Chapter 8 - The Revelation

5.7K 157 9
                                    

Lianne Zylene Shin's POV

Tumingala ako at tinignan ang kalangitan kahit nakakasilaw. Ang hirap ng sitwasyon ko ano po? Bakit ganito ang kapalaran ko? Bakit ba sa dinami dami ng mga tao saakin pa napunta ang ganitong klaseng sitwasyon.

Gusto kong magparaya pero parang pinipigilan ako ng puso ko. Atsaka tama si Joshter, hindi dapat ako magpadalos dalos sa pagdedesisyon. Ayusin ko muna dapat ang lahat bago bumira. Baka kasi mali ang maging desisyon ko at magsisi pa ako. Mas mabuti na ang sigurado.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad na. Hinanap ko si Ayah at natagpuan ko siya sa garden at nakaupo sa may wishing well. Lalapit na sana ako sakanya pero napatigil ako nang makita ko si Jeremy at Nikko. Kausap niya ang mga ito.

Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng mga katagang dumurog sa puso ko.

"Wag kang magalala Ayah, malapit na niyang iwanan yung nerd na yun" Napakagat ako sa lower lip ko at tila nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig kong iyon. Iwanan? Anong ibig sabihin ni Jeremy dun?

"Iiwan? You mean, niloloko lang niya si Lianne?!" nakita kong dahan dahang tumango si Jeremy kay Ayah. Napapikit at at napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Ang mga luhang pinigilan ko kanina ay kusa ng tumulo.

Niloloko niya lang ako? Ano bang nagawa ko sakanya? Akala ko mahal niya ko. Pero bakit ganito? Bakit niya ko ginagago? Pinaglalaruan niya lang ba talaga ako? Dahil sa nerd ako? Dahil panget ako? Dahil hindi ako maayos manamit? Dahil hindi ako mahilig magsuklay?

Kahit pangit ako, tao din naman ako. Bakit kailangang lokohin at saktan ako?

"Ayah. Ikaw parin yata ang nasa puso niya. Malaki lang talaga ang galit niya sayo dahil sa iniwan mo siya kaya nga nagkaganyan siya. Kaya siya nakakapanloko ng tao" Gusto ko nang umalis dito pero hindi ko magawa. Patuloy lang ako sa pakikinig sa pinaguusapan nila kahit alam kong nasasaktan na ako.

"Lianne" tipid na sabi ni Nikko. Napatingin si Ayah at Jeremy sa gawi ko at halatang nagulat sila. Lumapit saakin si Ayah at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry Lianne. Dahil sa pang iiwan ko sakanya, nadamay ka" binawi ko ang kamay ko at pinunasan ang mga luha ko. Pero kahit na pinupunasan ko na ito at kahit anong pigil ko, patuloy padin siya sa pagtulo.

"Ayan na. Nalaman mo na ang totoo. Niloloko niya lang ako at ikaw padin ang laman ng puso niya." sabi ko sabay bigay ng pekeng ngiti sakanya. Tumingin ako sa mga kaibigan ni Ivan.

"Pakisabi sa gago niyong kaibigan, hindi na siya mahihirapan pa dahil ngayon palang, nakikipagbreak na ko at ayaw ko nang makita ang pagmumukha niya. Pakisabi narin, Mission Accomplished" Pinunasan ko ang mga luha ko at ibinalik ko ang tingin ko kay Ayah na ngayo'y umiiyak din.

"Happy now?" Tinalikuran ko na sila at nagsimula ng maglakad. Naramdaman kong may humawak sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad. Lumingon ako at nakita kong si Ayah iyon.

"No Lianne. I'm not happy" ngumiti ako muli ng peke sakanya at umiling.

"I'm not happy, too." binawi ko na ang pekeng ngiti ko at tinanggal na ang kamay niya sa braso ko. Pinunasan ko muna ang mga luha ko at nagsimula nang maglakad muli.

Habang ako ay naglalakad, nakasalubong ko si Ivan. Tatawagin niya sana ako nang lumihis ako ng daraanan. Naramdaman kong may sumusunod saakin at nakita ko siya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.

"Lianne. Iniiwasan mo ba ko? May nagawa ba kong mali? Bakit ka naiyak?" pupunasan sana niya ang mga luha ko nang tinabig ko ang kamay niya.Tumingin siya saakin at Yayakapin niya sana ako nang itinulak ko siya. Nagulat siya sa ginawa kong iyon.

Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon