//Ayah Mikaella Lisanin's POV//
3 weeks na ang nakalilipas simula nang dumating ako dito sa Pilipinas. Nandito na ako sa S.H.U. at naglalamad-lakad para hanapin ang mga kakilala ko lalung-lalo na si Ivan. Pumunta ako rito, hindi lang para makita at makasama si Ivan kundi mag-enroll na rin this semester. Excited na akong makita si Ivan, kinakabahan na rin at the same time.
Di ako sigurado kung magiging masaya siya sa pagbabalik ko o mananaig parin ang galit niya saakin. Di ko maiwasang matakot dahil baka matanggap ko na naman ang mga masasakit na salita na sinabi niya saakin noon.
[Flashback]
Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko ngayong kaharap ko na ulit si Ivan upang sabihin na aalis na ako bukas. Wala pa man akong nasasabi, naiiyak na ako. Naninikip ang dibdib ko.
Naalala ko pa noong unang sinabi ko na magm-migrate namin, lumuhod siya sa harap ko at nagmakaawang wag na ako umalis, na gumawa ako ng paraan para magstay ako. Pero wala akong nagawa. Tinikom ko lang ang bibig ko dahil alam kong magagalit saakin nang husto ang mga magulang ko.
"Ayah, ano? Hindi ka na aalis diba? Pinaglaban mo ako kanila Tita. Magkakasama pa tayo sa completion next year hanggang sa graduation sa senior high!" Nakangiti at punong-puno nang pag-asa si Ivan habang sinasabi niya ang mga katagang yun na mas lalong ikinadurog ng puso ko. Paano ko ba sasabihin sayo, Ivan? Sobrang hirap na hirap na ako.
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay ni Ivan at di ko na napigilan pa ang mga luha kong kusang kumawala. Pakiramdam ko mauubusan na ako nang hininga sa sobrang bigat ng pakiramdam at pagsikip ng dibdib ko.
"Ivan. Sorry." Yun lang ang katangi-tanging nasabi ko. Nakayuko lamang ako. Ayaw kong tignan siya, ayaw kong makitang nasasaktan siya nang dahil saakin.
"Sabihin mo saakin, Ayah please. Hindi ka aalis diba?" Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pagcrack ng boses niya na animo'y may mga luha nang nagbabadyang tumulo mula sa mga mapupungay niyang mata.
"Sorry, aalis parin ako. Sorry, wala akong nagawa." Mas minabuti kong lakasan ang loob ko para masabi ko na. Mas mahirap kung aasa pa si Ivan na mananatili ako.
"Damn it!" Binitawan niya ang mga kamay ko at umatras palayo saakin. Nilagay niya ang kamay niya sa sentido niya at sarkastikong tumawa. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko ang mga luha niyang walang tigil nang tumutulo.
"Akala ko mahal mo ako, pero wala kang ginawa! Nangako ka na ipaglalaban mo ako. Nangako ka, Ayah! Umasa lang ako sa wala." Hindi ako makaimik sa mga sinasabi niya dahil tama naman siya. Ni isang aksyon, wala akong ginawa para lang hindi kami magkahiwalay.
"Baka naman may iba ka pang dahilan. May iba ka nang mahal na taga dun? O baka naman nagsasawa ka na saakin? Fuck. Wag mo na kong pagmukhaing tanga!" Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong linawin sakanya ang lahat pero wala nang boses na nalabas saakin. Tanging paghikbi lang ang kaya nitong pakawalan. Sobra na ang sakit na nararamdaman ko, para akong namamatay.
"Alam mo itigil na natin ang lahat ng katangahang ito. Magkalimutan na tayo. Kalimutan mo nang may Ivan na dumating sa buhay mo." Akmang aalis na siya, pero agad ko siyang hinabol at niyakap mula sa likod. Hindi parin ako makapagsalita. Pag-iyak nalang ata ang kaya kong gawin. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko dahilan para medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit parang pinunit ang puso ko nang mapagtanto kong hinawakan niya lang ito para tanggalin ang pagkakayakap ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)
RandomSTATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil di ko pa tapos iedit. Huu. Sinisimulan ko palang iedit yung nga naputol sa edited and may iilan akong binago kaya baka mashookt kayo bigla...