Chapter 29
KINABUKASAN pinuntahan ko si Raikko sa kanyang tahanan bago ako magbukas ng tindahan. Hindi kasi ako mapakali dahil hindi kami okey kagabi.
Mabuti na lang ay hindi ko kasama si Mama ngayun dahil inatake na naman ang rayuma nito.
Mabilis akong umakyat sa bakod dahil naka-lock ang gate. Hindi naman ako mapapansin dahil wala naman masyadong dumadaan na tao sa lugar na 'yun.
Nang makababa ay agad akong tumakbo patungo sa pinto ng bahay ni Raikko. Pero napasimangot din ako dahil nakalock ang pinto. Paano ako neto makakapasok sa loob?
Hindi ako nawalan ng pag-asa at baka may bukas na pintuan patungo sa loob ng bahay. Umikot ako patungo sa likod bahay at baka nakaligtaan ni Raikko ang pintuan ng kusina. Pero kagaya sa harap ng bahay ay naka-lock din ang pintuan sa kusina.
" Ano ba 'yan! Pa'no ako nento makakapasok?" Kapagkuwan ay maktol ko sabay padyak ng paa.
Bumalik ako sa harap ng bahay saka nag-isip ng paraan kung pa'no makakapasok sa loob ng bahay. Kung aantayin ko pang magising si Raikko ay baka abutin siya ng siyam-siyam dahil magbubukas pa ako ng tindahan.
Palakad-lakad ako sa tapat ng pinto ng bahay ni Raikko dahil nag-iisip ako ng paraan. Nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang lalaking mahal ko.
" May tao ba diyan?" Kunot-nuo na tanong ni Raikko.
Ako naman ay hindi agad nakapag-salita at naumid ang aking dila. Natulala at nakapatitig na lang ako sa binata.
" Ano? Hindi kaba magsasalita? Gusto mo palapa kita sa aso ko?"
Nagulat naman si Oreo at kaagad na nagsalita ng marinig na ipapalapa ako sa aso.
" Ako 'to."
" Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon na tanong ni Raikko sa kanya. Wala ang sigla nito at saya sa mga mata.
" Nag-aalala kasi ako sayo eh, kaya pumunta ako." Sabi ko sa mahinang boses habang nakatingin sa binata.
" Okey ako, makakaalis kana." Wala paring emosyon na sabi nito.
" Ganun na lang 'yun?" Masama ang loob na sabi ko dahil nasaktan ako sa pagtataboy niya.
" Diba magagalit mama mo? Pwes! Wag kana pumunta dito." Sabi ni Raikko na mas lalong nagpasakit sa puso ko. At hindi ko rin naiwasan mapaluha.
" Kaya kung ako sayo ay layuan muna ko. Naiintindihan ko dahil sa ganito ako, kaya ayaw mo'ko ipakilala sa pamilya mo. Hindi naman magwowork ang relasyon natin kaya itigil na natin 'to."
Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay pipiyok ako. Kaya naman ay pinakalma ko muna ang aking sarili para hindi malaman ng binata na umiiyak ako.
Makalipas ng ilang segundo ay saka lang ako nagsalita ng mapakalma kona ang sarili ko.
" Hindi kita kinakahiya kung 'yan ang nasa isip mo." Panimula ko sabay lunok. "Sinabi ko naman sayo na bigyan mo'ko ng time para masabi ko sa pamilya ko about satin. Hindi ito madali sakin dahil hindi ka kilala ng pamilya ko, nang maging tayo. Pero kung 'yan ang gusto mo." Tumigil muna ako saglit sa pagsasalita dahil pakiramdam ko ay pipiyok na naman ako. Kapagkuwan ay bumuntong hininga ako sabay buga at pinahid ang mga luhang bumagsak sa pisngi ko.
" Pero kung 'yan ang gusto mo? Sige.." Mahina ako napahikbi dahil ang sakit-sakit. " Siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa kasi ang dali mo sumuko. Sige na bye." Mabilis na akong nagpaalam dahil baka pumalahaw na ako ng iyak sa harapan niya.
Kung ayaw na niya sakin, bahala siya. Siguro hindi niya ako ganun kamahal dahil kung mahal niya ako ay hindi siya susuko ng ganun lang.
Kahit masama ang pakiramdam ni Oreo at masakit ang puso. Nakabalik ako sa tindahan na hindi umiiyak. Pinipigilan ko talagang umiyak kahit gustong-gusto ng tumulo ng mga luha ko sa mga mata at sumasakit na din lalamunan ko. Ayaw ko kasi makatawag ng pansin saka baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita nilang namamaga ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
MR.SUNGIT
عاطفيةDahil sa kalokohan ng kaibigan ni OREO na si Amber ay makilala niya ang isang bulag na lalake. Na tinawag niyang TATALINO. Paano ba naman ay ang haba ng buhok nito, saka ang haba din ng mga balbas. So kaya natawag ko siyang TATALINO. At diko rin mah...