Chapter 4- Girlfriend?!

6.4K 151 11
                                    

//Lianne Zylene Shin' POV//

Andito ako ngayon sa cafeteria. Hinihintay ko lang si Ivan. Naorder kasi siya e. Treat niya daw ako. Peace offering daw dahil sa inasal niya nung nakaraan. Nahihiwagaan talaga ako sa isang yun kasi biglaan lang ang lahat. Bigla nalang naging mabait, bigla nalang ginustong maging kaibigan ko. Tapos crush pa tawag saakin. Parang abnoy.

Well, kaninang pagpasok namin dito sa cafeteria lahat ng babae nakatingin samin at halos lahat masasama ang tingin. Inggit ata ang mga kuhol saakin dahil kasama ko ang baby boy nila. Paano rin naman kasi hindi magagalit e parang last time inaaway-away ko tas ngayon sasama ako sakanya. Toinks.

Habang ako ay namomonologue dito, biglang may kulangot na lumapit saakin.

"Well well well nerdy booger. Bakit mo kasama si Ivan myloves ha?!" Ayan nanaman siya sa pang-aaway niya. Tss. Sabi nila Campus Princess daw to. Dapat Campus Bitch. Pero pwede ding Queen Bitch. It suits her.

"Ask him. Siya ang nag-aya. Hindi ako." sabi ko sabay irap sakanya. Kung si Ivan nagbago, feeling ko tong babaitang to never na magbabago. Ito na ang pepeste sa buhay ko.

"Oh. Wow! Pagkatapos mo siyang away-awayin, tapos ngayong ililibre ka ang bait bait mo. Such a bitch! Santa Santita ka pala." sabi niya habang nakacrossed arms. Ano raw? Wow mamsh. Santa-Santita raw ako? Galing talaga manghusga ng isang to. Daming say pero pag nandiyan si Ivan nagpipilit magmukhang anghel. Siraulo!

"Excuse me? Wala kang karapatan yurakan ang buo kong pagkatao! Oo na, nerdy na ako. Panget na ako. Pero wala ka paring karapatan api-apihin ako ati noh. Maganda ka nga pero ansama naman ng ugali mo! Makuntento ka na sa pagkabanli mo bukas. Baka ngayon pakuluin na kita." Nakakapuno talaga tong babaeng to. Wala sa lugar lagi ang mga banat at pang-aaway. Akala mo naman kaaway ang buong mundo kaya nang-aaway lang ng basta-basta. Reyna-reynahan pa.

"You don't have the rights to tell me that!" galit na galit niyang sabi at akmang sasampalin na naman niya ko. Pumikit ako bilang handa sa pagsampal niya sakin dahil alam kong malakas na naman to at mamamanhid na naman mukha ko. Ilang segundo na akong nakapikit pero wala paring kamay ang nadampi sa pisngi ko.

"Ivan?" narinig kong sabi ni Athena. Dumilat ako at nakita kong hawak hawak ni Ivan ang kamay ni Athena na ipangsasampal sana niya saakin.

"Wala kang karapatang sampalin ang girlfriend ko!" Huwaaaaat?! Girlfriend?! Gag Show ba to? Asan na ang camera? Pakita niyo na sakin yug camera dalii! Wow mali!

"Girlfriend?!" sabi ni Athena habang nakakunot ang noo. Jusme! Anong kalokohan ba to? Ano bang pumasok sa kukote nito ni Ivan at sinabi niyang gerlpren niya ko? Hindi ba siya nadidiri? Kasi ako nasusuka na.

"Oo. Kaya stay away from her!" Shabu pa Ivan! Marijuana gusto mo din? E Opium? Ecstacy? Baka naman tawas ang bet mo?!

"Fine." inis na sabi ni Athena sabay walkout. Sumunod naman sakanya ang buntot niyang bespren.

"Okay ka lang?" tumango lang ako sakanya. Wala namang masamang nangyari saakin.

"Ah. Salamat pala." Ano ba kasi meron ngayon? Nahihilo na ko sa mga nangyayari. Nagsisisi ba talaga to o nahocus pocus lang?

"No Problem." ngiting ngiting sabi niya. Binigay na niya sakin ang binili niyang pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Bakit mo nga pala sinabing girlfriend mo ako?" Out of the blue kong tanong sakanya. Nakakaloka naman kasi yun. Sumasakit na ang bangs ko sa kakaisip kung bakit niya sinabi yun.

"Para lumayo agad sayo at diba sinabi ko sayo crush kita." Nagwink siya sakin sabay kagay dun sa sandwich niya. Natulala naman ako sa sinabi niya. Jusmiyo. Crush crush na naman!

//Athena Ada Zalsedo's POV// (Short POV)

"Omygee Yellie! I think I wanna puke! That nerdy booger is Ivan's girlfriend?! Naaaah! That's so unbelievable." I can't believe na yung nerd na yun ay girlfriend ni Ivan. And bakit parang ang fast naman? Dati magkaaway lang sila tapos ngayon maggirlfriend boyfriend na?! What the heck! Ginayuma ba ng nerdy na yun ang baby love ko?! Yuck. Kung ganun, I should find an antidote na para mawala yung bisa ng gayuma. Ewww.

"Don't Worry Athena. Makakabawi at makakaganti ka din sa nerd na yan! I know you Athena! No one can defeat you." Yeah! That's why I love my bestfriend. Alam na alam niya ang totoo. Tss.

Humanda ka saking Nerdy booger ka!

Gagantihan kitang gaga ka!

//Ayah Mikaella Lisanin's POV//

Miss na miss ko na si Ivan. Kamusta na kaya siya? Mahigit 3 years na kaming hindi nagkikita simula nang mag-migrate kami dito sa Korea. Grade 9 palang kami nung magkahiwalay kami. Mahal na mahal ko siya hanggang ngayon. Mahal padin kaya niya ako?

Oo nga pala, Ka M.U ako ni Ivan . Mula nung Grade 7 palang kami. Then noong Grade 9 nag-migrate kami ng family ko dito. Ayaw kong iwan si Ivan pero kailangan kong sundin sila Mommy para sa ikabubuti ko rin naman yun. Nagalit si Ivan sakin noon,dahil hindi daw ako gumawa ng paraan para hindi ako umalis. Hindi ko raw siya pinaglaban at baka may iba pa raw dahilan ang pag-alis ko. Nagalit din ako sa sarili ko nun pero na-realize ko na kailangan ko din ito.

Galit padin kaya siya sakin? Hindi ko na alam ang mangyayari sakin kung galit parin siya. Bakit kasi ganito ang nangyayari sakin? Pinaparusahan na ba ako? Pero hindi naman ako naging masama kaninuman, except kay Athena. Ay.. bahala na!

Babalik na ako next month sa Pilipinas. Sana hindi na galit sakin si Ivan. Sana mahal parin niya ako.

Ivan, I missed you so much. Wait for me.

*********

A/N: Cliche? Oo na oo na. Cliche na. Hayst. Wala na kong maisip e. Yae na. Basta ang mahalaga di na masiyadong jeje. Puahahahhaha!

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon