Ivan Lance Reyes' POV
"I-Ivan... A-anong nangyayari?" tumingin ako sa direksyon ng nagsalita at otomatikong natabig ko ang kamay ni Ayah.
"Lianne..." Pangalan lang niya ang katanging tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sakanya ang lahat ng ito. Hindi niya alam ang past ko kaya hindi niya kilala si Ayah. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat.
Nakita kong tumayo si Ayah mula sa pagkakaluhod at humarap siya kay Lianne. Tumingin siya saakin.
"S-sino siya?" utal na utal na tanong ni Lianne habang tinuturo niya si Ayah. Paano ko ba dapat simulan ang lahat ng ito? Si Ayah yung taong minahal ko noon na iniwan ako? Si Ayah ang babaeng pinaglaban ko pero hindi ako pinaglaban?
"Omygee! Ayah is back! Tama yan! Hindi kasi bagay si Lianne at fafa Ivan! Sana magkabalikan na sila at I'm very very sure na click talaga sila." Otomatikong nasigawan ko ang mga babaeng chismosa na nakatigil malapit saamin. Agad naman silang nagpulasan palayo. Nammroblema na nga ako kung paano sosolusyonan ang problemang to, dadagdag pa sila.
"Lianne, let me explain." Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. Nakatingin lang siya saakin at hinihintay ang pagpapaliwanag ko kung sino si Ayah at kung ano ang meron sakanya.
"Si Ayah.... Dati ko siyang ka-M.U pero matagal nang tapos ang lahat saamin pagkatapos niya akong iwan. Wala nang namamagitan saamin. Wag mong isiping niloloko kita dahil hindi. Ikaw ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko." Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Nanghina ako nang may makitang luha na pumatak mula sa mga mata niya. Pinunasan ko ito gamit ang hinlalaki ko ngunit walang tigil ang luha niya. Ramdam ko narin ang pag-init ng mata ko na tila may mga luhang nagbabadyang tumulo mula rito.
"N-naniniwala ako sayo pero... Sorry. Kailangan ko munang mapag-isa." sabi niya at bigla nalang tumakbo palayo saamin. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin, ni pag-lingon man lang ay hindi niya ginawa. Lumingon ako kay Ayah at patuloy parin ang pag-iyak niya.
"IT'S ALL YOUR FAULT!" Sigaw ko sakanya. Napaatras siya sa gulat pero mas lumakas ang pag-iyak niya. Kita ko sakaniya ngayon ang pagiging miserable pero kung miserable siya, mas miserable ako.
"Pag nawala si Lianne saakin nang dahil sayo, pagsisisihan mo nang husto na bumalik ka pa sa buhay ko." Tumalikod na ako sakanya at tuluyan nang umalis. Damn it! Ayokong mawala si Lianne saakin.
//Ayah Mikaella Lisanin's POV//
Sobrang sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Nanghihina ako. Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon.
Kung hindi ko ba iniwan si Ivan noon, hindi ba mangyayari to? Kung hindi ba ako bumalik, magiging masaya na siya nang lubos? Kasalanan ko ba talaga ang lahat ng ito? Napakarami kong katanungan sa sarili ko na hindi ko alam kung paano masasagot.
Napaupo na lamang ako sa bench na kaninang kinauupuan ni Ivan nang makita ko siya. Hirap na hirap na ako. Siguro nga kasalanan ko ang lahat ng to.
"Pikuning baboy oh." Nakita kong parang may iniaabot na panyo saakin ang taong kung sino man ang nasa harapan ko. Tumingala ako nang makita kong si Joshter ito at bigla akong napayakap sakanya. Alam kong hindi kami ganun magkasundo ni Joshter noong high school kami pero minsan ko narin siyang naging mabuting kaibigan, lalo na noong aalis na ako papuntang Korea. Siya ang nagcomfort at dumamay saakin kaya minsa'y pinagbintangan siya ni Ivan na bago kong mahal at kasama siya sa pag-alis ko para malaya raw kaming magmahalan.
Hinimas niya ang likuran ko bilang pag-aalo saakin. Kumalas na siya sa pagkakayakap at siya na ang nagpunas ng mga luhang kumakawala.
"Sungit.." Pagtawag ko sakaniya. Natawa nalang siya sa tawag ko sakaniya. Iyon ang tawag ko sakaniya noong high school palang kami dahil nga away buddies ang turing namin sa isa't isa.
"Alam ko na ang nangyari kanina. Ayah, magiging okay rin ang lahat. Siguro nga may bago na si Ivan at hindi kayo para sa isa't isa pero darating din yung panahon na magiging masaya ka. Maybe sa single blessed life o may darating na para sayo na better kaysa kay Ivan." Nakinig lang ako sa mga sinasabi ni Joshter pero di ko parin maiwasan maiyak. Ang sakit kasi e. Sobra ang galit saakin ni Ivan. Hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad. Siguro nga tama si Ivan na masiyado akong nakampante sa pagbabalik. Dapat pala inalam ko muna ang lahat sakaniya bago siya pinuntahan. Masiyado akong binulag ng hope. Kung inalam ko lang muna edi sana hindi magkakagulo nang ganito. Hindi masasaktan yung girlfriend niya, at hindi rin siya masasaktan.
"Paulit-ulit ko naring sinabi sayo na wala kang kasalanan sa pag-alis. Naging selfish at praning si Ivan noon. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Wag ka mag-alala, huhupa rin ang galit niya sayo soon. Mapapatawad ka pa niya. Everything happens for a reason, Ayah." Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Joshter. Hindi ko inaasahan na yung inaaway-away ko lang noon, e siya ang magpapagaan ng loob ko ngayong kinakailangan ko ng kausap.
"Kalimutan muna natin sa ngayon ang pagiging away buddies natin kaya, oh free hug." sabi niya saka inispread ang mga braso niya kaya niyakap ko agad siya nang mahigpit. Iyak lang ako nang iyak sa dibdib niya at hinihimas niya ang ang likuran ko bilang pag-aalo saakin.
"Wag ka na umiyak. Sige na may aayusin pa ako. Pag may kailangan ka hanapin mo lang ako." Kumalas na siya sa pagkakayakap saakin. Nagpaalam na kami sa isa't isa saka siya tuluyang umalis. Tumayo narin ako atsaka hinanap sila Jeremy at Nikko.
Kailangan ko silang makausap.
***
A/N: Hooray!
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)
RandomSTATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil di ko pa tapos iedit. Huu. Sinisimulan ko palang iedit yung nga naputol sa edited and may iilan akong binago kaya baka mashookt kayo bigla...