// Lianne Zylene Shin's POV //
This is it. First day of school na at college na ko! Sheez. Nakasurvive ako ng highschool kahit ang tamad tamad ko. Sana naman masurvive ko din tong college dahil hindi pwedeng di ako makapasa at baka sa kangkungan lang ako pulutin. Di ko pwedeng sayangin ang tuition na babayaran ng mga magulang ko dahil ang mahal mahal niya. Sa dinami-dami kasi ng university sa siyudad, dito pa napili ng tatay ko. Di naman kasi ako ang nasusunod kaya no choice ako.
Naglalakad-lakad lang ako sa buong university para hanapin ang room ko. Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may sanga pala ng puno sa daraanan ko kaya nadapa ako. "Aruy!" pagdaing ko sa sakit. Chineck ko ang sarili ko at buti nalang wala akong sugat. Nagkapasa at nagkagasgas lang naman sa siko. Huhuhu.
"Oh tanga. Tss. Panget na nga lampa pa! Tumayo ka nga diyan. Harang ka sa daan." narinig kong sabi nig isang lalaki. Ano daw? Panget na nga lampa pa? Oo alam ko na yun pero kailangan ipamukha?!
"And so? Ikauunlad ba ng Pilipinas kapag ipinamukha mong lampa ako? Kung oo, edi wow congrats to you!" sabi ko sabay palakpak at saka kinuha ang gamit ko at tumayo. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad para hanapin yung pisting room. Nakakainis! Ang hangin nung lalaking yun. First day na first day at umagang-umaga ito agad ang bubungad saakin.
Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap ng room namin at sa wakas! Nahanap ko na din. Pumasok na ako sa room at lahat ng mata nila (Nah, hindi naman lahat. OA lang ako. Yung iba lang na halatang may uh.. ugali.) ay nakatingin saakin. Tinitignan nila ako from head to toe. Susme! Kahit saan ako magpunta, mayroon laging manglalait saakin.
Pumunta na ako dun sa bakanteng upuan sa likod na likod katabi ng bintana. Umupo na 'ko at inub-ob ko ang ulo ko sa desk. Kulang ako sa tulog!
Pagkatapos ng ilang minutong pagidlip, tumunghay na ako at sa di ko inaasahang pagkakataon ay biglang may tumama saaking bote ng yakult na may laman pa. Sapul na Sapul. Natapon pa yung yakult sa mukha ko. Nagtawanan ang mga kaklase ko at nagbulungan. Meron pang dalawang babae na nag-high five. Sila siguro yung nambato saakin nito.
Ano na naman ba ito?! Noong highschool, ginaganito ako. Pati ba namang ngayong college? Jusko, ang iimmature ng mga tao! Kasalanan ko ba kung nakakatamad magsuklay?! Kasalanan ko bang sungki ngipin ko? Kasalanan ko bang malabo na mata ko? Jusme. Sige na sila na maganda!
"Ate oh." narinig kong sabi ng katabi ko. Tumingin ako sakanya at inaabot niya saakin yung panyo niya. Kinuha ko naman at ipinunas saaking pagmumukhang malagkit na dahil sa yakult.
"Pagpasensyahan mo na 'yang mga yan ah? Ganyan talaga sila since highschool." sabi ni kuya sabay smile sakin. Tumango lang ako atsaka ngumiti pabalik sakanya.
"Ayos lang. Sus. Sanay na din naman ako sa ganito." sabi ko habang pinupunasan ko ang mukha ko. Pinupunasan ko padin kahit ayos na kasi ambango ng panyo e! Dinadama ko pa yung amoy! Amoy mamahaling pabango e. Nakakaadik yung amoy. :(
"Sure ka? Well, I'm Joshter. Joshter Simon Dimaguiba" sabi niya sabay abot ng kamay niya saakin.
"Lianne. Lianne Zylene Shin." Kinuha ko kamay niya at nakipagshakehands sakanya. In fairness ang lambot ng kamay niya at halatang kutis mayaman. Chos! Ano na naman ba sumapi sakin?
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na ang prof namin at kung ano anong ekek ang pinagsasabi niya saka siya nagdiscuss tungkol sa lesson namin ngayon na masakit sa ulo.
***
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at inayos na ang gamit kong nakakalat. College na ako pero eto padin ako. Parang elementary na laging pakalat-kalat ang gamit. Pero dahil lilipat kami ng classroom at may ibang gagamit nito, maglilinis ako! Nakakahiya naman sa susunod na gagamit at para makakain narin ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Girl is Now Campus Princess?! (Under Construction)
RandomSTATUS: Under Construction/Revising/Editing WARNING: Update as of Dec, 2017. Don't read this yet parin dahil di ko pa tapos iedit. Huu. Sinisimulan ko palang iedit yung nga naputol sa edited and may iilan akong binago kaya baka mashookt kayo bigla...