Lianne's POV
On the way na kami papunta sa Airport. Kinakabahan ako na hindi ko malaman pero keri na din. Atleast makikita ko na yung mga relatives ko doon pati narin ang bestfriend cousins ko na si Hyejin at Se Jin. Namiss ko narin ang pagtuturo ko ng tagalog sa dalawa. I'm sure fluent na sila magtagalog.
Nagpromise kasi sila saakin na magaaral sila ng tagalog kahit wala ako sa Korea at sa oras na bumalik ako dun, fluent na sila. Siguro naman tinupad nila ang promise nila saakin diba? Ano ba yan excited na excited na ako na hindi ko malaman.
"Lianne-ah" lumingon ako kay appa. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya pabalik. Hinaplos haplos niya ang buhok ko.
"I know it hurts but sweetie, please stay strong." Tumango lang ako sakanya bilang sagot. Yeah. Alam ni appa yung tungkol saamin nung damuhong Ivan na iyon. Nung unang beses niyang nalaman nagalit siya ng sobra. Tapos nung nalaman niya na anak si Ivan ni Isaac Reyes, binalak ni appa na bawiin ang perang iniinvest niya sa company nila Ivan at hindi na kailanman magiinvest sa kompanyang iyon.
Pinigilan naman namin ni Mommy si Appa at buti napigilan namin. Wala naman kasing kasalanan yung daddy ni Ivan doon kaya labas siya. Hindi siya involve sa nangyari saamin ni Ivan. Wala siyang alam sa kagaguhan na ginawa ng anak niya.
Sheez! Ayan nanaman ang sakit. Tuwing nasasagi sa isip ko si Ivan. Nagfaflashback saakin lahat ng memories at bumabalik lahat ng sakit.
Ivan's POV
"Malayo pa ba?" pagrereklamo ni Ayah. Papunta kasi kami ngayon kanila Lianne. Sasabihin ko na ang totoo maniwala man siya o hindi. Hindi naman masamang subukan diba? Wala namang mawawala saakin. Actually, di ko na sana sasabihin kung hindi lang ako kinagat nitong baliw na katabi ko.
Oo. Kinagat niya ko sa braso. May lahing asong ulol yata tong si Ayah. Ang sakit mangagat. Kung anong nangyari? Ganito kasi yun...
[Flashback]
Andito kami ni Ayah sa music room namin. Nakaupo lang ako habang si Ayah naman ay paulit ulit na nakanta. Feel na feel pa niya ang pagkanta na para bang may pinaghuhugutan sa pagkanta. Siguro nga may pinaghuhugutan.
Noona natapos ang last na kanta niya, nagulat ako ng bigla siyang lumapit saakin at inapakan ang kaliwang paa ko.
"Aray! Ano bang problema mo?!" sabi ko habang hawak ko ang kaliwang paa kong inapan niya. Lakas talaga ng topak ng babaeng to.
"Hoy Ikaw! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin kay Lianne yung totoo? Ha!?" sabi niya habang nakalagay sa bewang niya ang kanang kamay niya habang ginagamit naman niya panduro saakin ang kaliwang kamay niya.
"Ehh Kasi nga di siya maniniwala. Tska baka nananahimik na siguro yun. Guguluhin ko pa ba?" sabi ko sabay tingin sa ibang direksyon. Baka tahimik na siyang namumuhay tapos bigla akong susulpot bilang panggulo. Parang hindi naman tama diba?
"Eh? Sabihin mo na kasi. Para mag'kaayos na kayo!" sabi niya habang nagpapadyak na parang bata sa harapan ko. Napafacepalm nalang ako sa pinaggagagawa niya.
"Ayoko nga! Ayoko na siyang guluhin. Tska ayaw mo nun? May Chance ka ulit sakin?" sabi ko sakanya sabay ngiti ng nakakaloko. Nagulat ako ng bigla niya akong pinektusan. Tsk tsk. Malala na tong babaeng to.
"BUANG! Ano ba yang pinagsasasabi mo ha!? Gusto mong ipalapa kita sa sampung leon?! Di na ba talaga magbabago yung isip mo?!" Ang kulit talaga ng lahi nitong babaeng to. Kung si Jeremy lang to malamang nasapak ko na to. Kaso hindi e.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)
RandomSTATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil di ko pa tapos iedit. Huu. Sinisimulan ko palang iedit yung nga naputol sa edited and may iilan akong binago kaya baka mashookt kayo bigla...