Chapter 13 - Athena's Admirer

4.9K 129 4
                                    

Jacob Misael Espinosa's POV

I'm a boy who's inlove with someone who doesn't know my very own existence. She's so close yet so far. She's a Campus Princess, I'm just a commoner. Yes, I know I'm the Campus Prince's Cousin but I'm not popular as my cousin, Ivan Reyes.

Yes, he's my cousin and I know he's the love interest of my one and only love, Athena Zalsedo. Teka nga, bakit ba ako nage-English? Sa sobrang drama ko napapa-English tuloy ako. Lintik na pag-ibig naman kasi. Sa dinami-dami ng mamahalin, si Athena pa. The Campus Princess slash Campus Bitch.

Sabagay, wala namang pinipili ang pag-ibig. Since high school kami mahal ko na yang si Athena e. Di naman kami close pero nahulog ako sakanya. Ang mahika ng pag-ibig nga naman. Corny? Oo, corny talaga. Wala na tayong magagawa doon.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad. Habang ako'y naglalakad ay bigla akong napatigil nang makita ko si Athena na masayang nakikipagkwentuhan sa bestfriend niyang si Yellie. Gusto ko siyang lapitan na ayaw ko dahil sa natatakot ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Lumapit sakanya at subukang kausapin siya? O magpatuloy padin sa pagtatago ng nararamdaman ko?

Tangina. Lalapit na nga lang ako. Wala namang patutunguhan kung patuloy ako sa pagiging torpe ko. Dapat na akong umaksyon kesa maging huli pa ang lahat.

Huminga ako ng malalim at pumitas ng bulaklak na nakatanim doon. Alam kong bawal mamitas pero wala akong pakialam. Hindi naman nila malalaman kung walang magsusumbong diba? Inayos ko na ang sarili ko at agad na lumapit kay Athena.

"Hi Miss Athena" sabi ko sabay ngiti. Nginitian niya rin naman ako pabalik dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. "Ah eh. Para sayo" inabot ko na sakanya yung bulaklak at tinignan lang niya iyon. Nakita kong siniko siya nung bestfriend niyang si Yellie at kanya namang agad na kinuha yung bulaklak.

"Thank You. Uh...." mukhang hindi niya talaga ko kilala.

"Jacob Espinosa. Ivan Reyes' Cousin" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya para makipahshakehands. Napangiti naman siya na at kanyang kinuha ang kamay ko at nagshake hands kami.

"So, your my soon to be cousin in law pala. Hihi. So, Ivan is just nakipaki sayo na ibigay saakin ang flower na to?" Mukhang malakas talaga ang tama niya sa pinsan ko. Pareho lang naman kaming gwapo pero bakit puro si Ivan nalang.

"Hindi. Saakin mismo nanggaling yan. Ah kasi.. I-I like you. C-can I court you?" sabi ko sabay kamot sa batok ko. Hoo, Nakakahiya to pero ayoko na kasing magpakatorpe.

"Eh? I'm your cousin's girlfriend nga diba? So, bawal na" Bumuntong hininga na lang ako at tumalikod. Naglakad na ako palayo sakanila atsaka pinuntahan ang pinsan ko. Kailangan ko siyang kausapin tungkol dito. Sasabihin ko ang tungkol sa nararamdaman ko para sa girlfriend niya.

***

"HA?! Yung totoo Jacob? Sabog ka ba? Ako? Papatol sa Athena na yun? Alam mo namang ayaw ko sa mga conyo, sobrang maarte at bitch" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng pinsan ko. Akala ko talaga sila na. Dati pa kasi naga-assume yang si Athena.

"Oo nga naman Jacob. Di mo ba alam yung tungkol sa ex nito ni Ivan? Yung Koreana. Yung si Lianne Shin?" umiling ako kay Jeremy. Hindi na naman ako updated tungkol sakanila dahil nagpakabusy nga kasi ako.

"Nagpakabusy ako masiyado kaya di na ko updated. Ah, insan. Tutal hindi ka naman pala boyfriend ni Athena, pwede bang ilakad mo ako sakanya?" Nahihiya kong sabi. Halatang nagulat si insan sa sinabi ko pati narin yung mga kasama niya dito. Napatingin silang lahat saakin.

"Insan, sabog ka nga" sabi ni Ivan habang umiiling iling. Si Jeremy naman nakanganga, si Nikko poker face as usual , yung si Joshter nakakunot ang noo at yung babaeng nasa tabi ni Joshter (Pamilyar siya saakin pero hindi ko alam ang pangalan niya.) nakataas ang kilay.

"Makasabog ka naman. Basta tulungan mo ko ha?" Napangiti ako nang makita ko siyang tumango. "Ge insan. Poporma ulit ako" sabi ko sabay takbo paalis sa tambayan nila. Bumalik ako sa lugar kung nasaan sila Athena kanina at pagdating ko andoon parin sila. Lumapit ulit ako sakanila habang nakangiti. Umupo ako sa tabi ni Athena at ipinatong ang magkabilang braso ko sa may sandalan.

"Pwede naman pala ko manligaw e" sabi ko sabay ngiti at wink kay Athena. Agad namang napataas ang kilay ni Athena dahil sa sinabi ko.

"Alam ko na ang totoo. Hanggang ngayon padin pala, pantasya mo siya. Tsk tsk." Kumunot naman ang noo niya at binigyan ako ng what-are-you-talking-about look. Ngumiti lang ako sakanya.

"Hindi ako susuko sayo kahit ipagtulukan mo pa ako palayo. Nagsisimula palang ako" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad palayo. Hinding hindi ako susuko sayo Athena. Itaga mo pa sa abs ni Nichkhun hyung.

***

A/N: Sorry kung maikli. Huehuehue. Sabog ako ngayon layk Jacob :'(

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon