Oreo 01

3.6K 47 9
                                    

Hey! Guys, new story again
Ahahaha..
Thank you sa mga sumubaybay.
Kina Julyo and Neneng.
Sana magustuhan niyo rin to,
Pangit man o hindi.
Salamat 😊

🌼🌼🌼

NANG MAKAUWE ng bahay si Oreo mula sa palengke. Nag-pahinga siya sa maliit nilang salas. Pagod na pagod siya ngayun araw na ito, dahil wala siyang kasama sa pagtitinda sa palengke. Inatake na naman ng rayuma ang ina, kaya hindi ito nakasama kanina.

May maliit silang tindahan sa palengke. Binili iyon ng yumao niyang ama para sa ina niya. Doon nila kinukuha ang kanilang panggastos sa bahay. May sarili rin silang maliit na bahay. Binili rin ng kanyang ama para sa kanila. Isa kasing OFW ang ama noon kaya nakapag-pundar ito ng bahay bago mamatay. Hindi na nila iniisip ang upa sa bahay saka sa palengke. Ang iniisip na lang nila ay ang pang-bayad sa mga kuryente at tubig. At ang pag-papaaral sa kambal. Na sina Hansel at Waffer. Gulat kayo no? Kwento ng Mama niya noon ay kaya mga biscuit ang kanilang pangalan ay mahilig daw ito dati sa biscuit. Saka sa pangalan na rin nito ay MARIE. Na kokorinihan siya dati peru NO CHOICE naman sila. Tinanggap na lang niya, sa dami ng pangalan na ibibigay sa kanila ay mga biscuit pa tsk.

By the way hindi na rin siya nag-aaral. Hindi niya natapos ang pag aaral ng mamatay ang ama. Dahil kelangan niyang tulungan ang ina sa pag-titinda sa palengke. May iniinda na kasi ito, saka matanda na rin ang ina. Ang mga kapatid naman niya ay hindi niya inuobliga tumulong sa palengke. Mga bata pa kasi sila, saka kelangan nilang mag-pukos sa pag-aaral.

" Kumusta sa palengke anak? Mabenta ba?"

Nagmulat ng mga mata si Oreo Saka napa-baling sa ina habang bumababa sa hagdanan mula sa taas ng bahay. Up and down ang kanilang tahanan. Pinagawa iyon ng ama noong nasa saudi pa ito. May tatlong kwarto sa taas at isang terrace. Isa para sa ina, isa para sakin at isa para sa kambal. Isa lang ang banyo nila at nasa kusina.

Nginitian niya ang ina. " Okey naman po Ma. Maraming custumer, kaya napagod po ako ngayun." Tugon niya sa ina.

Maraming custumer kanina. Kung kelan wala siyang kasama. Peru ayus na rin yon, atleast may kita siya. Kesa wala, saka sanay na siya kapag maraming custumer. May time naman na kunti lang ang custumer. Mga gulay ang kanilang mga paninda. At sa awa ng diyos ay nakakaraos kami sa araw araw.

Naupo sa tabi niya ang ina sa mahabang sofa. At hinaplos nito ang kanyang buhok.

" Kung ganun ay mag-pahinga kana muna sa taas. At ipapatawag na lang kita." Utos nito sa kanya habang hinahaplos parin ang buhok ni Oreo.

Umiling siya sa ina sabay ngiti rito." Okey lang po ako Ma. Dito na lang po ako."

" Sa taas kana, para makaunat ang katawan mo." Pamimilit sa kanya ng ina. Napaka-sweet talaga nito at maalalahanin pa.

Nakasandal kasi siya sa sandalan ng sofa. Habang nakaunat ang mga paa niya sa sahig.

" Ayoko Ma, tinatamad akong umakyat." Nakasimangot niyang tugon sa ina. At saka muli niyang pinikit ang mga mata.

Tinatamad siyang umakyat sa taas. At saka nag-text kanina si Amber kanina sa kanya. Nag-papasama, hindi niya alam kung saan sila pupunta. Payagana naman kaya siya ng ina? Kapag gabi na ay hindi na siya pinapayagan lumabas ng bahay. Mas lalo naging strikta noong namatay ang ama. Babae raw kasi siya at baka may mangyare sa kanya. Kahit kasama pa niya ang mga kaibigan.

" Oh siya. Ikaw ang bahala." Narinig niyang wika ng ina saka hinalikan siya sa buhok. Bago tumayo mula sa pag-kakaupo sa sofa. " Mag-luluto na ako." Paalam nito sa kanya. At iniwan na siya sa salas.

MR.SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon