. At bumibilis ang tibok ng puso niya.

Lagi rin niya napapa-ginipan ang simpleng halik na yun. Minsan nagigising siya sa madaling araw dahil napapaginipan niya. Hindi niya alam, kung anong nangyayare sa kanya. Halik pa lang yun, peru ganoon na ang epekto ng lalake sa kanya.

Natigilan si Oreo ng may kumalabit sa kanya. Paglingon niya sa nangalabit sa kanya. Si Aaron Lang pala.

" Bakit?" Anang niya.

" May nabili. Okey ka lang Sexy?" Kapagkuwan ay tanong nito sa kanya na may pag alala.

Mabilis siyang tumango kay Aaron saka bumaling sa sinasabi nitong nabili. Napaawang ang mga labi niya. Nang makita kung sino ang bumibili. Masyado kasi siya pukos ang tingin niya kay Aaron. Kaya hindi niya napansin si Kit Raikko.

Napangiti naman si Kit Raikko nang mapansin siguro na nakatingin na siya dito. Ilang araw din niya hindi, pinansin ang lalake. Lagi ang Ina ang inuutusan niya. Kapag si Kit Raikko ang nabilis. Gumagawa talaga siya ng alibi. At todo iwas siya sa lalake para hindi ito makausap. Hindi niya kasi, kayang kausapin na hindi namumula ang pisngi niya. Saka ang bilis-bilis rin ng tibok ng puso niya. Parang laging nakikipag karera ang puso niya.

" Sexy, alis na ako." Narinig niyang paalam ni Aaron sa kanya.

Bumaling siya rito sabay tango. " Salamat."

" Wala yun." Tuluyan na itong umalis. Mukhang nag-mamadali si Aaron.

Silang dalawa na lang ang naiwan ni Kit Raikko. Gusto niyang iwan si Kit Raikko dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso niya. Parang may dagang nag-hahabulan sa dibdib niya. Peru hindi niya pwedeng gawin yun. Custumer niya ito, kabastusan naman kung iiwan niya ang lalake.

Bakit kasi wala siyang kasama ngayun? Edi sana, hindi niya ito kinakausap ngayun. Ang saklap naman kainis. Wala rin ang pag iwas niya ng ilang araw. Bakit kasi ni-rayuma na naman ang ina niya? Yan tuloy, kakausapin na niya ito. Bilib rin siya sa lalaking to eh. Laging bumibili sa kanila, porket maraming pera. Hmp.

Well. No choice na siya. Kelangan niyang pag bilhan ito, kung ano-man yun.

Tumikhim muna siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. At marahan na napa-buntong hininga. Bago niya kinausap ang lalaking nagpapa-gulo sa tahimik niyang puso.

" Ano sayo?"

" Iniiwasan mo ba ako?" Natigilan si Oreo sa tanong nito. Hindi niya inaasahan yun. Akala niya ay okey lang dito. Kaya nga siya pabalik-balik eh. Mas lalo siyang nagulat sa sunod nitong tanong.

" Alam mo bang na-miss na kita?"

Mabuti na lang ay wala siyang ibang custumer. At mahina lang ang pagkaka-sabi nito. Ngunit rinig na rinig niya ang mga yun. Nagwala na naman ang puso niya.

Tang ina. Aatakihin ako nito eh. Bakit ganito siya, magsalita?

Pinilit niya mag salita kahit hindi siya mapakali sa kinatatayuan. Hindi rin siya makatingin sa mga mata nito. Kahit bulag naman ang lalake.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon