Prolouge

22.1K 353 25
                                    

Prolouge

NERD.

Yan ako. Oh! I mean mukhang nerd. Di ako yung tipong aral ng aral at walang ibang inatupag kundi mag-aral. Nerd lang ang ibinansag saakin dahil sa anyo ko. Yung anyo ko ay katulad na katulad ng mga tipikal na nerd na mababasa niyo sa mga fictional stories.

Kung tutuusin sobrang pare-pareho kami ng mga totoong nerd e. Nerd na inaapi. Nerd na kinukutya. Nerd na pinandidirihan. Nerd na laging kinakawawa. Ano pa ba kasi ang role ng isang nerd? Diba lagi nalang kawawa? Laging kinukutya, laging jinajudge.

Pero, may isa akong ikinaiba sakanila. At yun ay ang pagiging palaban. Sila nagpapaapi, ako hindi. Lumalaban ako lalo na kung alam kong nasa tama ako. Ba't naman kasi ako magpapaapi kung wala naman akong ginagawang masama?

Pero kahit palaban ako, Nagsasawa at napapagod na din ako. Napakahirap kayang api-apihin ka. Ang sakit sakit kayang sabihan ka ng kung anu anong masasakit na bagay.

Buti nga sa kabila ng kapangitan at ganitong sitwasyon ko nagkaroon ako ng kaibigan, at yun ay si Joshter. Masaya na 'ko kahit iisa lang siya. Atleast may kaibigan diba?

Pero bakit ganun? Kahit may kaibigan na ako, hindi padin ako makuntento. Sabagay, sawang sawa na ako sa ginagawa nila saakin. Lagi nalang nilang ginagawang impyerno ang buhay ko sa pamamagitan ng panghuhusga na may kasamang kaunting pananakit physically.

Pero alam niyo ba mas naging impyerno pa ang buhay ko? Impyerno na nga, mas naging impyerno pa. Nakakabaliw hindi ba? Bakit ba kasi siya ang minahal ko? Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?!

Mahal ko siya, Sobrang mahal. Mahal ko siya na higit pa sa buhay ko. Naging kami naman pero minahal niya ba 'ko tulad ng pagmamahal ko sakanya?

Hindi. Sinaktan niya lang ako. Pinaglaruan niya 'ko.

Nais 'kong maghiganti pero ano ba ang dapat kong gawin?

Should this Nerdy Girl change herself and be a Campus Princess ?

------------------------------------------

[A/N: Wahaha! Wala! Corny padin! XD Pero babawi nalang ako sa pinakanilalaman ng istorya XD This story might be soooooooooooooooooooooooo cliche (mahabang so kasi sobrang mainstream na ito) but but...Wala lang. Sige. Enjoy reading XD]

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon