Chapter 3- Miracle?

6.6K 162 15
                                    

// Lianne Zylene Shin's POV //

"Ang weird nga e. Nung umaga nilagnat ako tapos pagdating ng hapon wala. Astig diba?" sabi ni Joshter na manghang-mangha sa mabilisang lagnat niya. Absent kasi siya kahapon kaya di rin niya alam yung nangyari saaking nakakabadtrip. Nastress ako sa Athena na yun. Di ko alam kung jowa siya nung lalaking hambog o nagf-feeling jowa lang.

"Kung pumasok ka lang nung nawala na lagnat mo, nakapanood ka na sana ng sampalan at buhusan ng mainit na kape." sabi ko sakanya. Nako talaga! Hindi ko malilimutan yung Athena na yun. Shookt siya na lumaban ako e. Akala niya katulad ako nung mga nerd na alam nila na nagpapaapi. Eh hindi naman kasi ako nerd e! Ano lang nerdy lang sa hitsura.

Oo, palabasa rin ako ng libro pero hindi naman ako yung to the point na halos isubsob ko na mukha ko sa libro at puro aral nalang ginagawa ko. Ni hindi nga ako gaano ka-shy type?!

Binabansagan lang naman akong nerd or nerdy dahil lang sa hitsura ko. Let's talk about stereotypes nga naman ano po. May salamin at brace lang nerd na agad? At bakit kaya pag nerdy ang hitsura equals to panget agad? Pero sabagay ako pangit naman talaga ako. Pimples palang palong-palo na e!

"May riot kahapon?" Kunot-noong sabi niya saakin. Natawa lang ako sa sinabi niya dahil clueless talaga siya. Kalat na sa buong campus yung kapangasahan ko raw dun sa Athena na yun, pero heto si Joshter walang alam. Buti pa siya di chismoso!

"Bro, I received a wonder slap from a bitchy girl named Athena dahil lang sa inaway ko yung hambog na lalaki noong first day. Dalawang buwan na yun bro, di makamoved on?" Inis na inis parin ako sa boogie girl na yon. Balak pa kong banlian ng mainit na kape?! Buti nalang naging alerto ako kaya siya yung napaso. Nako kung ibang tao to, makokonsensya ako kaso siya naman nagsimula. She fueled my fire. Charot!

"Baliw. Tuwing nakakasalamuha mo si Ivan, kung hindi ka nagmmake face pag nagrrecite siya, binabackstabb mo. Pag nagkausap pa kayo lagi ka kayong galit dalawa. Ngayon lang ata nakarating kay Athena na feeling girlfriend." Ahh.. Oo nga pala. Eh nakakainis din naman kasi yung Ivan na yun e. Di ko makita sa kahit kasuluk-sulukan ng katawan niya ang kabaitan. Pati yung ibang estudyante rito. Porket mga mayayaman nang-mamata na, mga chismosa pa! Sino kaya nagpaabot kay Athena nung ginagawa ko? Pinahamak ako!

"Feeling girlfriend lang pala. Hindi legit tapos kung makaasta akala naman sinakal ko na yung kinababaliwan niyang ubod ng sama ng budhi!" Mga ilang araw pa ata bago maghupa yung inis ko. Pero huhupa lang ito if and only if hindi na ako guluhin pa ng kulangot na yun!

"Grabe ka naman sa ubod ng sama ng budhi. Mabait yun dati, wag lang talaga mababadtrip. Kaso nung iniwan ng ex, parang nagalit na sa mundo." Arte naman nun?! Iniwan lang akala mo naman tinanggalan na ng vital organ. Siguro dun sa babae niya lang inikot ang buong mundo niya kaya nagkaganyan siya. Andami-daming babae, akala mo naman mauubusan!

"Ay Lianne may klase na pala ako. Mamaya ka pang 9 diba? Ikot-ikot ka muna dito. Babye!" Pagpapaalam saakin ni Josh. Kumaway kami sa isa't isa saka siya umalis. Ang aga ko naman kasi pumasok ngayon. 9 pa klase ko pero 7 palang andito na ako. Di ko alam ang sumapi saakin kaya nagmaaga ako.

Tumayo na ako saka naglakad-lakad. Medyo nakabisado ko na ang buong campus kaya keri ko nang maggala nang hindi naliligaw. Habang naglalakad, napadpad ako sa isang music room. Hindi nakasara ang pinto kaya pumasok ako sa loob.

Kumpleto lahat ng instruments dito. Mapa-string or wind instruments. Kahit yung mga drums. Syempre hindi rin mawawala ang paborito kong piano.

Lumapit ako sa piano at umupo sa harapan nito. Nakakamiss pala tumugtog ng piano. Dalawang taon na kasi akong di nakatugtog dahil mas nahumaling na ako sa calligraphy bilang pampalipas oras.

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon