Ayah Mikaella Lisanin's POV
Sino kaya yung kaya yung kausap ni Ivan kanina? I heard may gusto daw yun kay Athena? Seriously? May magkakagusto pala sa maarteng bisugo na yun. Tsk tsk. Walang taste si kuya. Kinulbit ko si Joshter para magtanong at agad naman siyang lumingon saakin.
"Sino yung kausap ni Ivan kanina?" Pagtatanong ko sakanya. Agad namang kumunot ang noo niya na para bang ang init init ng ulo niya ngayon.
"Dati mong ka-M.U si Ivan pero di mo kilala pinsan niya? Ano ba yan." Irita niyang sabi saakin. Medyo nainis din ako dahil nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin niya na irita. Bumabalik na naman sa dati tong sungit na to. Akala ko bati na kami e. Mag-kaaway parin pala.
"Eh sa hindi ko kilala e. Pasensya ka na po ha? Kilala mo kasi lahat." Pagtataray ko sakaniya. Pasalamat siya wala pa ko sa mood makipagaway nang todo kundi di lang yan ang masasabi ko sakaniya. Nako! Ang init init kasi ng ulo. Nakakahawa tuloy.
Hinayaan ko nalang siya at saka nagsearch nalang ng pictures ni Eric Nam because why not? Crush na crush ko talaga to! Grabe nung bago lang ako sa Korea di ko gusto ang Kpop pero nung nakita ko si Eric Nam noong pumasyal kami sa Seoul at sinama ako sa recording ng KBS Music Bank nako naging super fan na ako. Magaganda rin naman pala ang mga kanta nila at masiyado lang akong naging judgmental. Pero pinakapaborito ko talaga si Eric Nam! Alam ko napakaraming gwapo sa larangan ng kpop pero sheez siya ang nakapukaw sa puso ko.
Napatili ako sa saya nang makita kong napakaraming pictures and activities updates sa twitter yung mga fansite at fan accounts na tungkol kay Eric Nam. Grabe I'm so blessed na kahit may bwisit akong katabi, pinasaya naman ni Eric Nam ang araw ko. Kung pwede lang talaga maging jowa si Eric Nam. Huhuhu.
"Ang ingay naman. Parang tanga." Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Joshter. Wow. Pinagiinitan nga talaga ako ng damuhong to.
"Mas para kang tanga! Nang-aaway nang wala naman akong ginagawang masama sayo. Init ng ulo mo pangit ka!" Naiirita kong sabi sakaniya. Oo na, ako na pikon pero najijirits talaga ako sakaniya. Sasagot na sana siya pero tumili ako para hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya kasi alam kong iinsultuhin lang naman niya ako at for sure mapipikon lang din ako. Kajirits talaga.
Patuloy parin akong tumitili habang pilit siyang sumisigaw para marinig ko ang pangiinsulto niya saakin pero sadyang matining lang ang pag-tili ko kaya hindi ko narinig. Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan sa may kubong tinatambayan namin pero wala akong paki. Ang mahalaga di ko siya naririnig. Hah! In your face matandang hukluban a.k.a Joshter!
"SIRAULU!" "DEMUNYU!" Napatigil kami sa pagsigaw nang biglang sumigaw si Ivan ng "Siraulo" at sinegunduhan ni Jeremy ng pagsigaw ng "Demonyo". Nakatingin silang tatlo saamin at napatawa yung dalawa at naghigh five habang si Nikko as usual nakapoker face. Anla? Ano kaya yun??
"Oh edi nanahimik din sila. Nag-iisip ako dito tas biglang magsisigawan. Away nang away mamaya magkatuluyan kayo niyan." sabi ni Ivan. Nagpalitan naman kami ni Joshter ng matatalim na tingin. Hah! Di na ako magpapalinlang sa pagiging mabait niya saakin dahil ang totoo masama parin siya.
"Parang aso't pusa e. Kaysa mag-sigawan kayo bakit hindi nalang kayo mag-ligawan?" Natatawang sambit ni Jeremy. Agad akong napangiwi dahil sa sinabi niya. Yuck! Hinding hindi ko maiisipang maging lovelife si Joshter.
"NO WAY!" sabay naming sigaw ni Joshter. Tumawa lang yung dalawa dahil sa sinabi namin. Mga baliw! Okay lang na tumatawa si Ivan kasi atleast kahit papaano sumasaya siya pero si Jeremy? Ugh. Nakakaasar yung tawa niya kasi mapang-asar talaga. Huhu.
"Lah. Kahit si Ayah nalang ang natitirang babae sa mundo, hinding-hindi ko papatulan yang pikuning baboy na yan. Dibale nang mamatay akong single at virgin." Wow ang kapal ng mukha! Kahit din naman ko hinding hindi ko siya papatulan ano. Bukod sa nakakadiri, mamamatay ako sa bwisit sa lalaking to. Bakla nga yata siya e.
Magsasalita pa sana ako nang sinitsitan kami ni Nikko na para bang pinapatahimik kami. Hindi nalang ako nagsalita pa kasi si Nikko na yun na minsan lang magsalita o gumawa ng kahit anong ingay. Kung may sabihin man kasi siya, he really mean it. Hindi siya nagsasayang ng laway sa walang kwentang bagay kaya lahat ng sinasabi niya may sense! Naiingayan na nga yata talaga si Nikko. Sorry naman huhu
"Hindi pa tayo tapos. Magtutuos pa tayo." bulong ko kay Joshter pero hindi niya ako pinansin. Di talaga siya pumapalya sa pambbwisit saakin!
//Lianne Zylene Shin's POV//
"Couz mag-ready ka na para bukas. I'm sure lalabas yung totoong ganda mo at makakaganti ka sa animal na yon!" sabi ni Sejin saakin. Napabuntong hininga nalang ako dahil nagdadalawang-isip pa ako dun sa sinabi niyang maghiganti ako. Oo nasaktan niya ako pero may part saakin na ayaw ko siyang saktan. Ewan ko ba.
"Pwede namang mag-paganda lang diba para operation: maglaway ka! Kaso yung ganti? Wala namang nadudulot na maganda yung vengeance ano." Sumang-ayon ako kay Hyejin kasi tama naman siya. Pero parang inuusig din ako ng konsensya ko na kailangan ko rim iparamdam kay Ivan ang pinaranas niya saakin. Hindi ko na alam.
"Eh hindi mo kasi alam yung feeling na lokohin. Ang sakit kaya sa puso! Alam mo yung ginawa mo na lahat para sakaniya, pinasok mo na lahat ng interes niya. Ako nga ultimo pag-aaral ng Mandarin ginawa ko na! Tapos manloloko lang?! Nako yang mga manloloko na yan dapat sakalin hanggang sa maputol na hininga." Si Sejin talaga gigil na gigil. Galit na galit kasi talaga sa mga manloloko dahil sa nangyaring panloloko sakanya nung half Chinese na dayong ex niya. Jinowa lang pala siya para di mabore masiyado sa pagbabakasyon niya. Sabagay, sino ba naman kasi hindi magagalit sa mga katulad nila. Tama si Sejin. Lahat lahat gagawin mo para sakaniya tapos joke time lang pala relasyon niyo.
"Ay ewan ko sayo. Si Lianne ang tanungin natin dito. Sure ka na ba sa paghihiganti mo na yan?" sabi saakin ni Hyejin. Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Muli akong napabuntong hininga.
"Sure na sure na."
***
A/N: Nasasabaw na ako omg hahaa expext more kasabawan huhu srry and lobe y'all
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)
RandomSTATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil di ko pa tapos iedit. Huu. Sinisimulan ko palang iedit yung nga naputol sa edited and may iilan akong binago kaya baka mashookt kayo bigla...